CHAPTER # 21 |pag gising|

89 7 0
                                    

-------QUEL-------

Habang tumatakbo kaming tatlo papunta sa room nila flor at will pumapatak ang luha ni rose, lalo kaming kinabahan nung nalaman namin na napahamak silang dalawa.

Huminto kami sa tapat ng room ni will at tumingin sa may maliit na bintana. Wala ng nurse at doctor ang nandun kaya pumasok kami.

"will, ano bang nangyare?"tanong sa kanya ni rose. Hindi namin alam kung bakit sila naaksidente pareho kasi ang alam namin tinawagan ko siya at hindi na siya sumasagot sa akin nung time na yun.

Ngayon ko lang din nabalitan ang nangyare sa adviser namin at ang sabi ni rose mukha siya ang gumagawa nito sa amin. Hindi na masakit ang nasa balikat naming tatlo.

"pupuntahan ko lang si sofia"pag papaalam ko sa kanilang dalawa.

Hindi ba talaga nila kami titigilan? Hirap na kami pareho at hindi na namin kaya pero bakit para sa kanya parang wala lang yung mga pinagdaanan namin. Tatlong kaibigan na namin ang napahamak dahil sa ginawa niya. Hindi lang pala tatlo kundi pito na.

Pagkarating ko sa kwarto ni sofia, nandun si king tulala. Lumapit ako at tinapik ko ang balikat niya. Ngayon lang ata siya natauhan kasi nagulat siya nung makita niya ako.

"anong problema?"tanong ko sa kaniya.

Tumayo siya para magkapantay kami sabay tingin kay sofia. "nakita ko yung adviser natin kagabi. Galit na galit siya parang wala siyang balak na tigilan tayo"inis niyang sabi sa akin.

Hindi pa siguro niya nabalitaan ang nangyare sa kakambal niya.Tinapik ko ulit ang balikat niya at tumingin siya sa akin ng seryoso.

"nabalitaan muna ba?"tanong ko sa kanya.

"ang alin?"

So hindi pa pala sinabi ni rose at adrian ang nangyare kay will at flor.

"naaksidente ang kakambal mo pati na rin si will" mahinang sabi ko.

Nakita kung natulala siya sa sinabi ko at inalis niya agad ang kamay ko sa balikat niya. Tumakbo siya palabas , sinundan ko nalang siya.

"anong room niya?" inis na tanong niya sa akin.

"room 302" Saktong nasa tapat na pala kami ng room na yun.

Pumasok siya agad dun at napatingin sa amin si rose at adrian. Umiiyak parin si rose.

"anong nangyare?" tanong niya sa amin at hinawakan niya ang kamay ni flor.

"hindi rin namin alam"mahinang sabi naman ni adrian.

"flor, anong nangyare? Bakit kayo nandito? Bakit madaming naka kabit sa katawan niyo?"

Ramdam ko yung sakit na nararamdaman ni king ngayon. Nasa critical na condition ang taong mahal niya pati na rin ang kakambal niya, subrang sakit nun.

Hinawakan ko yung likoran niya sabay haplos.

"Anata wa hontōni watashitachi o teishi shimasen?"galit na sabi ni rose kaya napatingin kami sa kanya. Pinipigilan naman siya ni adrian.

"hanggang kailan mo kami titigilan?? Kapag may isa nanamang mawawala sa amin?"patuloy sa pag iyak si rose habang sinasabi niya yun.

"hindi mo ba nakikita na hirap na hirap na kami?"wika ko naman at may namumuong luha na sa mata ko.

"kinuha muna sa amin si third, dave, hanna at rina. Di paba sapat yun?"wika naman ni king.

Bumukas nalang mag isa yung pinto ng kwarto nila will at flor kaya pareho kaming napatingin dun. Subrang lakas ng hangin ang sumalubong sa amin kaya napatayo si king, rose at adrian sabay lapit sa akin.

A trip to hell |Complete|Where stories live. Discover now