CHAPTER #28|Pagkamatay|

83 5 1
                                    

-------SOFIA------

Kagabi pa hindi gumigising si king kaya nasa ospital parin ako hanggang ngayon binabantayan siya.

"king please gumising kana. Ano bang nangyare sayo"tumulo nanaman ang luha sa mata ko.

Hinawakan ko yung kamay niya habang patuloy sa pagpatak ang luha sa mata ko.

"Mahal na mahal kita king kaya please gumising kana"wika ko sa kaniya.

Maya maya biglang nag ring yung phone ko at pagkatingin ko sa screen unknown number. Baka si tina nanaman to pero baka importante tong tawag na to.

|hello?|

[sofia? Tatay ako ni rose]

Pagkasabi niya nun tumayo ako sa kinauupuan ko.

|bakit po? May nangyare ba?|

[pinuntahan nila rose yung pamilya mo kasi sila na ang susunod]

Nabitawan ko bigla yung phone ko habang tulala na nakatingin sa may pintuan. Hindi ko alam pero nanginginig na ngayon ang katawan ko habang unti unting kinukuha pabalik yung phone ko.

Namatay na yung tawag kaya naman dinadial ko yung number ni mom buti nalang sinagot niya agad.

|nasaan kayo?|

[papunta sa bahay]

|mom, magkita tayo wag kayong uuwi|

[why? Pwede naman sa bahay tayo magkita]

|no,mom basta pumunta nalang kayo sa park maghihintay ako|

Binaba kona yung tawag at dumiretso ako agad sa labas para mag abang ng taxi pero minamalas ata ako ngayon kasi wala ni isang taxi ang humihinto sa harapan ko.

Kaya naman wala na akong nagawa kundi ang takbuhin ang park total malapit lang naman yun dito sa ospital.

"Pwede namang ibang tao nalang bakit si mom pa"mahinang sabi ko sa sarili ko habang tumatakbo ako papunta sa park.

Subrang pagod na pagod na ako at hingal na hingal pero kailangan ko paring tumakbo para makarating ako dun kasi hindi pwedeng maunahan ako ni tina, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may masamang nangyare sa pamilya ko.

Alam ko naman na kasalanan ko lahat ng to kasi kung hindi ako nabuo sa tyan ni mom edi sana buhay pa lahat ng taong mahal ko lalo na ang mga taong nadamay dahil sakin.

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha sa mata ko habang tumatakbo ako papunta sa park, naaalala ko lang kasi yung dating buo pa ang mga estudyante sa room namin, yung masayang bonding sana namin nauwi sa bangungot kung hindi sana namin pinakialaman ang buhay ni tina dun, sana buhay pa silang lahat ngayon.

May isang taxi naman ang huminto sa harapan ko at pinasakay niya ako buti nalang may mga tao pang mababait na natira sa mundong to.

"Bakit kaba tumatakbo hija?"tanong ni manong sakin.

"Pupunta lang po ako sa park"mahinang sagot ko naman sa kaniya.

"Sana naghintay kana lang ng ibang taxi para hindi ka mapagod"wika naman niya.

"Ok lang po ako manong salamat"

Maya maya nakarating na kami sa park kaso wala akong perang dala, naalala ko yung wallet ko nakapatong malapit sa higaan ni king.

"Manong"mahinang tawag ko sa kaniya.

"Oh sige na baka hinihintay kana ng mahal mo sa buhay dyan sa park, wag kana lang mag bayad"wika naman niya sakin.

Lumiwanag yung mukha ko sabay baba."maraming maraming salamat manong"pahabol ko bago siya tuluyang umalis.

Tumakbo nanaman ako papasok sa park at hinanap ko agad kung nasaan sila ni mom and dad.

Naikot kona yata tong buong park pero wala parin akong nakitang mukha nilang dalawa kaya tinawagan ko nalang yung number ni mom.

|the number you have dial is incorrect|

Paano nangyare yun, kakatawag ko lang kay mom, ha! tska hindi naman nagpapalit ng sim si mom.

Subrang bilis na ng tibok ng puso ko kaya hindi ko maiwasang ikalma ang sarili ko lalo na ngayon na alam kung nasa panganib sila pareho.

"Mom please pick up the phone"mahinang sabi ko habang pumapatak yung luha sa mata ko.

|the number you have dial is incorrect|

"Mom please sagutin niyo. Paano nangyare yun!?"tanong ko sa sarili ko, nanginginig na ang buong katawan ko at subrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may masamang nangyare sa inyo!" "Mom please, sagutin niyo!"

Maya maya may mga taong nag kukumpulan sa may kalsada kaya mas lalo akong kinutuban sana hindi sila yan.

|Rose Calling|

|anong problema?|

[Hindi namin naabutan yung mom mo]

|pinuntahan niyo sa bahay namin?|

[Oo pero wala sila dun]

|dont worry, sinabihan ko silang magkikita kami sa park|

[Oh teka! Rose tignan mo umiilaw nanaman]

°

Tinignan ko yung palad ko at umiilaw din siya kaya naman napaupo ako.

|anong ibig sabihin nito?|

[Sofia, kapag kasi umilaw to ibig sabihin may mamatay, may humihingi ng tulong, may spirit sa paligid]

|its imposible|

Naisip ko agad sila ni mom kaya tumakbo ako papunta dun sa mga taong nagkakagulo. Hindi kona napigilan ang sarili kung hindi umiyak kasi pakiramdam ko silang dalawa talaga to.

"Uy tignan niyo umiilaw yung kamay niya"
"Oo nga nakakaamazed"
"May power kaya siya?"
"Ang galing"

Yan ang mga naririnig ko sa paligid pero wala na akong paki alam sa kanila basta makarating lang ako sa unahan.

Nung nasa unahan na ako natulala ako kasi siya yung manong na sinakyan ko ng taxi kani-kanina lang. Sa may gilid meron ding naaksidente at dun talaga ako mas lalong nanamlay dahil sila yun ni mom and dad.

"Mom, dad"mahinang banggit ko sabay takbo papunta sa mga katawan nila.

"NO! HINDI TO PWEDE MANGYARE!"umiiyak na sabi ko habang nakahawak ako sa kamay nila.

"Excuse me lang po maam"wika nung lalaki sakin.

"Ikaw ba ang anak ng mga to?"tanong naman nung police.

"Opo"mahinang sabi ko naman.

Shit! Paano nangyare to? Lord tulungan niyo po ako. Diko kayang nakikita sila ng ganito, sana panaginip lahat ng to.

"MOM, DAD! NOO!"umiiyak parin ako pero wala na akong paki alam sa mga taong nasa paligid kahit na pinipicturan nila ako kasi daw umiilaw yung kamay ko until now.

Dumating na yung ambulance kaya sinakay na sila sa loob at sumama na ako, hanggang ngayon nakahawak parin ako sa kamay nila pareho at tulala habang tuloy tuloy na umaagos ang luha.

"This is all my fault!"mahinang sabi ko sabay yoko.

|rose calling|

Hindi ko sinagot ang tawag niya kasi wala parin ako sa tamang pag iisip baka ano pang masabi ko sa kanila. Tulala parin ako at hindi makapaniwala sa nangyayare ngayon.

"Im sorry mom, dad"at dun na ako humagulgol sa pag iyak sabay yakap sa kanila pareho...

A trip to hell |Complete|Where stories live. Discover now