CHAPTER # 10 |Next target|

145 14 0
                                    

-HANNA POINT OF VIEW

"hanna mag iingat ka"kanina pa yan paulit ulit na sinasabi sa akin ni sofia.

Ano bang meron?

"sofia, Ilang beses ko na yang narinig mula sa bibig mo, hindi naman siguro ako bingi para ulit-ulitin mong sabihin yan "inis na sabi ko sa kanya kaya napakamot siya ng ulo.

"alam mo kasi hanna pagkatapos mangyare kay rina yun, nag aalala na kami sa mga kaklse natin"wika naman ni dave..

Move on, move on din pag may time hays!

"alam ko yun.. Pero unlimited kayo eh"inis parin na sabi ko sa kanila..

Wait lang di kaya ginawa ni rina yun sa sarili niya dahil sa sinabi ko sa kanya nung sinapian ako?

Baka multuhin niya ako, nakakatakot naman.

"oh napano ka?"natatawang sabi ni king. Akala mo naman di siya takot sa mga aswang i mean ghost..

"Wala"galit akong umalis sa room namin.

Uwian na. Kanina pa sana ako nakarating kung hindi lang nila hinarangan..Yun lang pala ang sasbihin nila sa akin.

Habang nasa hallway ako. May narinig akong boses, boses bata.

'maliliit na gagamba dumapo sa sanga'

Napalunok ako, tumayo na din ang mga balahibo ko kaya naman nag madali na akong. Naalala ko tuloy yung sinabi nila sofia sakin kanina.

"ano bang nangyayare ngayon?"takot na tanong ko sa sarili ko.

Patuloy lang ako sa pag lalakad sa hallway ng biglang may umagaw ng attention ko. Yung teacher namin.

"ma-ma'am a-ano po ba-bang gi-ginagawa niyo di-dito?"utal kung tanong sabay hinto.

Bakit sila ganyan? Hindi lang isang teacher ang nandito , mga sampo sila. Nag lalaro sila ng barbie , yung iba robot.

Yung mga buhok nila buhaghag.

"halika laro tayo"yaya sa akin ng isang teacher.

Gusto ko ng maiyak dahil sa nakita ko ngayon.. Dyos ko lord bakit ako pa ang nakakita sa kanila dito. Natatakot na ako..

"ma-ma'am u-uuwi na po a-ako"hindi ko parin maiwasang di mautal dahil sa takot..

Tumayo nalang silang lahat at nilapitan ako, kaya napaatras ako.

"a-anong gi-ginawa ni-niyo?"takot kung tanong.

"mamatay"sabi naman nung teacher namin sa science..

"si-sino?? A-ako?" Panaginip lang to diba??

Natatakot na ako....

Di ko alam kung anong kasunod na ng nangyare kasi nawalan na ako ng malay...

KING POINT OF VIEW

Habang nag lalakad ako pauwi sa bahay namin. Humangin bigla, kakaibang hangin ang nalanghap ko. Napalunok nalang ako.

Dyos ko alam ata nila na takot ako sa multo?

"mama nasaan na kayo"wika ko sa sarili ko habang binibilisan ang pag lalakad pero may malamig parin akong nararamdaman..

Nag sign of cross nalang ako habang nanginginig na ang kamay at paa ko.. Sana hindi si rina ang nag multo sa akin, dyos ko diko kaya takot ako sa multo.

'tago taguan maliwanag ang buwan'

May narinig akong isang batang babae na kumakanta. Parang may nararamdaman akong nag lalaro sa paligid ko.

'ISA'

Mas lalo ko lang binilisan ang pag lalakad ko.

'dalawa'

Hays, naku naman.. Hindi na ako nag lakad,kasi tumakbo na ako ng mabilis..

'hahahaha' 

Tawa na ang narinig ko pagkatapos ng pangalawa. Sinusundan parin nila ako..

'tatlo'

Napahinto ako kasi may nakabangga akong isang babae..

"sorry miss---"

Napatingin ako sa kanya, nakangiti ang labi niya at itim ang ngipin niya. Kaya lumaki ang mata ko..

"AHHHHHH" tuluyan na akong tumakbo pauwi.....



-----------
SOFIA POINT OF VIEW

"tita kumusta na po si king?"alalang tanong ko kay tita.

Hindi kasi siya pumasok ngayon kaya pag uwi ko ng bahay pinuntahan ko ang bahay nila king.

"mataas parin ang lagnat niya"malungkot na sabi naman ni tita.

"pwede koba siyang makausap?"tanong ko kay tita.

Tumango lang siya kaya pumasok na ako sa loob ng room ni king..

Pagkapasok ko sa kwarto niya nagulat pa siya.. Akala mo isang multo ang nakikita niya..Pumunta ako sa side ng kama niya at umupo..

"anong nangyare sayo?"alalang tanong ko.

Umiwas siya ng tingin sa akin. "nakita ko siya"yung boses niya takot na takot...

Anong ibig niyang sabihin??

"king hindi kita maintindihan"

Tumingin na siya sa akin."nakita ko si rina kagabi.. Kakaiba ang ngiti niya, di ko alam kung bakit siya nagpakita sa akin"

Nagulat ako sa sinabi niya. Talaga bang si rina ang nakita niya??

"may humabol sa akin kagabi, kumakanta ng tagu-taguan maliwanag ang buwan. Tumakbo ako pauwi kasi takot na takot na ako di ko alam kung anong gagawin ko nung time na yun. Pag bilang niya ng tatlo may nakabangga ako isang babae, akala ko totoong tao siya pero bigla siyang ngumiti . Naalala ko yung ngiti ni rina. Katulad ng mga ngiting nakita ko kagabi"habang nag kukwento siya tulala lang ako. Ano bang nagawa namin kay rina? Bat hindi niya kami tinitigilan..

|Will calling|

[hello will]

|sofia, wala na si hanna..|

------

Pa-paano nangyare yun?? 

"oh bat ganyan reaction mo?"takang tanong sa akin ni king. Tumingin ako sa kanya..

[will, pa-paano nangyare yun?]

|ikukuwento ko sayo kapag nasa school kana..|

~CALL ENDED~

Tumingin ulit ako kay king. "wa-wala na si hanna" Unti unting tumutulo ang luha ko.. Kasalanan ko to lahat, sana hindi na kami pumunta sa hunted hospital na yun. Sana nandito pa si rina at hanna ngayon..

"pano nangyare yun?"gulat din ang mukha ni king.. Yumuko nalang ako at tinakpan ko ang mukha ko. Humagulgol na ako sa pag iyak, kasalanan ko lahat ng to..

"king, hindi ko alam kung bakit nangyayare sa atin lahat ng to" Naramdaman ko nalang na hinawakan ni king ang likoran ko..

"kailangan nating masolve ang problema na to bago pa lumala" Tumingin ako sa kanya at nakatingin din siya sa akin..

Pinunasan niya ang luha ko sabay ngiti. "wag kana umiyak, nasasaktan ako"

A trip to hell |Complete|Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt