CHAPTER 26

76K 2.7K 393
                                    

♡♡♡

Axiesse's POV

---------

Lunch na nang makalabas ako ng clinic kaya napagdesisyunan kong bumalik sa canteen. Bago ako makaabot sa canteen ay napadaan muna ako sa mga locker na nasa gilid lang ng hallway.

Habang naglakakad ako ay ramdam ko talaga na may basa sa palda ko. It's really making me uncomfortable. Parang may mali eh.

Nakarinig ako ng tawanan sa likod ko kaya napatingin ako roon. Nakatingin ang iilan sa akin at tawang tawa. My cheeks heated. Meron ding mga babae na ang sama sama ng tingin nila na para bang nandidiri. What the hell?

Ano naman ang ginawa ko sa kanila?

Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanila. Mas lalo silang natawa habang turo turo ako. Huminga ako ng malalim at tinalikuran sila pero pagkaharap ko ay may tumatawa na naman doon! I slowly put my hands on my back to cover something I don't know.

Pag hindi 'to sila titigil sa pagtawa, pagsisisihan nila. Nakakapikon naman eh!

Walang emosyon ko silang tiningnan, hindi pa rin sila tumitigil. Some are holding their cellphones already. Napalunok ako at mas lalong napikon. Pakiramdam ko may masasampal ako ngayon. I counted one to five mentally but they just won't stop making fun of me. Wala pa rin? Oh, well.

Lalapitan ko na sana ang isang nagvi-video sa akin nang may naramdaman akong kamay na pumulupot sa baywang ko na para bang niyayakap ako mula sa likuran!

The place went silent. Gulat kong tiningnan ang braso sa aking baywang na tinatali ang isang sleeve ng jacket doon. Pero... hindi naman 'to jacket. School uniform 'to at hindi karaniwang uniform ng isang normal student!

Unti unti nyang inalis ang dalawang kamay niya. Napalunok ako at napalingon kaagad kung sino 'yon!

My heart boomed and my eyes widened. Naramdaman ko bigla ang labi niya na nakadampi sa ang labi. Sa sobrang gulat ko kay naitulak ko siya.

OMG?! What the hell was that?!

Ang lakas lakas ng kabog ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit ako kabang-kaba at medyo natataranta. Masama ko siyang tiningnan at kahit hindi na nakakahinga ng maayos, may lakas pa rin akong magsalita.

"Bakit mo ako hinalikan?!"

Natulala siya na parang hindi rin inaasahan ang pangyayari. His lips parted. Pagkatapos 'yon ay nagtiim labi. I saw him swallowed hard and looked at me straight in my eyes.

Parang gusto kong magpalamon nalang sa tiles. We kissed! But accidentally!

"You have a stain-"

"Shut up!" Putol ko sa kaniya.

Gulat na gulat ang mga estudyante.

Wala akong paki alam kung tinali niya ang coat niya sa baywang ko para hindi ako mapahiya. Alam ko nang may mantsa ang palda ko pero nakakainis lang!

Sigurado akong maraming nakakita no'n. Nakakahiya na talaga. Unti unti akong nilalamon ng hiya kaya ang ginawa ko, hinawakan ko 'yong kwelyo ni Zae. I was hesitant at first but it's the only way I can save my face!

"Bakit mo ako hinalikan ha?!" Sabi ko sabay hawak nang maigi sa kwelyo niya. Ang init init na ng mukha ko.

"Nag thank you ka na lang sana," seryosong aniya.

What?

Magpapasalamat ako ako dahil hinalikan niya ako o magpapasalamat ako dahil tinalian niya 'yong baywang ko ng kaniyang coat para hindi makita ng lahat na may mantsa ako sa palda? Gano'n ba?

Protecting the Campus Royalties (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now