CHAPTER # 14 |PAGPAPARAMDAM|

124 12 0
                                    

-------QUEL------

Nasa bahay na ako ngayon at nag search ako tungkol sa kapangyarihan na meron kami ngayon. Pero bakit ganon? Walang lumalabas kahit isa, ano ba talagang kakayahan meron kami?

Nag open ako ng facebook para ichat sana si king at will pero biglang tumunog yung messenger ko. Pagkatingin ko isang picture ang pinakita niya sa akin.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at kinilabutan ako bigla

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at kinilabutan ako bigla.

"mom, dad, baby"tawag ko sa mga pangalan nila pero ni isa walang sumagot sa akin, pinatay ko yung phone ko at naglakad papunta sa may pinto.

Habang nag lalakad ako bigla akong nakaramdam na parang may sumusunod sa likoran ko, pagkatingin ko wala namang tao. Unti unti akong tumitingin sa harap ng may mapansin akong naka kulay puti sa unahan ko kaya inangat ko ang ulo ko at nakita ko si hanna pugot ang ulo niya. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa buong  katawan kasi hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko.

"hindi mo sila mapipigilan malakas sila, matatalo kayo"

May isang boses akong narinig kaya tumingin ako sa kama ko at nandun ang ulo ni hanna, umiiyak at parang nag mamakaawa siya sa akin.

"quel mahal kita sana huwag kayong pumunta sa abandoned hospital ng kayo lang pito kasi may isa sa inyo ang isasakripisyo para lang bumalik ang taong mahal niyo" parang nawala yung takot ko dahil sa sinabi ni hanna. Mahal niya ako?

|DADDY CALLING|

Pagkatingin ko sa cellphone ko 12 message na ang natanggap ko galing kay dad pati kay mom, pag harap ko sa kama ko nawala na ang ulo ni hanna. Namamalik mata lang ba ako, pero totoo kaya ang sinabi niya sa akin.

"hanna kung nasaan ka man salamat ha, kasi binigyan mo ako ng payo pero hindi ko tutuparin ang sinabi mo kasi kailangan matapos na to. Hirap na hirap na ang mga kaklase namin at takot na takot kaya no choice kami."sabi ko.

Sana naririnig mo ako hanna...



---------

--------KING-------

"maghihintay ako sayong pag babalik, nandito lang ako ano man ang mangyare"kumakanta ako habang naliligo sa banyo ng room ko.

"KINGGGGGGG"napatingin ako agad sa paligid ko, sino yung sumigaw?

"yaya? mom? dad??"sigaw ko sa mga pangalan nila pero walang sumasagot sa akin kaya binaliwala ko nalang at naligo ako ulit. "baunin mo sayong pag alis mga ligaya ng nakaraan mag hih----"

"kinggggg"may narinig nanaman akong boses pero hindi na pasigaw kundi mahinahon na.

"sinong nandyan?"takot kung tanong.

Haist baka naman si will o kaya sila lang ni sofia yun, tinatakot lang siguro nila ako.

"akala niyo matatakot ako? Pwes hindi noh"sabi ko sabay ligo ulit.

A trip to hell |Complete|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon