Chapter 22: I'm Sorry

2.1K 25 8
                                    

Habang papauwi, nag-text si Jasmine at Jason kay Jiselle na pumunta raw ito sa municipyo para mag-celebrate sila sa success ng music video nila.

Carlo: Oh? May problema ba?

Jiselle: Ha? Wala. Ano kasi, nagtext sila Jasmine. Magsi-celebrate raw kami sa municipyo.

Carlo: Ganun ba? Ngayon na?

Jiselle: Oo raw eh. Ano?

Carlo: Sige, puntahan mo na. Baka hinihintay ka na nila.

Jiselle: Okay lang ba?

Carlo: Oo naman. Text mo na lang ako.

Jiselle: Sige. Bye ah?

Carlo: Ingat.

Darren: Oh? Sa'n pupunta yun?

Carlo: Tinext nila Jasmine. Magsi-celebrate raw.

Darren: Eh di okay! Tara sa bahay nila! I-surprise natin!

Carlo: Tara!

Pumunta na si Jiselle sa Municipyo pero wala siyang ibang taong nakita kundi si Kenneth.

Jiselle: Oh? Asan sila Jasmine? Akala ko ba magsi-celebrate tayo?

Kenneth: Sorry Jiselle kung ginamit ko pa sila Jasmine para papuntahin ka rito.

Jiselle: Ano ‘to, Kenneth? Naglolokohan ba tayo? Buong linggo mo akong hindi pinapansin, tapos ngayon ganito? Sige, sabihin mo. Anong dahilan?

Kenneth: Hindi naman kita niloloko eh. Wala lang akong lakas ng loob umamin.

Jiselle: Umamin na ano?

Kenneth: Ako si Captain America.

Jiselle: Ano? Anong ---

Kenneth: Ako si Captain America. Ako yung taong laging nagsusulat sa'yo. Lahat yun, para sa’yo talaga lahat ng ‘yun. Totoo lahat ng yun. (Habang nilalapitan si Jiselle)

Jiselle: Totoo? Sa’n dun? Diba sabi mo ayaw mo ng Captain America? Diba lagi kang late? Diba hindi mo alam yung I'll Be?

Kenneth: Sorry. Sorry nagsinungaling ako.

Jiselle: Bakit ngayon pa? Bakit hindi mo sinabi agad? ‘Wag naman sanang ganito. Wag ka namang magbiro.

Kenneth: Hindi ako nagbibiro. For once, maniwala ka naman oh. Alam ko, alam ko namang iba ang gusto mo eh. Pero gusto kong maranasan na personal kang ligawan. Kahit ngayon lang, kahit isang beses lang. Pagbigyan mo lang ako.

Parang naiiyak na si Jiselle pero nagdadalawang-isip pa rin siya.

Kenneth: Promise. Pagkatapos nito, titigil na ako. Pagkatapos nito, hindi na kita guguluhin, hindi na ako magpaparamdam.

Jiselle: Last na talaga ‘to?

Kenneth: Promise.

Pumayag na rin si Jiselle. Pinatugtog na rin ni Kenneth ang I’ll Be at niyayang isayaw si Jiselle.

Kenneth: (Hiningi ang kamay ni Jiselle) Can I have this dance?

Inabot na rin ni Jiselle ang kamay niya st sumayaw na silang dalawa.

Jiselle: Gusto kong sabihin mo sa’kin ngayon lahat ng gustong mong sabihin.

Kenneth: Hindi ko kaya.

Jiselle: Kayanin mo, pumayag na nga ako eh.

Kenneth: Jiselle…

Jiselle: Hmm?

Dare You To Move (Krisjoy)Where stories live. Discover now