CHAPTER 4

100K 3.3K 406
                                    

♡♡♡

Axiesse's POV

----------

WHAT THE HECK?

Hindi pa raw pinapalabas si Yumie doon? Baka anong gawin sa kaniya!

Tumatakbo kami ngayon kung saan man ang room ng mga Top 4 na 'yan! Ang sabi pa ni Cherwin at Arjie ay nasa special class daw 'yong Top 4. Doon daw ang section nila.

Pero... paano naman siya nabully? Lumabas ba siya ng room? At worst, Campus Prince pa? What the heck is happening?

Sinusundan lang naming tatlo sina Arjie at Cherwin dahil sila ang nakakaalam kung saan man 'yong room ng Special Class. Hindi pa naman lunch time pero maraming estudyante ang nagtatakbuhan sa kung saan man ang direksyon ng pagtakbo namin! Just Damn it!

Malayo pa lang ay tanaw na tanaw na namin ang mga nagkukumpulang mga estudyante na animo'y may sinisilip sa loob ng isang classroom. Napatingin ako sa ibabaw ng pinto ng classroom na 'yon.

Special Class-Highest Section

"Ayun! Dali!" Sigaw pa ni Cherwin at mas pinabilisan ko ang pagtakbo.

Naunahan ko na sila at pagdating ko roon ay pinilit ko ang sarili kong makapunta sa may pinto ng classroom pero ang sikip-sikip sa dami ng mga estudyante rito!

May tinulak pa akong iba para lang marating yung pinto! "Excuse me! Excuse me!" Sabi ko at dali daling lumapit sa pinto.

"Hindi mo 'yan mabubuksan dahil naka lock!" Sabi ng isang babae sa 'kin.

"Tssh."

"Kawawa naman yung girl! Why Klenth is like that kase! Ang gwapo gwapo nya!" Kinikilig na sambit nung isa.

Inis kong binalingan 'yong babae at inirapan kahit hindi niya naman nakita. Hinawakan ko ang doorknob pero ayaw bumukas. Tinulak-tulak ko pa ang pinto pero ayaw talaga!

"Tabe nga kayo dyan!" Si Sasha. "Tabe sabi dahil bubuksan namin 'tong pinto!" Sigaw niya at naramdaman ko namang dali-daling tumabi ang mga estudyante dahil wala na ang mga 'to sa likod ko!

"Buksan niyo 'to!" Sabi ko at sabay hampas sa pinto pero walang nangyari.

"Confirmed! Andun nga siya sa loob!" Nag-aalalang sambit ni Arjie na nakasilip na sa glass window kasama si Cherwin.

Bakit ba kasi dinala nila rito si Yumie?! At Campus Prince daw? Wow ah!

Agad na dumami pa ang mga nagsilapitan sa pinto at naipit na naman ako ro'n. Maraming babae ang nakasilip sa mga bintana. Andami nang nakatingin sa 'min dahil si Zell ay nasa gilid at pilit binubuksan at tinutulak ang pinto na para bang hindi sila makapaniwala na ginagawa namin iyon. Si Cherwin at Arjie naman ay nasa harapan mismo ng bintana. Kasama rin namin si Sasha na nasa gilid rin ni Zell na pilit tinutulak rin ang pinto.

Kaya siguro sila nakatingin sa 'min kasi kaming magkakaibigan lang ang nagtangkang buksan ang pinto.

"Omyghod! Anong gagawin nila sa girl?"

"Sana ako nalang ang nasa loob yieee!"

"Pero kawawa yung girl! Basang basa ng juice at may spaghetti pa si ulo!"

WHAT?!

"Oo nga! Napaka bully talaga ni Klenth eh! Yieee pero type ko pa rin!"

Hala ka?

"Omyghod!" Sigaw ni Cherwin at Arjie kaya mas lalo akong kinabahan kahit na alam ko namang kayang kaya 'yon ni Yumie.

Kinakabahan ako... hindi dahil sa kung ano ang gagawin nila kay Naeyumie! Well... sa kung ano nga ang gagawin nila kay Naeyumie na maglalagay sa kanila sa isang sitwasyon!

Protecting the Campus Royalties (UNDER REVISION)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant