Chapter 44: Best Friends

1.8K 22 12
                                    

Carlo's POV

Nung malaman kong parehas naming nabunot ni Jiselle ang blue na glowstick, parang nag-skip ng ilang segundo yung heartbeat ko. Ano? Kami ang magka-partners? Teka, napakamapagbiro naman talaga ng tadhana oh! Pero ang totoo niyan, yun talaga yung hinihiling ko. Ngayong birthday ko, isa lang naman ang gusto kong mangyari eh. Alam kong malabo na kaming magkabalikan pero sana, magkaayos man lang sana kami. Sana makasama ko siya ulit kahit sa sandaling panahon lang. Ang bait talaga ng Diyos. Minuto lang naman ang hinihingi ko, langit naman ang binigay niya. Haaay. Pero syempre kinakabahan ako. Hindi ko alam kung magkakaayos kami o mapanis lang ang laway ko, alam ko kasi na galit pa rin siya sa'kin. Buong byahe niya akong di kinakausap o kaya tinitingnan, nagkasumbatan pa kami nung papunta na kami sa cottage. Nung mahulog siya sa cliff, akala ko masisiraan na ako ng bait. Akala ko, mawawala na siya sa akin. Akala ko, huli na ang lahat. Pero mabuti na lang at nabuhat ko siya. Adrenalin rush yun, ang bigat niya kaya. Hahaha. Patawa ako noh pero deep inside, takot na takot ako. Nung buhatin ko siya papunta sa cottage dahil hindi niya kayang maglakad, naalala ko yung gabi na binuhat ko siya pauwi sa kanila kasi natapilok siya. Sana, naaalala niya pa yun. Pagkarating namin sa cottage, napansin namin na nabuksan na lahat ng box kaya nagmadali na kami. Ang task namin ay pumili ng kanta at sayawin ang kanta. Wala naman akong ibang maisip kundi yung "I Won't Give Up". Yun naman kasi talaga yung kanta naming dalawa... 5 years ago. Habang sumasayaw kami, nagkausap kami. Binabawi na raw niya yung sinabi niya kanina and instead, sinabi niya na masaya siyang bumalik ako. Parang pumapalakpak yung tenga ko pagkarinig ko nun. Haay. Naisip ko lang, pa'no kaya kung hindi ako umalis? Pa'no kaya kung hindi ko siya iniwan? Pa'no kaya kung hindi ako sumuko?

Jiselle: Mukhang hindi titigil yung ulan.

Carlo: Onga eh.

Jiselle: Pa'no tayo makakabalik? Sigurado ako, kanina pa nila tayo hinahanap.

Carlo: Pasensya ka na. Wala kasi akong signal eh.

Jiselle: Ako rin. Haaay. Baka nag-aalala na yung mga yun.

Carlo: Wag kang mag-alala. (Sniff) Pag tumila na yung ulan, babalik na tayo sa campsite. (Sniff)

Jiselle: Teka, okay ka lang ba?

Carlo: Ha?

Jiselle: (Hinawakan ang noo ni Carlo) Mainit ka! Nilalagnat ka ata eh!

Carlo: Hindi noh. Sinisipon lang ako. Hindi kaya ako nagkakasakit.

Jiselle: Nilalagnat ka na nga eh! (Tumayo at naghanap ng medical kita at kumot) Walang gamot dito eh pero eto, may kumot. Magbalot ka muna.

Carlo: Okay nga lang ako! (Accchoooooo!)

Jiselle: Oh ano? Okay ka lang? Matigas din ulo mo eh!

Hindi pa rin siya nagbabago. Napaka-caring niya pa rin. Kay Kenneth din kaya, ganito siya? Maya-maya, naglatag ako ng kumot. Buti na lang merong mga ganito sa cottage. Ang lamig talaga. Humiga na ako kasi medyo masakit yung likod ko. At pagod na rin ako. Malaki naman yung kumot, kasya naman kaming dalawa pero nakaupo lang sa may sulok si Jiselle, nakatingin sa ulan.

Jiselle: Kapag tumila yung ulan ngayon, babalik na ba tayo?

Carlo: Ha?

Jiselle: Talo na rin naman tayo. Babalik na ba tayo agad pag tumigil na yung ulan?

Carlo: Bakit hindi?

Jiselle: Kasi ako... Ayoko pa.

Carlo: Ha?

Jiselle: Kasi... Ang totoo niyan. Sumama ako para makapag-usap na tayo eh. Para magkaayos.

Carlo: Ano pa ba yung dapat ayusin? Maliwanag naman na yung lahat diba?

Dare You To Move (Krisjoy)Where stories live. Discover now