Chapter 27: The Last Dance

1.9K 21 3
                                    

Semi-finals na ng Basketball Interschool Tournament at nakapasok sa Top 4 ang Westville University. Kapag napanalo nila ang game na 'to laban sa San Augustine Academy, pasok sila sa Finals. Puspusan ang paghahanda ng Westerns.

Lianne: Galingan niyo ah!

Darren: Sureness! Ano pare, handa ka na?

Carlo: Medyo nakakakaba, pare. Last year, hindi tayo nakaabot ng Finals. Chance na natin 'to. Sana, manalo tayo.

Jiselle: Kaya niyo yan!

Darren: Onga. Kaya natin 'to.

Jiselle: Ingat kayo ah.

Carlo: Oo. Tara Darren, baka magsimula na.

Sa simula nahirapan sila dahil matatangkad ang players ng SAA kaya ang score, WU-SAA ay 19-24. Nang mag-second quarter na, medyo bumawi na sila at nakascore ng 39 laban sa 37. Third quarter at medyo humataw na sila kaya naging 57-49 ang score. Pero nang mag-fourth quarter, humahabol na rin ang kabilang team. 4 minutes bago matapos ang game, 69-66 ang score. Sa mga oras na yun, 26 points na ang nagawa ni Carlo. At nang 3 minutes na lang, nakapag-3points ang kabilang team kaya nag-tie ang scores nila. Sa di inaasahang pagkakataon, habang magda-drive papasok si Carlo para maglay-up, napalakas ang block sa kanya ng nagbabantay sa kanya at masama ang pagkalaglag niya. Natawagan ng foul ang player na nagbantay sa kanya. Tinigil pansamantala ang laro at nagsilapitan ang ilang players kay Carlo.

Darren: Carlo! Carlo, okay ka lang?!

Carlo: Okay lang ako. Itayo mo ako.

Jason: Carlo! Kaya mo pa ba?

Tinayo ng dalawa si Carlo pero sadyang hindi kayang tumayo ni Carlo.

Darren: Pare masama 'to, mukhang masama kondisyon ng paa mo.

Jason: Pare, ipahinga mo na ang paa mo. Baka lalong lumala.

Carlo: Kaya ko 'to! Hindi tayo pwedeng matalo, Darren!

Darren: Hindi mo na nga kayang tumayo eh!

Carlo: Kailangan kong lumaban. Kailangan nating manalo!

Lumapit ang coach nila sa tatlo.

Coach: Carlo. Tama na.

Carlo: Coach. Coach, kaya ko pa. Kaya ko pang maglaro.

Coach: Kapag lumaban ka pa at manalo tayo, hindi ka makakapaglaro sa Finals. Kapag lumaban ka, at matalo tayo. Ito na ang magiging huli mong laro.

Hindi nakasagot si Carlo.

Coach: Wag kang mag-alala. Mananalo tayo.

Wala nang nagawa si Carlo kundi magpa-substitute. Dahil sa sama ng kondisyon ng paa niya, dadalhin siya agad sa Clinic.

Coach: Kenneth!

Kenneth: Po?!

Coach: Palitan mo si Carlo.

Darren: Ano ho?

Coach: Si Kenneth ang ipapalit natin kay Carlo.

Nagulat ang lahat nang isalang ni Coach sa laro si Kenneth. Sa buong tournament, ngayon lang niya ito pinalaro. Bago ilabas si Carlo sa court...

Carlo: Kenneth... Galingan mo.

Kenneth: Wag kang mag-alala. Mananalo tayo.

Pagkapasok ni Kenneth, hindi siya binigyan ng pansin ng mga players dahil minaliit nila ito. Pero dahil dun, siya ang laging pinapasahan para mag-shoot. Nakadalawang shot na siya nang 1 minute na lang ang natitira. 75-75 na ang score nila. Nang 20 seconds na lang ang natira, naka-shoot pa ang kabilang team kaya 75-77 ang score. At nang ball possession na ng Westerns, kabado silang lahat. Kapag hindi sila nakapuntos, panalo na ang kabila. Ipinasa ang bola kay Kenneth pero nasa 3-point line siya. Wala nang oras kaya itinira na niya ito. Pumasok ang bola at 3-points yun! 78-77 ang score at tapos na ang laro! Panalo sila! Panalo ang Westerns!

Dare You To Move (Krisjoy)Where stories live. Discover now