CHAPTER # 17 |Dalawang patay|

117 10 0
                                    

-------KING-------

Pagkabagsak na pagkabagsak nilang tatlo , lumapit agad kaming anim sa kanila at niyakap ko agad si sofia.

"sofia"tawag ko sa pangalan niya pero nakapikit parin ang mga mata niya. Wag kang mag alala hindi na talaga ako mawawala sa tabi mo.

"Umalis na tayo dito"rinig kung sabi ni jill. 

"Teka lang kanina pa di bumabalik si third at dave. Nasaan na sila?"takang tanong naman sa amin ni quel.

"Aba ewan, tayong anim ang magkakasama diba?"sabi naman ni will, siya ang umalalay sa kakambal ko habang si rose naman ay inalalayan siya ni adrian.

"Tara na umalis na tayo"wika naman ni adrian habang buhat buhat na niya si rose kaya binuhat ko na din si sofia ganon din ang ginawa ni will kay flor.

"Hindi kayo makakaalis ng buhay dito" Pare-pareho kaming lumingon sa likoran namin, malapit sa may pinto.

Nagulat kami pareho kasi may dalang itak si third at hawak niya mismo sa kanang kamay niya ang ulo ni dave. Halos masuka ako sa nakita ko, nakakadiri pero nakakaawa. Ano bang nangyayare kay third?

"ANONG GINAWA MO SA KANYA THIRD?"galit na sigaw ni jill, tumingin ako sa kanya at may namumuong luha sa mga mata niya. 

Halata sa mukha ni jill na galit na galit siya kay third.

Hinagis ni third ang ulo ni dave sa harap namin kaya napa atras kami ng kunti, tinitignan ko lang ang ulo ni dave. Nakadilat pa ang mga mata niya at naka buka ang bibig niya.

Halata sa itsura niya na ayaw pa niyang mamatay kasi sabi ng matatanda kapag ang patay daw ay nakadilat pa ang mata hindi nila tanggap na patay na sila.

"Gago ka talaga, akala namin matinong tao ka"galit na sabi naman ni quel.

"bitawan mo si rose, flor at sofia kung ayaw niyong isa-isahin ko kayong patayin"wika niya sa amin sabay crossarm.

Nababaliw na talaga siya.

"bakit naman namin ibibigay sayo ang mga mahal namin sa buhay"galit na sabi ni adrian, ganon din naman ang naging reaction ko.

Bakit ko ibibigay sa kanya si sofia, anong gagawin niya sa kanila?

"Tarantado ka talaga third"wika ni will at halatang galit din.

Tumawa nalang ng malakas si third, halos mabingi kami sa tawa o sigaw niya.

Pare-pareho kaming napaupo habang tinatakpan ang tenga namin.

"TAMA NA THIRD"sigaw ko naman sabay tingin sa kaniya ng masama.

"Mamatay kayong lahat, hindi ko kayo titigilan"wika niya.

Napapikit nalang ako at biglang nawala yung boses ni third kaya unti-unti kung dinilat ang mga mata ko, nawala na si third.

"Anong nangyare?"napatingin ako sa nag salita, at gising na sila ni sofia, flor at rose.

"Umalis na tayo dito"wika sa amin ni quel.

Inalalayan kung tumayo si sofia pati na rin si flor, habang si adrian naman ay inalalayan niya si rose.

Lalabas na sana kami ng biglang napansin nilang tatlo ang ulo ni dave.

"Ano yan?"gulat na sabi ni flor.

"Wala na si da-dave?"tumingin ako kay sofia at tumulo ang luha niya kaya niyakap ko siya.

"Shhh, wag ka ng umiyak"sabi ko habang niyayakap parin siya.

"Anong nangyare?"rinig kung sabi naman ni rose.

"Pinatay siya ni third"wika naman ni adrian.

"Paano nangyare yun?"ramdam ko din na umiiyak din si flor.

Tumingin ako kay flor at niyakap ko din siya, pinipigilan ko lang ang mga luha ko na hindi pumatak. Nakasama ko din kasi si dave at naging kaibigan ko siya.

"Tarantado talaga si third"galit parin si jill hanggang ngayon. Hindi ko naman siya masisisi kasi mas matagal silang naging magkaibigan.

"Tara na"rinig kung sabi ni quel, alam kung umiyak din siya.

Umalis na kami at pagkarating namin sa 1st floor nakita namin ang katawan ni dave nakahati sa apat, narinig ko na humagulgol na sa pag iyak si flor at sofia kaya niyakap ko nalang silang dalawa para hindi nila makita ang nakikita namin ngayon.

"Dave"rinig kung sabi ni sofia.

"Shhh, taha na" niyakap na din ni will si sofia. 

Ayokong magalit sa kanya ngayon kaya pag bibigyan ko siya, sa kakambal ko muna itutuon ang attention ko.

"Kawawa naman si dave"rinig kung sabi ni rose. Napatingin ako sa kanila ni adrian at ngayon ko lang napagtanto na magkahawak pala sila ng kamay.

"Hindi magagawa ni third ang pumatay"dugtong pa ni rose, napatingin kaming lahat sa kanya.

"Hindi mo ba nakikita ang ginawa niya kay dave"sigaw ni jill kay rose, inawat naman siya ni adrian.

"Wag mo siyang sisigawan"galit na sabi ni adrian.

"Tama na"wika naman ni quel,"anong ibig mong sabihin rose?"tanong niya.

Tumingin siya ng diretso sa isang direction , kaya unti unti kaming tumitingin kung saan dun.

Nagulat kami kasi nakita namin si third, wala na ding buhay. Ganon din ang nangyare sa kaniya, magkatulad sila ni dave.

"Paano nangyare yun?"takang tanong ni adrian.

"Sa tingin ko iisang tao lang ang gumawa sa kanila nito"wika ni rose, hindi ko pa rin maiwasang di tumingin sa itsura ni third. Parehong pareho silang dalawa ni dave, nakadilat ang mata at nakabuka ang bibig.

"Sino naman"tanong naman ni flor.

Biglang lumakas ang hangin sa paligid namin kaya niyakap ko ulit si flor.

"Tara na umalis na tayo baka may mamatay nanamang isa sa atin"wika ni rose kaya dahan-dahan kaming bumaba sa hagdan.

"Nakikita niyo ba sila?"tanong sa amin ni jill.

Wala akong maramdaman espirito.

A trip to hell |Complete|Where stories live. Discover now