Chapter 16: Double Date

2.2K 29 2
                                    

Jiselle's POV

Napansin ko na naninibago pa rin si Lianne tuwing magkasama kaming apat. Pero habang tumatagal, alam kong nasasanay na rin siya. Kapag nagtatawanan kaming tatlo, nakikitawa na rin siya pero halata pa rin na na-iilang siyang kasama kami. Kaya nga lagi kong pinagsasabihan 'tong si Darren at Carlo nakausapin siya kasi baka ma-OP. Ang hirap talaga kumbinsihin ng boys! Nung nagba-basketball practice ang boys nung biyernes, niyaya ko si Lianne na manood. Nahihiya pa rin kasi siya kasi kahit yung CFC, nilalayuan na rin siya. Sa mga nangyayari kay Lianne, sigurado akong nawawalan siya confidence sa sarili niya at naaapektuhan na rin ang grades niya. Magaling pa naman siya sa klase kaya scholar siya rito sa Westville tulad ni Carlo. Tinanong ko si Lianne kung nagka-usap na sila ni Carlo at Darren pero hindi pa rin daw.

Jiselle: Ang totoo niyan Lianne, nanliligaw na si Carlo sa'kin. Sorry kung ngayon ko lang sinabi.

Lianne: Okay lang, halata naman eh.

Jiselle: Hindi ka ba galit? Kasi nung isang buwan, binibigyan ka ni Carlo ng roses di ba?

Lianne: Oo. Binigyan niya nga ako. Pero, wala naman siyang sinabi na gusto niya ako eh. Sa tingin ko nga, hindi talaga sa kanya galing yun eh.

Jiselle: Ang totoo kasi nyan...

Lianne: Ay Jiselle, sorry. Kailangan ko na palang umuwi. Una na ako ah? Kita na lang tayo sa Lunes.

Jiselle: Ganun ba? Sige sige, ingat ka ha? Ba-bye.

Lianne: Bye! Pasabi na lang sa kanila na nauna na ako.

Umuwi agad si Lianne. Siguro nasaktan siya sa sinabi ko. Tama bang sinabi kong nililigawan na ako ni Carlo? Alam ko naman na gusto niya si Carlo eh. Haaaay. Natagalan na naman sa practice sina Darren kaya napagod ako kakahintay.

Jiselle: Hindi pa rin kayo nagso-sorry kay Lianne?

Carlo: Jiselle...

Jiselle: Oo na. Nasasaktan pride niyo. Mas mahalaga naman talaga lagi yang pride niyo eh.

Carlo: Hindi naman sa ganun Jiselle, kaya lang...

Jiselle: Tama na, umuwi na tayo.

Carlo: Jiselle. Makinig ka naman.

Jiselle: Umuwi na tayo. Pagod na ako.

Nawalan ako ng ganang kausapin si Carlo. Hindi ko pa rin naman sila makukumbinseng kausapin si Lianne eh. Mas mabuti pang umuwi na lang ako kaysa magtalo na naman kami ni Carlo.

End of Jiselle's POV

Carlo's POV

Galit ata si Jiselle sa'kin. Hindi pa rin kasi namin nililinaw kay Lianne ang lahat. Si Darren naman kasi, napaka-torpe eh. Matawagan nga.

Darren: Hello?

Carlo: Hoy, Darren.

Darren: Oh, bakit ka napatawag?

Carlo: Galit ata sa'kin si Jiselle eh.

Darren: Talaga? Tsk, nanliligaw ka pa nga lang dinidi-appoint mo na yung tao.

Carlo: Ikaw may kasalanan nito eh!

Darren: Anong ako? Ano na namang ginawa ko?

Carlo: Kaya galit si Jiselle kasi hindi pa tayo nagso-sorry kay Lianne. Eh ikaw lang naman 'tong hinihintay ko eh.

Darren: Eh pare, bakit?

Carlo: Darren! Pagkakataon mo na 'to para umamin kay Lianne! Sabihin mo na sa kanya na sa'yo galing yung regalo pati yung mga bulaklak.

Dare You To Move (Krisjoy)Where stories live. Discover now