CHAPTER 43

78.4K 2.6K 640
                                    

♡♡♡

Axiesse's POV

------------

"One... two... three," sabi ni Zae at kinuhanan ako ng litrato na ang background ay 'yong fountain.

Ilang ulit niya na akong kinuhanan ng litrato. Hindi ko lang alam kung bakit paulit-ulit. Baka naman kasi napapangitan siya sa mga pictures ko. Eh siya naman ang kumuha diba?! I'm trying my best to pose here!

"Again," aniya tapos pinusisyon ang sarili sa pagkuha ng litrato. Na naman. "One... two... three..." At narinig ko nalang ang pag click ng camera.

Kailangan dapat stolen shot. Hinahawakan ng isa kong kamay ang red rose. Sa isa ko namang kamay ay may hawak akong mga libro. Kunwari ay nakatingin ako sa rosas at parang inaamoy ito with matching slight na ngiti na parang kinikilig at nakapikit pa.

Ugh! Kahit sa pagkuha niya ng litrato ay napakaguwpao niyang tingnan. Nakakainis.

"Again," Sabi niya ulit.

Kumunot ang noo ko.

"Hays! Ilang ulit ba dapat?" Naiinis kong sabi sabay lagay ng mga kamay sa baywang. "Nagugutom na ako," reklamo ko.

Nakita ko ang pagtaas ng gilib ng labi niya, parang may pinipigilang ngiti pagkatapos ng sinabi ko. Napalunok ako at halos irapan siya.

"Last na 'to..." Aniya at bigla niya akong kinuhanan ng litrato!

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi pa ako ready do'n eh! Paniguradong salubong ang mga kilay ko roon at nakanguso! Argh! Kung hindi lang siya si Zae ay baka na sapak ko na 'yan.

"I delete mo nga 'yon!" Inis na inis na sabi ko. Pinagmasdan niya ang kinuhang litrato sa kaniyang DSLR at tumingin sa 'kin.

"I delete mo 'yon!" Ulit ko pa pero ngumisi lang siya at umiling. "Isa! Akin na nga!" Akmang kukunin ko ang camera sa kaniya nang bigla siyang umatras.

"Dalawa! I delete mo nga sabi!"

"Why? You look pretty in that picture.."

"Sinungaling!"

"Nagsasabi ako ng totoo."

"Ang pangit nga!" Gusto kong maluha sa inis.

"It's not. It's... cute."

"I delete mo! Tatlo!" Sabi ko pa pero parang wala lang siyang narinig.

Nagulat ulit ako ng kinuhanan niya ulit ako ng litrato na gano'n ang mukha. Salubong ang mga kilay. Nakanguso— pangit! I heard his chuckle.

"Bahala ka!" Galit na sabi ko at nagmartsa paalis doon.

Hindi niya dapat pinapagalit ang tulad kong gutom! Ayoko talaga sa lahat ay 'yong pinapagalit ako kahit alam naman nila na gutom ako. Ayoko rin sa lahat ay 'yong kinukuhanan ako ng litrato tapos ang pangit pangit pa ng pagmumukha ko. Tssh. At anong gagawin niya sa mga pictures na 'yon? Iyon ba ang isusubmit niya? O pang blackmail sa 'kin?

Mabilis ang lakad ko pabalik sa loob ng building. Malalaki ang bawat hakbang ko at tuloy-tuloy ang paglalakad. Nakakainis talaga!

Paliko na sana ako ng canteen nang biglang may malakas na humablot ng braso ko. Nagulat ako. Mabuti na lang at siya ang nakita ko. Baka kung iba 'yon ay nasapak ko na sa mukha!

Matalim ko siyang tiningnan. Bakit niya hinablot ang braso ko? Sinundan niya ba ako? Ano na naman ang kailangan niya?

"Na delete mo na?" Malamig ang boses ko.

Protecting the Campus Royalties (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now