Chapter 26: I Won't Give Up

2.2K 29 8
                                    

Sorry kung ngayon lang ako neg-dedicate, ngayon lang ako natuto eh. :) Salamat sa pagbabasa ng story. Salamat at nagustuhan mo. :) God Bless and enjoy reading! :) 

_____________________________________________________________________________

Kenneth's POV

Since that day, naisip kong i-try na bumalik ang dating kami ni Jiselle. Alam ko na mahirap sa part ko, kasi ako lang naman talaga ang may feelings pero naisip ko na baka nahihirapan din siya since naaapektuhan siya. At ayoko naman ng ganun. Unfair sa kanya yun. Kaya kahit masakit, pinipilit kong pigilan para walang problema at para balik kami sa dati. Ang mahalaga, nakakasama ko pa rin siya. Okay na yun sa'kin. Unti-unti ko na ring tinatanggap na wala talagang pag-asang maging kami.

Lance: Happy Valentine's Day Ebribuddy!

Jasmine: Valentine's nga pala!

Lianne: Happy Valentine's!

Dumating na si Lance. Pssh. Valentine's nga pala. Bakit di ko naisip yun? Bakit pa, wala naman akong ka-Valentine's eh. Medyo first time 'to ah. Every year, hindi naman ako nawawalan ng date sa Velentine's pero ngayon wala, as in 0. Hay Kenneth, maraming babae dyan. Wag kang malunod kay Jiselle. Bakit at paano ba ako nagkagusto sa babaeng 'to, wala namang kaakit-akit sa kanya. Ang totoo niyan, walang-wala siya sa mga naging girlfriends ko dati. Pero iba pa rin siya eh. Haaay.

Vince: Nakita niyo yung sa baba?

Hannah: Bakit anong meron?

Jasmine: Yung booth sa baba? Yung maraming roses, chocolates at kung anu-ano?

Vince: Oo! Anong pakulo naman yun?

Lianne: Hindi ko nga alam eh, wala namang nabanggit sa'kin si Darren.

Jiselle: Hi, guys! Happy Valentine's!

Nandito na si Jiselle. Valentine's Day. Nandito na si Jiselle. Valentine's Day! WTH? Ano ba 'tong iniisip ko? Gusto ko siyang bigyan kahit isang rose lang. Pero hindi ata okay yun, alam ko na ang limits ko at mas mabuti pa sigurong iwasan ko na yun. Pero gusto ko talaga siyang bigyan. :( Ano bang dapat gawin?

End of Kenneth's POV

Lianne: Nakita mo yung sa baba?

Jiselle: Sa'n dun?

Jasmine: Yung booth ekla sa baba. Yung maraming roses!

Jiselle: Ahh. Yung Valentine's booth ng Student Government.

Vince: Pwedeng bumili run?

Jiselle: Oo, pwede. Pwede pa ngang magpa-deliver sa rooms eh.

Lianne: Talaga?

Fred: Astig ng naisip nila ah!

Jiselle: Teka, di mo alam yun, Lianne?

Lianne: Hindi eh. Walang nabanggit sa'kin si Darren o si Carlo.

Jiselle: Talaga bang girlfriend ka niyang si Darren? Eh Vice President siya ng Student Government, alam niya lahat ng activities!

Lianne: Ewan ko dun. Hindi nagkwento tungkol sa chuvang yan.

Lance: Oh, anong binigay ni Carlo sa'yo?

Jiselle: Ha? Wa-wala. Sinundo niya ako at sabay magla-lunch mamaya. Okay na yun.

Jasmine: Yes naman. I'm sure, may ibibigay yun sa'yo.

Jiselle: Sus, wala! Napakakuripot ng taong yun!

Jiselle's POV

Sana nga tama sila. Kahit naman papano, umaasa rin ako na may ibibigay sa'kin si Carlo. Syempre, kami na eh. Pero ayoko sanang mag-expect, mahirap na. Alam ko naman na hirap siyang mag-ipon at busy rin siya since sila yung naka-assign sa activity na yun sa school ngayon. Sinabi na rin niya sa'kin na gustuhin man niya, wala siyang mabibigay sa'kin. Kaya dapat siguro, wag na ako umasa. Kung ako kaya ang gumawa ng surprise para sa kanya?

Dare You To Move (Krisjoy)Where stories live. Discover now