Chapter 47: Happy Ever After

2.1K 49 30
                                    

Few months pagkatapos magpropose ni Carlo ay ikakasal na sila ni Jiselle. Naunahan pa nila sina Jasmine at Jason na ikakasal naman sa susunod na buwan. Nasa simbahan na ang ilang mga bisita at maaga ring dumating si Carlo.

Jason: Naks, pare! Inunahan mo talaga ako ah!

Carlo: Ano ka ba?! Alam mo namang plano kong magpakasal kami ng January 24.

Darren: Oh, ang tagal naman ng bride mo! Baka nagbago pa isip nun!

Carlo: Wag naman sana. Sira ka talaga!

Habang sa bahay naman, abala ang mga tao sa pag-aasikaso kay Jiselle nang biglang may dumating.

Jiselle: Teka lang po, palabas na. Andyan na.

Kenneth: Jiselle...

Jiselle: K-kenneth? Anong ginagawa mo rito?

Kenneth: W-wala. Gusto lang kitang.. makita.

Jiselle: Excited ka naman masyado.

Kenneth: You look great. You really do. Baliw siguro ako nung pinakawalan kita.

Jiselle: Kenneth. Tapos na yun. Napag-usapan na natin yun.

Kenneth: I know. We have our own lives now. Nandito lang ako para i-congratulate ka in advance. I wanted to be the first one to say that. And I wanted to give you best wishes.

Jiselle: Salamat.

Kenneth: Mula ngayon, babalik ka na talaga sa totoo mong bestfriend.

Jiselle: Hay naku, nagdrama ka pa.

Kenneth: No joke. I'm really happy for you.

Jiselle: Halika nga rito! (Niyakap si Kenneth) Salamat ah.. sa lahat.

Kenneth: You're always welcome.

Medyo natagalan ang pagsisimula ng ceremony. Almost 10 minutes late na si Jiselle at kinakabahan na si Carlo.

Darren: Oh, pre. Relax ka lang.

Carlo: Darren. Kinakabahan talaga ako eh. Pa'no kung last minute, naisip niya na, hindi pa siya handa di'ba? Pa'no kung ---

Darren: Ano ka ba? Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin alam kung gaano ka kamahal niyang babaeng yan?! Kalma ka lang.

Lianne: Guys! Nandyan na! Nandyan na si Jiselle!

Carlo: Thank God.

Darren: Sabi ko naman sa'yo eh!

Si Darren ang Bestman ni Carlo habang si Lianne naman ang Matron of Honor since kasal na siya. Sina Jasmine, Tina, Yssa at Arielle naman ang bridesmaids at sina Kenneth, Jason at Lance ang groomsmen.

Di nagtagal, nagsimula na. Habang tinutugtog ang entrance song ng bride, hinatid ni Jeric si Jiselle sa altar. Nagshake-hands si Carlo at Jeric bago ibinigay ni Jeric si Jiselle rito. Niyakap ni Jiselle ang ama at saka sumama kay Carlo. Dito pa lang, naluluha na si Jiselle at kinausap naman siya ni Carlo.

Carlo: Umiiyak ka ba?

Jiselle: Hindi ah.

Carlo: Umiiyak ka na eh!

Jiselle: Hindi pa nga! Wag makulit.

Carlo: Ako kasi naiiyak na eh.

Nagkatinginan silang dalawa at sabay natawa.

Nagsimula sa sign of the cross ang wedding ceremony at maya-maya, nagsimula na ang wedding vows.

Father: Carlo and Jiselle, have you come here freely and without reservation to give yourselves to each other in marriage?

Dare You To Move (Krisjoy)Where stories live. Discover now