Chapter 39: Homecoming

1.8K 22 13
                                    


Carlo's POV

I woke up early this morning. Dumungaw ako sa bintana para salubungin ang sunrise. Eversince I moved here in California, I've been making myself busy. Unang-una, sa studies ko. Since I'm a full scholar in the university, I did my best para hindi mawala sa akin ang scholarship ko. Nagpapart-time job din ako habang nag-aaral. Yun naman ang uso rito. Lahat ng kakilala kong Pilipino na dito nag-aaral, nagta-trabaho rin. Dagdag kita na rin yun. Ayoko kasing dumepende sa allowance na nakukuha ko mula sa scholarship. After graduation, mabilis akong nakahanap ng trabaho. Binuhos ko rito lahat ng kaya ko kaya sa tulong ng Diyos, unti-unti akong napo-promote sa posisyon. As of now, I am a Department Manager of a known Advertising Company here in the City. Naging sobrang busy ko rin pero once in a while, kino-contact ko pa rin si Nanay. Kinakamusta ko siya lagi. Nag-aalala kasi ako dahil wala siyang kasama. Mabuti na lang at lagi siyang dinadalaw nina Darren, Lianne at... Jiselle. I've heard na gumraduate na rin sila. Halos sabay lang din kami. More than 5 years na rin akong nag-iisa rito. Wala rin kasi akong panahon sa lovelife. I tried dating, just to entertain myself. I dated two fine ladies, isa Pilipina. Nagkakasundo kami kasi parehas kaming dito nag-aral sa California. Pero hanggang dun lang yun. Takot kasi akong magka-girlfriend. Hanggang date-date lang, nothing serious. I never had a girlfriend pagkatapos mag-fail ang first relationship ko. I never loved someone else after our break-up.

Flight Stewardess: Coffee, Sir?

Carlo: Yes, please.

Ewan, pero biglaan ko lang ding naisipang umuwi ng Pilipinas. I guess, na-miss ko rin kahit papano yung bansang 'to. Now, I'm a different person. Hindi na ako ang dating Carlo na hirap sa buhay, na takot gumastos, na hindi tanggap ng pamilya ng nag-iisang babaeng minahal ko. Ngayon, wala na siyang mapipintas pa sa'kin. Ngayon, hindi na niya ako kayang maliitin. Ngayon, handa na akong ipamukha sa kanya na hindi na niya ako matatakot. Nang makalapag na ang eroplano, nagmadali akong kunin ang bagahe at mga pasalubong ko. Malaki na talaga ang pinagbago ng Maynila mula nang umalis ako. Pagkalabas ko ng airport, sinalubong ako ng mainit na hangin. In-english ko pa yung driver ng taxi, nasa Pilipinas na nga pala ako.

Taxi Driver: Where, Sir?

Carlo: Ahh -- hahaha! Pasensya na po kayo, matagal-tagal na rin akong di nakauwi eh.

Taxi Driver: Ganun po ba? Welcome back po! Sa'n po tayo?

Carlo: Sa may San Juan po.

Excited na akong umuwi at makita si Nanay. Birthday niya kasi ngayon kaya gusto ko siyang surpresahin. Hindi nga niya alam na uuwi ako ngayon eh. Patingin-tingin ako sa paligid habang bumabyahe. Nakaka-miss, iba pa rin talaga ang Pilipinas. Pagkarating ko sa tapat ng bahay namin, nakita ko agad sila - ang mga kaibigan ko. Naghahanda sila para kay Nanay. Pinaayos na rin ang bahay, nagpapadala kasi ako kay Nanay at eto na nga, may bunga na ang mga pagsisikap ko. Pero ang totoo niyan, namimiss ko pa rin ang dating itsura ng bahay namin. Kahit maliit, kahit masikip, puno naman ng masasayang memories. Bumaba na ako ng taxi at nagmadaling lumapit sa kanila.

Carlo: Pwede bang sumali?

Lianne: C-carlo?

Darren: Pare! (Niyakap si Carlo) Kailan ka pa dumating?! Bakit di ka man lang nagpasabi?!

Carlo: Biglaan lang din eh. Hahaha. Kamusta na kayo?

Lianne: Okay naman! Ikaw? Naks, mukhang umaasenso ka na talaga ah!

Carlo: Di naman masyado.

Kenneth: Oh, ito na yung pansit.

Biglang may lumabas ng bahay na dala-dala ang ilang handang pagkain. Halos hindi ko na nakilala. Si Kenneth nga pala 'to. Nag-iba na kasi ang itsura niya, medyo nag-mature na rin. Si Darren naman, parang seryoso na rin pero buti naman at mukhang makulit pa rin siya. Lalo namang gumanda si Lianne pero as usual, slim pa rin. Ito na nga ang mga kaibigan ko.

Dare You To Move (Krisjoy)Where stories live. Discover now