CHAPTER # 19 |Critical|

108 10 0
                                    

-------KING------

Parang kailan lang masaya pa kami. Parang kailan lang wala pa kaming problema mag babarkada. Pero parang sa isang iglap nawala lahat ng yun.

Nawala si RINA.

Nawala si HANNA.

Nawala si THIRD

Nawala si DAVE

AT

COMATOSE SI SOFIA.

3 weeks na siyang di nagigising. Parang nawawalan na din ako ng pag asa kasi minsan bumabagal ang pag tibok ng puso niya. Minsan naman tumitigil na, hindi ko parin napapatawad ang sarili ko dahil sa nangyare kay sofia. Wala man lang akong nagawa para iligtas siya sa building na yun. Wala akong nagawa para maging hero niya.

"sofia kailan kaba magigising?"tanong ko sa kaniya habang nakahawak ako sa kamay niya. Para siyang mahimbing na natutulog lang pero subrang daming nakakabit sa katawan niya."miss na miss na kita"diko namalayan na may luha na palang tumutulo sa gilid ng mata ko.

"Bro" Tumingin ako sa likoran ko at nakita ko si will kaya tumayo ako para magkapantay kami.

"wala parin bang balita tungkol sa kanya?"tanong niya sa akin.

Yumuko ako habang umiiling, hanggang ngayon di parin alam ng mga doctor kung kailan magigising si sofia. Actually sinabi nila na posibleng hindi na siya magising pa kasi minsan mabagal ang pag tibok ng puso niya.

Naramdaman ko nalang na nakapatong na pala ang kamay ni will sa balikat ko."parang nawawalan na ako ng pag asa"tuloy tuloy na pumapatak ang luha sa mata ko.

"wag ka ngang ganyan king"inis niyang sabi sa akin. Alam ko, kapag sumuko ako magiging mahina din si sofia kaya nga tinatagan ko ang loob ko para lang sa kanya pero minsan hindi ko talaga maiwasan.

"narinig mo naman siguro si sofia nung nasa building pa siya diba? Ikaw ang mahal niya. Ikaw parin ang laman ng puso niya"alam kung nalungkot si will dahil sa sinabi niya sa akin.

Mahal parin ako ni sofia hanggang ngayon at di parin nag bago yun. Ganon din naman ang nararamdaman ko sa kanya at hinding hindi mag babago yun pero sana naman sofia gumising kana, diko ata kaya kapag nawala ka sa akin.

"maiwan na muna kita king"mahinang sabi niya at umalis na siya.

Tumingin ulit ako kay sofia at umupo ako sa tabi niya.

"hindi kita iiwan hanggang sa magising ka sofia. Wag mo sana kaming iwan kasi diko kaya, mahal na mahal kita"




--------WILL--------

Alam ko naman lahat eh. Kaya hinanda ko na ang sarili ko, kapag nasaktan ako sa isang tao hindi parin mag babago ang turing ko sa kanya. Sofia kung naririnig mo man ako ngayon sana wag mo kaming iwan kasi parang diko kaya kapag nasa langet kana. Sana kahit hindi ako ang pinili mo, pumayag ka parin na lage akong nasa tabi mo.

Sofia mahal na mahal parin kita. Please wag ka munang sumama kay lord kasi di talaga namin kaya.

"will"

Napatingin ako sa likoran ko at nakita ko si flor. Ganon parin ang itsura niya, lungkot parin ang nangingibabaw sa mukha niya. Nasa church kami ng hospital.

"nandun paba si king?"tanong niya sa akin sabay upo sa tabi ko.

"Oo"maikling sagot ko sa kanya.

"sana wag tayong iwan ni sofia. Sana alam niya na umiiyak tayo ngayon dahil hindi parin siya ok. Sana naririnig tayo ni sofia ngayon"tuloy tuloy na pumapatak ang luha niya. Niyakap ko nalang siya at hiniga ang ulo niya sa balikat ko.

A trip to hell |Complete|Where stories live. Discover now