Chapter 1

339K 5.1K 7.4K
                                    

CHAPTER 1

"PASSENGERS  OF FLIGHT R432, we have now reached our destination. We are now in Ninoy Aquino International Airport. Thank you for being with us in this flight. We hope that you will enjoy your stay here in Philippines."

Nagmulat ako ng mata at nag-inat. Ang tagal ko din palang nakatulog. Nandito ako ngayon sa loob ng eroplano. Nakita kong nagsibabaan na ang mga kasama kong pasahero.

Inayos ko ang sarili ko at tumayo. Bumaba na rin ako ng eroplano.

'Sa wakas after 2 years, here I am now Philippines!' Sigaw ko sa isip ko at nilanghap ko ang hangin.

Sobrang namiss ko ang Pilipinas. At sobrang namiss ko sya. Oo siya. Ang bestfriend ko.

"Welcome home, Princess! I love you lupa kong sinilangan!" Malakas kong sigaw.

Wala akong pakialam kahit pinagtitinginan na ako ng mga tao sa paligid ko.


Dala-dala ko ang maleta habang papalabas ako ng airport.

Nandito ako ngayon nag-aabang ng taxi at ng masakyan ko pauwi.
Walang ibang nakakaalam ng pag uwi ko ngayon except my mommy. Kahit ang bestfriend kong si James ay hindi alam na uuwi ako ngayon sa Pilipinas. Ang alam nito next month pa ang balik ko.

But of course, dahil sobrang nag aalala si mommy ko sa'kin, katakot takot na paalala ang ginawa nito noong nasa Korea pa ako. Magpasundo daw ako sa driver namin o kaya kay James pagkauwi ko sa Pilipinas. Bawal akong bumiyaheng mag-isa.

Pero dahil matigas ang ulo ko, heto at ako lang mag isa. Hindi naman mabigat 'yong mga dala ko at kaya ko naman kaya bakit magpapasundo pa ako sa driver namin? Atsaka isa pa, I want to surprise my one and only bestfriend. Kaya nga hindi ko sinabi kay James na darating ako ngayong araw na 'to.

Didiretso ako sa opisina nito. Guguluhin ko ito. Siguradong magugulat ito kapag nakita ako nito.

"Here I come, my love." Sabi ko sa sarili sabay ngiti ng pagkatamis-tamis.

God! I really missed him. At gusto ko na talaga syang makita agad agad. As in now na.

Tumigil ang taxi sa harap ko. Binuksan ko ang pinto sa passenger's seat pero laking gulat ko nang nagsara ulit iyon.

Tinignan ko ang kung sinumang walang hiyang nagtulak pasara niyon. Nakahanda na sana ang malutong kong mura nang makilala ko kung sino yon.

'Patay!'

Kung pwedeng tumakbo na ako papalayo sa harap ng lalaking ito ay ginawa ko na.

Kung kanina ay excited akong makita ito, ngayon ay kinakabahan ako sa nakikita ko sa mukha nito. I really know that expression of him. Madilim ang mukha nito. Paano nito nalamang nandito ako? Mukhang sinabi ng mommy ko sa kanya.

"What do you think you're doing, brat?" Sabi ng baritono nitong boses. Bakas ang galit sa boses nito.

Jusko Lord! Save my heart po.
Oo. Si James. Si James Karl ang nasa harap ko ngayon.

My Love!

Hindi. Hindi. Hindi.

Mamaya na ang kilig. Kailangan ko munang harapin ito ng maayos. Alam kong galit ito base pa lang sa expression ng mukha nito ngayon.

Phoenix Series #1: My Only Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now