Chapter 24: January 24, 2013

2.1K 27 1
                                    

Jiselle’s POV

Nakabalik na ako ng Pilipinas sa wakas. Haaay, natagalan kami sa America. Si Daddy kasi, maraming appointments kaya wala siyang time magpa-book ng flight. Buti na lang nakauwi kami ng January. Na-miss ko mga kaibigan ko. Hahahaha! Dati kasi, kapag nagbabakasyon kami, isang week lang. Ngayon ang pinakamatagal kong stay rito. Na-miss kaya nila ako? Pumasok ako agad kasi gusto ko na silang makita. Pero pagkapasok ko, wala pa si Carlo. Sinalubong ako nina Lianne, Darren, Kenneth, etc. Wow, balik-bayan ang peg? Balik kami ni Kenneth sa dati, asaran-kulitan pero alam ko na may mga bagay pa rin na ma-iilang kaming pag-usapan. Uwian na kami nagkita ni Carlo. Grabe, pumayat din siya parang laging puyat. Hahaha. Pero masaya ako na masaya siyang nakita ako. Na-miss ko siya, sobra sobra. Sana matuwa siya sa ipapasalubong ko sa kanya.

Lianne: Oh, Jiselle. Tara na sa loob, baka magsimula na yung misa.

Jiselle: Sige, hintayin ko lang si Carlo.

Ang tagal naman nitong taong ‘to. Lagi nang nali-late, eh dati naman siya ‘tong laging nauuna.

Carlo: Jiselle, sorry ngayon lang. Tara na, mag-uumpisa na ata.

Jiselle: Teka Carlo. May sasabihin ako.

Carlo: Ano yun?

Jiselle: Carlo…

Carlo: Oh?

Jiselle: I… I…

Tumunog yung kampana. Hindi ko nasabi. -____- Akala ko madali lang umamin, ang hirap din pala. Pag magkaharap na kami, bumibilis heartbeat ko. Whew! Kaya mo ‘to, Jiselle!

Carlo: Ano ba yun? Tara na sa loob, baka hinihintay na nila tayo.

Jiselle: Si-sige.

Sunday Evening. Magkausap kami ni Carlo sa phone. Kwentuhan tulad ng dati. Eto na yung chance ko.

Jiselle: Carlo? Gising ka pa?

Carlo: Hmm? Oo. Gising pa.

Jiselle: May sasabihin ako. Makinig ka ah.

Carlo: Hmm.

Jiselle: Kasi ano. Feeling ko, sure na ako eh. Alam mo yun? Feeling ko, ready na ako kaya hindi ko na patatagalin pa. I… I think I love you.

Pause. Natahimik siya. Alam ko, nagulat siya. Yes! Nasabi ko na. Pero parang may mali. Parang may naririnig akong hilik.

Jiselle: Carlo? Nandyan ka pa ba?

Hindi pa rin siya sumasagot.

Jiselle: Carlo!

Carlo: Ha? Ahh. Sorry, Jiselle. Naka-idlip ako. May sinasabi ka ba?

Jiselle: Pssssh. Natulugan pala ako. Wala. Matulog ka na, mukhang antok na antok ka na eh.

Carlo: Onga eh. Sorry sorry, bukas na lang ha? Goodnight, Love you.

Buong week, busy kami parehas. Siya, busy sa basketball practice nila. Pasok kasi sila sa Semi-Finals at sana, mag-champion sila this year. Out of 8 games, 1 pa lang ang talo nila. Galing talaga! Ako naman, busy sa research paper namin. Haay, bakit pa kasi na-imbento ‘tong mga ganito? Nasa bahay lang din si Daddy kaya hindi ako nasusundo at nahahatid ni Carlo. Haay, masabi ko pa kaya? Kailan kaya kami may free time?

End of Jiselle’s POV

January 24. Thursday. Walang basketball practice sina Carlo at wala ring groupwork sina Jiselle. This time, sabay silang apat pauwi.

Darren: Sige, ingat kayo. Hatid ko lang ‘tong si Lianne.

Lianne: Bye Carlo! Bye, Jiselle! Goodluck!

Dare You To Move (Krisjoy)Where stories live. Discover now