CHAPTER 18

81.3K 3K 162
                                    


★☆★

Zell's POV

---

WaAaAaAaa!!!

Natumba ako sa kaniya!

Hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko habang magkadikit na kami. Agad na nagsalubong ang mga kilay ko. I can feel my loud beating heart. Akmang aalis na ako sa kaniya nang pigilan niya ako. Hinigpitan niya pa ang paghawak sa kamay ko!

"Dito ka lang.." Nanghihina niyang sabi.

Nangunot naman ang noo ko saka mabilis na binawi ang aking kamay mula sa pagkakahawak niya. Magkalapit ang mga mukha namin!

He licked his lips.

"Dyan ka lang-"

"'Wag kang pumunta sa kanila.." Dagdag niya pa.

Nakaramdam ako ng awa dahil puro pasa na ang mga mukha niya.

"Wayne, dito ka lang. Hintayin mo 'ko dyan.." Seryosong usal ko at buong lakas na tumayo. Hindi niya na ako napigilan nang binalikan ko roon ang mga lalaki.

"Natapos niyo na ba ang gingawa niyo ng boyfriend mo?" Sarkastikong wika ng isa sa kanila. Matangkad, medyo may kalakihan ang mga katawan, puros nakaitim at maitim!

Hindi ako mapanlait, ah? Ang itim na nga ng suot nila, maitim pa ang balat, maitim pa ang ugali! Sana nag white na lang sila para mabigyan naman nila ng kaonting liwanag ang mga buhay nila, diba?

I scoffed. "Hindi ko siya boyfriend-"

"Tumahimik ka!!" Biglang sigaw nung isa kaya napaatras ako sa bigla.

Siya 'yong may hawak na bat. And believe me, napakapangit niya talaga. Hindi naman ako nanlalait. I'm just stating the fact.

"Alam mo ba kung anong ginawa ng ugok na 'yon sa girlfriend ko?!" Galit na sigaw niya sa'kin saka mahigpit na hinawakan ang bat!

Nanliit ang mga mata ko habang tinitingnan siya.

"Hindi," kalmadong sagot ko.

Mas lalo pang umusok ang tainga at ilong niya. Ano bang problema ng mga 'to at ang laki naman yata, nagawa pa nilang manakit ng tao?

"Siya lang naman ang nagparusa sa girlfriend ko! Pinaakyat-baba nila sa hagdan bitbit ang isang sakong encyclopedia! Kaya ayon! Nakipag break siya sa'kin dahil hindi ko siya naipagtanggol! Siya at 'yong gagong Campus King niyo ang may kasalanan!!!" Malakas sa sigaw niya.

Hingal na hingal pa siya saka tumingin sa kaniyang likuran at sinenyasan ang mga kasama. Kumunot ang noo ko. Baliw na baliw sa girlfriend niya ha? Kasalanan niya rin naman na iniwan siya! Pangit na nga, ganyan pa ang ugali. Kasalanan niya talaga.

"At dahil sa pangenge alam mo, ikaw ang uunahin namin!" Wika niya sabay lapit hawak-hawak ang kaniyang bat.

Ngumisi ako. "Nah, kulang kayo." Pero ang totoo, mukhang mahihirapan ako ah!

"Mayabang! Sa tingin mo kaya mo kami?!" Sabi naman noong isa na may hikaw sa bibig.

Hindi na ako sumagot at napabuntong-hininga. I clicked my neck and massaged my knuckles. Ang papayat. Madaling baliin.

"Yaaaaaaaaaaa!" Biglang umatake 'yong isa sa kanila na may dalang kahoy.

Napaatras ako habang 'yong isa ay tumatakbo na papalapit sa'kin.
Huminga ako nang malalim at inamba ang mga kamao ko sa pag-atake niya.

Akmang hahampasin ako ng kahoy nang bigla akong pumailalim kaya nakailag ako. Kinuha ko 'yong tsansya ko para patumbahin siya kaya sinipa ko siya nang malakas sa paa. I fought with them using my hands and feet only.

Protecting the Campus Royalties (UNDER REVISION)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz