Chapter 12: Birthday Gift

2.2K 23 5
                                    

Lianne's POV

Friday last week nung huling magbigay ng rose si Carlo, then tumigil na lang siya basta na parang wala lang. Nalito talaga ako at kung anu-ano na ang mga bagay na pumasok sa isip ko. Pinaglalaruan lang ba nila ako? Hindi ba siya seryoso? Pero mas naguluhan ako sa mga sinabi ni Darren. Para kasing may meaning yung mga sinabi niya eh: Marami. Maraming-marami. But you don't have room for that, and I don't have the guts either. I'm sorry, I'm so sorry. Paulit-ulit kong inisip kung ano ang ibig sabihin nito. Pero natatakot naman ako kasi mukhang seryoso si siya kaya kapag nagkakasalubong kami sa campus ay iniiwasan ko na lang siya. Mukhang iniiwasan din naman niya ako eh. Kahit ganun ang nangyari, kahit naiwan akong clueless ay hindi ako nakaramdam ng galit kay Carlo at Darren.

Kahit kay Jiselle na maaring dahilan kung bakit tumigil si Carlo ay hindi ako nagtanim ng sama ng loob. Ang totoo niyan, ilang years na kaming magkaklase at magkakilala ni Jiselle pero hindi kami kailanman naging close. Hi-Hello lang ang usapan namin. Divided din kasi ang section namin, may kanya-kanyang grupo. Mga sosyalera girls daw kami, yung iba mga geeks, yung iba naman mga freelancers tulad ni Jiselle. Sila yung tipong nakakasundo lahat kahit sa'n sila sumama. Mabait kasi siya, palatawa tsaka maganda siya kaya sikat din siya sa campus at sa room. Ang dami ngang gumagawa ng issues sa aming dalawa, kesyo nagpapatalbugan daw kami, na magkaribal daw kami sa maraming bagay. Siguro dahil sa mga issues na 'yun kaya never kaming naging close. Sa simula pa lang kasi ay may gap na sa aming dalawa. Nalulungkot lang ako kasi gusto ko pa naman siyang maging kaibigan. Sayang lang. Masyado lang talaga kami sigurong magkaibang dalawa. Kailanman, hindi ako nagalit o nainis sa kanya. Don’t get me wrong ah, hindi naman kasi sa pakitang-tao ako pero kung may bagay man na kinaiinggitan ko sa kanya, yun lang ay ang closeness nilang tatlo nina Carlo at Darren.

Si Carlo naman, since elementary ay crush na crush ko na siya. Pero kahit siguro gaano ako kaganda, kayaman, katalino ay hindi pa rin niya ako mapapansin. Naisip ko nga na baka naman obssessed na ako sa kanya pero minsan naisip ko, para lang niya akong fan. Kahit masungit siya at hindi niya ako kilala ay okay lang sa akin. Ewan ko ba. Noon pa lang ay napansin ko na si Darren, ang bestfriend niya na palagi niyang kasama. Unlike Carlo, namamansin siya at gentleman pa. Mas matangkad din siya kay Carlo at mayaman pa. Nakakausap ko rin siya minsan, madali kasi siyang malapitan tulad sa mga school works. Marami rin akong naririnig na may gusto raw siya sa akin pero ayoko naman mag-assume tsaka bestfriend siya ng crush ko noh! Pero kung totoo man yun, ewan pero syempre nakakakilig. Nung birthday ko, nakita ko siyang may dala-dalang regalo. Ang totoo niyan, nung makita ko siya, kinakabahan ako. Akala ko kasi magko-confess na siya kaya nung sinabi niyang kay Carlo galing yung regalo, medyo nagulat ako at di nakapaniwala. Ewan ko ba, masaya ako syempre na galing kay Carlo yun pero di ko lang talaga inexpect. Akala ko kasi kay Darren galing. Hay, masyado lang ba akong nag-iisip?

Nung tiningnan ko yung mga regalo, isang cute na teddy bear, tatlong roses at 2 box ng chocolates. Kinilig naman ako dun pero di si Carlo ang na-iimagine kong nagbigay nun kundi si Darren. Ewan ko ba, kay Darren ba ako nagkakagusto? May sulat pa dun na nagdi-describe sa akin. Natuwa naman ako pero hindi talaga ako convinced na kay Carlo galing yun. Imposible naman niya akong mapansin eh. Hanggang sa tumigil na nga sila sa pagbibigay ng roses. Hindi ko na alam kung ano ang iisipin. Nalilito na ako. Haaaay.

End of Lianne's POV

Bukas ay 17th birthday na ni Carlo. Pero di pa rin sila nagkakaayos ni Jiselle. Kahit si Darren ay hindi rin pinapansin ni Jiselle. Linggo ngayon at tuwing linggo ay sabay nagsisimba ang magkaibigan kasama ang nanay ni Carlo at pamilya ni Darren. Except na lang last Sunday at this Sunday.

Marlene: Oh? Parang last week din wala si Jiselle ah. May problema ba kayo?

Darren: Ah, wala tita. Busy lang yun! Nasa bahay kasi yung Daddy niya.

Dare You To Move (Krisjoy)Where stories live. Discover now