CHAPTER 9

97.1K 3.2K 331
                                    

♢◆♢

Sasha's POV

---

Pagkarating namin sa gym ay marami ng mga estudyante. Symepre maingay at kahit anong lakas ng aircon, mainit pa rin. Naghanap kami ng mauupuan.

"Ano bang meron?" Tanong ni Yumie sa'kin.

"Hindi ko alam..." Sabi ko sabay kibit-balikat. Sabay kaming pumunta rito kaya halata naman na hindi ko alam!

Iginala ko ang mga mata ko at gusto ko nang malunod sa kinauupuan ko dahil ang daming mga mata ang nakatingin sa'min. Sinasabayan pa ng masamang tingin nila ang kanilang bulungan. Ano bang problema nila? Ganon na ba talaga kami kaganda? Duh?

"Siya ba yung gurl? Balita ko, sinundan niya raw si Klenth hanggang sa Special Class! Tayo nga eh hindi makapunta roon sa section nila—siya pa kaya na baguhan pa lang?" Bulong no'ng nasa likod ko.

Gusto ko silang lingunin pero hinahayaan ko na lang. Baka dumugo lang ang bibig ng mga 'yan pag ang kamay ko ay dumapo sa pisngi nilang puno ng kolorete kapag hindi ako nakapagtimpi.

"Duh! Look at her. Kahit pa sundan niya si Klenth ay hindi pa rin siya magugustuhan ng isang Klenth Sejin!"

"Hahaha! Correct ka dyan! Mukhang poor pa nga eh! And...only Elli can get Klenth Sejin's Heart!"

"Tama ka dyan-"

"Good afternoon, everyone!" Biglang bati no'ng nasa stage dahilan para mapalingon kami roon. Tumahimk naman ang mga babae sa likod ko. "I know that all of you ay walang kaide-ideya kung bakit ko kayo pinatawag dito..."

Mabilis na gumala ang mga mata ko pero wala eh! Hindi ko siya makita. Sa dami ng estudyante rito ay madali ko lang silang makikita dahil nag iiba 'yung uniform nila. Nakaka-agaw pansin yung uniform nila pero wala talaga siya. Napanguso ako at tumingin nalang sa stage.

"Students, I am now opening the examination for the whole campus!" Sabi ng Dean.

Nagsibulungan ang mga estudyante sa paligid. Kumunot naman ang noo ko. Hindi ko maintindihan ang sinasabi ng Dean. Hindi ko kasi alam kung bakit may ganyang ganyan pa na examination.

"All of you will take an examination. Lahat kayo ay magtetake ng exam para sa Special Class-"

"Kyaaaaaa!"

Luh?

"Omgeesh! Magiging classmates ko ang mga T4!"

"Yepeee! Sa section diba 'yon nila Zae?!"

"Omyghod!"

"Makikita ko na araw-araw si Marx pag nakapasa akoooo!"

What!?

"Huahua! Ando'n diba si Klenth?!"

"Oo nga! Pati si Wayne! Gosh! Hahaha!"

"Emeged!"

Tilian ng mga babae sa paligid ang naririnig ko. Napatakip ako sa aking taenga sa sobrang ingay nila. Pati si Dean ay natawa dahil sa inasta ng mga babae pagkabanggit niya ng 'special class'. Syempre, ando'n kasi sa section na yun ang tinatawag nilang T4.

"Students! Students!" Pagpigil ni Dean sa kanila. Agad naman silang tumahimik pero ng iba ay hindi na makalma. "The exam will be a 1000-item. Marami? Yes! Dahil pinaghihirapan dapat para makapasok sa section na 'yon. Why? Because Special ang Section na 'yon," dagdag pa nito. Nanlumo naman ang karamihan at ang mga itsura ay halatang namomroblema na."The examination will be on next week! So be prepared! And... Magkakaroon tayo ng ranking dito sa campus! Alam niyo naman diba kung sino ang Top 1-"

Protecting the Campus Royalties (UNDER REVISION)Kde žijí příběhy. Začni objevovat