CHAPTER 39

90.1K 3.3K 1.1K
                                    

♡♡♡

Axiesse's POV

-------

"The program will start in 15 minutes.."

Napatili ang mga kaklase ko nang marinig nila 'yon galing sa emcee sa stage. Nandito kaming lahat na sa backstage. Kanina pa ako kinakabahan. Parang sumasakit na nga ang tiyan ko dahil sa kaba. Dinagdagan pa 'yon ng mga nakakabinging tili ng mga kaklase ko.

Tumalon talon sina Arjie at Cherwin tsaka pinaypayan ang sarili. Ganyan din ang ginawa ng iba kong mga kaklase.

"Ang raming tao sa labas! I'm so nervous!" Ani Cherwin habang hinihingal.

Napatingin siya sa 'kin na nakaupo lang sa harap ng salamin. Si Zell ay nasa tabi ko rin, nakasandal at nakapikit habang nakasaksak ang earphone sa kaniyang mga tainga. Si Yumie ay panay ang selfie at si Sasha ay mine-make-upan ang sarili.

Tingin ko, hindi naman sila kinakabahan! Ako lang yata sa aming apat itong kanina pa pinagpapawisan!

Lumapit sa 'kin sila Cherwin at Arjie. Tinignan ko naman sila sa repleksyon ng salamin.

"Ang ganda ganda mo! Pramis!" Ani Arjie habang nanlalaki ang mga mata.

Nag-iwas ako ng tingin. Kanina pa nila 'yon sinasabi. Parang mga sirang plaka lang. Hindi ko naman alam kung maniniwala ba ako o hindi.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Naka floral dress ako. Hanggang tuhod 'yon. Kanina nakipagtalo pa ako sa dalawang bakla dahil gusto nilang ilugay ang buhok ko. Pinagbigyan ko nalang sila kasi kinukulit nila ako. Atleast hindi nila tinanggal ang salamin ko. Parati nalang daw kasi nila ako nakikitang naka bun at nakasalamin.

Konting make up lang ang nilagay sa 'kin kung hindi ako umangal. Kaya ang nilagay nila sa mukha ko ay blush on lang saka lip gloss. Gano'n lang. Buti nalang alam kong role playibg ito dahil baka iisipin kong pupunta ang iba sa halloween party sobrang kapal ng nilagay na make-up.

Tumayo ako at huminga ng malalim. Walang mangyayari kung uupo lang ako rito at magpalamon sa kaba. Napatingin sa 'kin ang mga kaklase ko. Kanina pa nila ako tinitingnan. Hindi ko alam kung may dumi ba ako sa mukha o sadyang napapangitan lang talaga sila sa 'kin.

Nagpalakad-lakad ako pabalik balik. Kinakabahan na talaga ako. Paano nalang kung magkamali ako mamaya? Paano kung makalimutan ko ang mga linya ko? Omg!

"Hala! Wala pa ba sila Zae?" Biglang tanong ni Cherwin sa 'kin kaya napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa kaniya.

"Oo nga noh? Diba magka-partner kayo sa role play, Axiesse!?" Nanlalaking mata namam na ani Arjie.

Nanlaki ang mga mata ko. Oo nga! Partner kami sa role play. Kami ang napiling bida. At my gosh. Baka hindi na makakarating si Zae tapos ako nalang mag-isa ang aarte sa harap. Nakakahiya naman 'yon. Siguraduhin lang ni Zae na 'yan makakapunta siya kundi sasapakin ko siya!

"Wala pa ba siya?" Napatanong na ako kay Arjie.

Napatingin ako sa aking wrist watch.

"Sino?" Nakangiting tanong niya pabalik. Nag maang-maangan pa talaga ang isang 'to.

Halos mapairap ako at bumuntong hininga. Hindi na ako nagsalita at bumalik nalang sa kinauupuan sa harap ng salamin. The other agents told me that he's safe. Hindi ako makasunod kay Zae kasi kailangang mauna rito dahil sa event.

Lumapit naman si Arjie sa 'kin na may naka plaster na ngiti sa labi.

"Ahhh! Si Zae ba ang iyong hinahanap binibini?" Tumawa ang baliw.

Protecting the Campus Royalties (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon