CHAPTER # 5 |KALULUWANG DI MATAHIMIK|

190 13 2
                                    

SOFIA POINT OF VIEW

Ako ang unang nagising sa kanilang lahat. Nakahiga lang kami sa floor at karton ang ginamit naming pang higaan.

Pagkatingin ko sa relo ko, 3:00 am palang kaya bumangon na muna ako. Tumingin ako sa labas ng bintana sabay taas sa dalawa kung kamay.

"nagugutom na ako"sabi ko sa sarili ko sabay baba sa kamay ko.

Pumunta ako sa gilid kasi nandun lahat ng bag namin, kinuha ko yung bag ko at may nakita akong sandwich kaya kinain ko na.

Umupo ulit ako sa bintana. Sira kasi kaya pwede kang umupo

Habang kumakain ako nakatingin lang ako sa labas. 

Pero tika....

Nakita ko mismo yung tito ni quel, basang basa at sugatan kaya lumaki ang mata ko.

Totoo ba to? Paano siya nakarating dito na ganyan ang itsura niya, basang basa ang buong katawan niya at wala pa siyang van na dala.

Hindi ko nalang sila ginising pa.

Tumakbo ako kaagad papunta sa baba at pagkarating ko sa baba nakita ko siya kaya inabot ko yung towel na dinala ko para sa kanya.

"ano pong ginagawa niyo dito?"takang tanong ko sa kanya sabay upo sa kahoy na upuan.

Hindi siya tumitingin sa akin, nakatingin lang siya sa sahig. Naalala ko bigla yung guard kagabi.

"paki sabi kay quel mahal na mahal ko siya"malamig ang boses niya.

Tumaas nalang bigla ang mga balahibo ko sa katawan at nanginginig bigla ang mga paa ko.

"a-ano po bang na-nangyare sa inyo?"tanong ko ulit sa kanya. Napalunok ako bigla nung tinignan niya ako sabay ngiti.

Yung ngiti niya kapareho ng ngiti nung guard kagabi. Iisang tao lang ba silang dalawa?

"simula bata pa si quel ako na ang tumatayong magulang niya"kwento niya sa akin sabay upo sa tabi ko. Hindi na ako kinikilabutan ngayon. "busy kasi sa trabaho ang mga magulang niya kaya ako ang pinag sasabihan niya ng lahat ng problema niya"

"yung parents ko ganyan din, wala akong kasama sa bahay kapag di sila umuuwi"sabi ko naman sa kanya sabay yuko. Alam kung nakatingin na siya sa akin ngayon..

"pero alam niyo ba. Yung mga ginagawa ng parents niyo para din sa inyo"napatingin ako sa kanya, hindi na siya nakatingin sa akin.

"ok lang naman na maging mahirap kami basta masaya kami diba" tumingin na siya sa akin ngayon sabay ngiti.

"SOFIA"napa angat ako ng ulo ko.

Nakita ko si flor nasa 2nd floor."anong ginagawa mo dyan?"

"kasama ko si----" Lumingon ulit ako sa katabi ko..

Lalo akong kinilabutan nung nawala siya bigla sa tabi ko. Paano nangyare yun? Kanina lang kausap ko palang siya tapos ngayon wala na siya.

Dali dali akong umakyat sa taas. Nakita ko si quel umiiyak habang nakaupo at nakayuko. Nakahawak si king at will sa likoran niya.

"a-anong nangyare?"takang tanong ko sa kanila. Inangat bigla ni quel ang ulo niya.

"wala na si tito"

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko nung marinig ko yun mismo sa bibig niya. Tumaas ang mga balahibo ko sa katawan at parang na manhid ang buong katawan ko.

Pa-patay na ang tito ni quel? Kausap ko palang siya kanina tapos ngayon, wala siya.

Naalala ko yung mga ngiti niya lalo na yung sinabi niya sa akin. Hinawakan ko si quel sa balikat kaya inangat niya ang ulo niya.

"na-nakita ko siya ka-kaninang madaling a-araw"utal utal ang boses ko pero alam kung rinig nilang lahat yun kaya nagsi-puntahan sila sa amin.

"paano nangyare yun?? Sabi ni mom kagabi pa daw siya nawala" Yun na nga eh, mukhang multo yung nakausap ko!!

"di-diko alam"nanginginig parin ang mga paa ko.

"may sinabi ba siya?"

"me-meron"

Lumapit si king sa akin at hinawakan niya ang kamay ko. Nagulat siya nung mahawakan na niya.

"ang lamig ng kamay mo sofia, ok kalang ba?"alalang tanong niya sa akin..

"maaga akong nagising kaya umupo na muna ako sa bintana at maya maya nagutom ako kaya kumuha ako ng pagkain sa bag ko" nag inhale at exhale na muna ako bago ko tinuloy ang sasabihin ko.. "nagulat ako kasi nakita ko siya mismo nag lalakad papunta dito at basang basa ang buong katawan niya, may sugat din siya

Natahimik bigla ang mga kaklase ko sa sinabi ko. "kaya kumuha ako ng towel at pumunta sa baba, binigay ko sa kanya.. Tinanong ko siya kung bakit siya basang basa pero ang sinagot niya sa akin.."tinignan ko si quel, may namumuong luha sa mga mata niya. Alam kung nasasaktan siya ngayon kasi yung tito na niya ang naging nanay at tatay niya..

"paki sabi kay quel na mahal na mahal ko siya

Humagolgol na sa pag iyak si quel ngayon kaya yumuko na siya. Hinaplos naman namin yung likoran niya. Nakita kung umiiyak na din si flor. Pinipigilan ko yung sarili ko na di umiyak pero di ko namalayan na tumutulo na pala yung luha ko, alam ko yung nararamdaman ngayon ni quel!!

"wala na yung tito ko"umiiyak parin si quel habang sinasbai niya yun. Patuloy parin ang pag agos ng luha ko sa mga mata ko!!



Someone's Point Of View

Hindi ako titigil hanggat di ko nakukuha ang mga gusto ko. At ang gusto ko lang naman ay mapatay silang lahat!!

Nakitira sila sa bahay ko at ginulo pa nila ang lahat ng nakatira dito.. Hindi ko kaya titigilan..





A/P

   VOTE AND COMMENT GUYS PLEASE!!!

A trip to hell |Complete|Where stories live. Discover now