CHAPTER 67

79.2K 2.3K 762
                                    

•°•

Naeyumie's POV

----------

"Bye, Axiesse!" Sabi ko nang mamataan ang pag-alis ni Klenth so ibig sabihin, aalis na rin ako.

Sumakay na ako sa aming sasakyan at sinabihan ang driver na sundan ang sasakyan ni Klenth na nasa harap. Sinunod naman ako ni manong at naging kasabwat ko na rin.

Nakasakay ako sa backseat ng sasakyan pero nasa gitna ako ng dalawang upuan. Mabilis ang kabog ng puso ko habang sinusundan ng sasakyan namin ang sasakyan ni Klenth. This isn't the first experience to follow a car but today's different.

"Crush niyo ho 'yon, Ma'am?" Tanong ni manong habang nakatingin sa rear mirror.

Nanlaki ang mga mata ko at dali daling umiling.

"Hindi no!"

"Ah..." Tumango-tango siya. "Eh bakit po gusto niyong sundan natin siya?" Dagdag niya pa, nakangiti na ngayon.

"A-Ano kasi, manong..." Wala akong maisip.

Napalunok ako at agad na nag-isip ng maisasagot. Bakit ko siya sinusundan?
Syempre, kailangan ko siyang protektahan. Kailangan 'yon sa misyon. Baka may bigla nalang humarang sa daan niya. Hindi pa kasi tapos ang aming misyon. Sasabihin ko sana 'yan kaso hindi pala puwede.

"Ano ho?" Nakangising tanong ni manong, parang tinutukso ako.

"Kasi... Bo-B-Boyfriend ko siya!"

WHAT?

Agad kong tinikom ang bibig kong napakasinungaling. Napalunok ako at gustong mapapikit pero baka mahalata ni manong na nagsisinungaling lang ako! Dapat maniwala siya sa 'kin kahit na ayaw na ayaw ko sa ideyang 'yon!

"May nobyo na kayo, Ma'am?"

"O-Oo, manong... Boyfriend ko... siya," alinlangang wika ko. Uminit ang aking pisngi dahil sa kahihiyan.

Napangisi si manong. Mas lalong uminit ang pisngi ko at umupo nalang ng maayos. Hindi niya naman ito isusumbong sa parents ko at kung isumbong niya man, hindi naman ako mapapagalitan. I can explain.

Nanatili ang mga mata ko sa harap kung saan ang sasakyan ni Klenth na patuloy pa rin naming sinusundan. Si manong naman ay nagplay ng music at pakanta kanta pa.

Where is the Love.

Tiningnan ko ang aking relo. Nasa likod ako ng letter K. Tumingin ako sa harap at nakita na wala pa ring nangyayari. Nakasunod lang kami kay Klenth na pauwi na.

Huminga ako nang malalim at dahan-dahang hinawakan ang aking dibdib. Ramdam na ramdam ko ang malakas at mabilis na pagkabog no'n.

I remembered what he told me earlier. Baliw? Nababaliw na siya sa 'kin? Does he like me? What. May kaonti akong ideya pero... gusto kong maliwanagan.

Napapikit ako. Anong ibig niyang sabihin doon? Naguguluhan ako sa kaniya. Gusto niya ba ako? Kasi ako... hanggang ngayon, gustong gusto ko pa rin siya. Walang pinagbago. Hindi ko alam kung bakit siya pa ang ginusto ko. Gusto ko siya pero naiinis ako sa kaniya. Ayaw ko siyang gustuhin.

Nagulat ako nang biglang huminto ang sasakyan namin. Muntik na akong tumalbog sa harap! Buti nalang nakahawak ako sa likod ng front seat.

"Ma'am! Okay lang ho kayo?" Rinig kong nag-aalalang tanong ni manong.

Mabilis kong inayos ang sarili at naupo sa upuan. Kumalabog ang puso ko dahil sa hindi inaasahang pangyayari. What was that!?

"Manong, anong pong nangyari?" I asked, ignoring his question.

Protecting the Campus Royalties (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now