CHAPTER 57

81.1K 2.4K 758
                                    

♢◆♢

Sasha's POV

----------

"C-CR m-muna..." Napatingin kaming lima na nandidito sa table kay Zell.

Tumayo siya at naglakad palayo. Hindi niya kami nilingon. Anong nangyari do'n? Mukha siyang kinakabahan na ewan. Nauutal pa. Parang okay naman no'ng pagpunta niya rito.

Nagkatinginan kami ng mga kaibigan ko. Nakikiramdaman kung anong nangyari. Sa huli, nagpatuloy lang kami sa pagkain.

I'm wearing a dress. Royal Blue. Isang dress na kita ang likod. Kita ang likod, mula sa shoulder blade hanggang sa lebel ng aking waist. Pinares ko rin sa damit ko ang isang dark blue open toe. Light make up lang din ang nilagay ko. Grabe! Hindi ko aakalain na mas bongga pala 'to kaysa sa party na ginawa kay Ellisandra!

Napatingin kaming lahat sa harapan nang biglang umakyat si Dean. Kinuha niya ang microphone at ngumiti. Kumakain pa ang ilan sa amin pero natigil lang nang umakyat siya.

"Hello, Sky Hextians!" Bati niya.

Bumati rin ang mga estudyante kay Dean na sobrang lapad ng ngiti. Parang ako 'yong kinabahan sa ngiti niya. Hindi ko alam. Well... Siguro masaya lang siya.

"How's the food?" Masayang tanong niya. Sumagot naman ulit ang mga estudyante. Puro positive lang ang sinabi ng mga estudyante. No doubt. Masarap talaga ang pagkain dito. Kaya nga sobrang saya na naman nitong si Axiesse.

Napatingin ako sa kaibigan kong akala ko, masaya dahil maraming pagkain. Kumunot ang noo ko nang makita siya na nakatitig lang sa kaniyang wine glass at hindi nilingon si Dean na nasa harap. Seryoso ang kaniyang mukha habang nakatitig do'n. Mukhang may malalim na iniisip. Nakakatakot nga siyang kausapin baka biglang nalang sumabog!

"I am happy that you're enjoying the food..." Malumanay na ani Dean. "The truth is, I'm so, so! Happy! Not just because our Campus Third Prince is back and because my granddaughter, Stawnzell Stewart is finally enggage with Yvo Gibrel..." Dagdag niya pa.

Nag-ingay ang paligid. Nagulat ako sa sinabi ni Dean! Nagkatinginan kaming lima na naririto sa table.

May narinig pa akong Yvo is a famous model at kabilang daw siya sa Top 5 hottest male model in the Philippines  'Yon ba 'yong pumunta sa school kanina? Pakiramdam ko, 'yon nga siya!

Pero hindi ko alam kung sa akin lang ba o ano pero tumingin siya sa banda ng mga Campus Royalties. Napatingin ako ro'n. He's obviously looking at Wayne na parang pinariringgan niya ito.

Parang nag-init ang dugo ko.

Pero, wait! Enggage na ba talaga si Zell? Paano?

Alam namin na nililigawan ni Wayne si Zell. Sinabi sa amin ni Wayne no'ng gabing binaril siya na nililigawan niya ang kaibigan namin. Hindi ko alam kung natuloy ba o ano. Pero... Why does he need to say it in public? Na enggage na si Zell? Lalong lalo na na para kay Wayne itong nagaganap.
And what? She's just only seventeen! Seeesh!

"The engagement will be official on my granddaughter's eighteenth birthday..." Ngiting ngiti pa siya. Tinanggal niya ang tingin kay Wayne at tumingin sa aming lahat. "Why am I saying this? Because I want you all to be part of her engagement party..." Tumawa siya.

Napalunok ako at tumingin sa table ng mga Campus Royalties. Nakita ko si Wayne na seryosong nakatingin lang sa kaniyang wine glass, katulad ng ginagawa ni Axiesse.

Narinig ko ang mga sinabi ng iba dahil mas lalong nag-ingay.

"She is so lucky para ma enggage kay Yvo! I've heard na Yvo's a good guy!"

Protecting the Campus Royalties (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon