Chapter 34: Break-up

1.8K 19 10
                                    

Pag-alis ni Jiselle, naiwan sa pa rin sa yate si Carlo, Lianne at Darren. Habang nagliligpit si Darren at Lianne, nakatingin lang sa malayo si Carlo, tahimik, tulala. Nang matapos na mag-ayos ang dalawang kaibigan, nilapitan siya ni Darren.

Darren: Pare. Tara na, tapos na kami magligpit.

Hindi sumagot si Carlo.

Darren: Carlo. Umuwi na tayo. Tara na.

Carlo: Babalik si Jiselle. Alam ko naman jino-joke niyo lang ako eh. Babalik siya. Magsi-celebrate kami ng birthday niya.

Darren: Di na siya babalik, Carlo. Di na babalik si Jiselle.

Carlo: Babalik siya. Babalikan niya ako. Kailangan ko lang maghintay dito. Maghihintay ako.

Lianne: Carlo...

Carlo: Ano ba?! Di ba sabi ko babalik siya?! Kung gusto niyo nang umuwi, umuwi na kayo!

Darren: Pare, sorry.

Carlo: Babalik siya diba? (Umiyak ulit) Binibiro niyo na naman ako eh. Pinagti-tripan niyo na naman ako.

Lianne: Carlo...

Darren: Hintayin natin siya! Di rin tayo matitiis nun.

Lianne: Darren?

Darren: (Pabulong) Hayaan mo na. Dito muna tayo hanggang maging okay siya.

Hinintay ng tatlo si Jiselle pero ni anino niya, hindi bumalik.

Sa bahay ng mga Chua..

Kenneth: Nandito na tayo.

Hindi sumagot si Jiselle, bumaba lang siya agad ng sasakyan. Lumabas ng bahay ang Daddy niya kaya bumaba na rin si Kenneth.

Kenneth: Good evening po, Tito.

Jeric: Nandito na pala kayo. Pasok, hijo.

Pumasok na sila sa bahay nina Jiselle. Naghanda sina Manang Josie at Mang Simon ng pagkain, inutusan sila ni Jeric. Na-konsensya siya na hindi niya naalala ang birthday nito.

Jeric: Kain na kayo. Naghanda kami oh.

Kenneth: Busog pa po ako.

Jeric: Kumain ka na. Dito, ang dami pa nito oh.

Tahimik lang sila habang kumakain nang biglang magtanong na si Jeric.

Jeric: Sa'n mo naman dinala 'tong anak ko, Kenneth?

Kenneth: Ha? Ahh -- eh. Diyan lang po sa may MOA. Yung seaside po.

Jeric: Ahh. Ganun ba?

Kung anu-ano pa ang tinatanong ni Jeric at halatang nagdududa ito kung talaga bang nag-dinner sila. Hindi sumasagot si Jiselle pero naiirita na siya sa kakatanong ng Daddy niya. Nang hindi na niya napigilan ang sarili, tumayo na lang siya bigla. Nagulat si Kenneth at Jeric.

Jeric: Jiselle?

Jiselle: Wala na akong gana. Matutulog na ako.

Umakyat na sa kwarto niya si Jiselle at doon umiyak siya mag-isa. Sa dami ng tawag at text na natanggap niya, pinatay niya ang phone niya. Gusto niyang mapag-isa. It was... so far... her worst birthday. 

Kinabukasan, hindi pumasok si Jiselle. Nagmukmok lang siya sa bahay. Hindi siya lumalabas kahit na kinakatakok na siya ng Daddy niya. Umabot na ng hapon pero hindi pa rin siya kumakain. Kaya pinaki-usapan nito si Kenneth na kausapin si Jiselle.

Jeric: Pasensya ka na, Kenneth. Naabala pa kita.

Kenneth: Okay lang po. Kakamustahin ko naman po talaga si Jiselle.

Dare You To Move (Krisjoy)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang