CHAPTER # 18|Aksidente|

101 7 0
                                    

--------SOFIA--------

Paano namin sasabihin sa magulang ni dave at third ang nangyare sa kanila dito? Baka pag sinabi namin sa kanila kami pa ang sisihin ng mga parents nila.

----

Nakauwi kami ng maayos except lang kay dave at third. Kahapon ko pa yun iniisip kung paano ko talaga sasabihin sa parents nila ang nangyare.

"sofia"

Lumingon ako sa unahan at nakita ko ang parents ni third at dave kasama si king at flor. Tumayo ako at biglang kumabog sa kaba yung dibdib ko, diko alam kung anong sasabihin ko sa kanila.

"ano po yun?"bungad ko sa kanilang dalawa, masama ang tingin nila sa akin pareho kaya napalunok ako.

"kahapon pa di umuuwi galing sa school ang anak kung si third, wala ba kayong alam kung nasaan siya?"

Di ako makaimik sa tanong ng mom ni third kasi kinakabahan na ako ngayon.

May biglang lumapit sa akin at tinapik ang likoran ko, pagkatingin ko si rose pala.

"well actually po maam pumunta po kami sa abandoned hospital at may masama po nangyare kay dave at third"nakita kung nagulat sila pareho sa sinabi ni rose.

"anong nangyare sa anak ko"mga ilang segundo nalang siguro papatak na ang luha sa mama ni dave. Alam kung masakit at mahirap paniwalaan pero nangyare nanaman ang di dapat mangyare.

"Im sorry po maam pero wala na po sila pareho"mahinang sabi ni flor.

Nakita kung tuluyan na talagang tumulo ang luha sa mata ng mom ni dave at third kaya diko maiwasang di rin mapaiyak. Naging kaibigan ko silang dalawa at masakit isipin na wala na sila ngayon.

"Ano bang nangyare?"umiiyak parin silang dalawa.

"im sorry po talaga"mahinang sabi ko habang patuloy lang sa pag agos ang luha ko.

"MS.SOFIA"

Nagulat ako bigla nung may sumigaw sa pangalan ko at pagkatingin ko sa likoran nila ni king. Si maam pala.

"halika nga dito" galit niya akong hinila paalis sa room namin.

"Teka lang po maam"wika naman ni king habang sinusundan niya kami.

"maam nasasaktan na po ako"reklamo ko naman pero parang wala siyang naririnig kasi patuloy lang siya sa pag hila sa kamay ko.

Hindi na sumunod si rose at flor tanging si king nalang ang sumusunod sa amin. Madami na ring estudyante ang nakatingin sa amin.

"ano ba maam tama na"humarang si king sa unahan namin ni maam pero parang wala din siyang nakikita kasi dire-diretso lang siya sa pag lalakad niya.

Anong problema niya sa akin. Nasasaktan na ako.

---

Binitawan niya ako nung nasa rooftop na kami. Mahangin dito kaya nililipad yung buhok ko pati yung palda ko pero buti nalang nakashorts ako.

"dahil sayo namatay ang kapatid ko"galit na sumbat sa akin ni maam, di ko siya maintindihan.

"wala po akong alam sa sinasabi niyo maam"inis ko namang sabi sa kanya.

"sinungaling" biglang nag iba ang boses ng adviser namin parang galit na galit talaga siya sa akin na para bang may nagawa akong mali sa kanya.

Lalo pang lumakas ang hangin sa rooftop at dumilim bigla ang langit kaya napatingin ako sa mga ulap.

Kung kanina subrang liwanag nun, ngayon hindi na kasi subrang dilim at natatakpan na ng mga maiitim na ulap.

"ano bang nagawa ko sa inyo maam bakit galit kayo sa akin?"tanong ko sa kanya na may halong inis.

A trip to hell |Complete|Where stories live. Discover now