Chapter 21: The Last Letter

2K 19 2
                                    

Uwian na at dumiretso sa municipyo ang magkaka-group sa Music. Hindi mapigilan ni Jiselle na isipin yung pag-uusap nila ni Darren.

Flashback

Dismissal na. Kanina pa tinitext at tinatawagan ni Jiselle si Carlo.

Jiselle: (Sa sarili) Carlo, ano ba? Sumagot ka naman. Kahit text lang.

Dumaan si Jiselle sa room nila Carlo.

Jiselle: Carlo?

Darren: Jiselle!

Jiselle: Darren, si Carlo?

Darren: Umuwi na. Masama pakiramdam eh kaya nauna nang umuwi.

Jiselle: Okay lang ba sya?

Darren: Ewan ko. Parang hindi eh. Alam mo, kung may di kayo pagkakaintindihan, ayusin niyo agad. Mahirap na yung parehas kayong nahihirapan.

Jiselle: Sorry, Darren.

Darren: Saan naman?

Jiselle: Wala. Na-miss ko lang kayo. Hindi na kasi tayo masyadong nagkakasama. Tuwing linggo na lang.

Darren: Onga eh. Pagkatapos ng misa kahapon, naghanap pa si Carlo ng white rose na ibibigay niya para sa'yo. Nalaman niya kasi na yun ang paborito mo kaya kahit umulan, naghanap talaga siya kasi gusto raw niyang bumawi sa'yo. Ayy, sorry. Ang daldal ko talaga, 'wag mong sabihing sinabi ko 'yun ah. Baka magalit eh. Hahaha!

Na-touch si Jiselle at hindi siya nakapagsalita.

End of Flashback

Jason: Uy, Jiselle. Okay ka lang ba?

Jasmine: Ay naku, Jiselle. Wag mo munang isipin yan.

Lianne: Tama si Jasmine, Sel. Focus muna tayo sa Music Vid. Next week na yung pasahan eh.

Jiselle: Pasensya na ha? Sige, may napili na ba?

Lance: Maganda sana yung Passenger's Seat pero mas okay rin yung I'll Be.

Jiselle: I'll Be?

Napatingin si Kenneth kay Lance.

Jasmine: Gusto ko yang I'll Be. Nakaka-touch kasi yung message nung kanta. Madaling gawan ng music video. Diba?

Jason: Sa bagay. So pa'no, I'll Be na?

Lianne: Game! Pa'no na yung story?

Lance: May naisip ako. We need 3 main characters here. Dalawang couple at isang guy na may gusto dun sa girl.

Jason: Mukhang maganda yan ah, whachasay Ken?

Napatingin silang lahat kay Kenneth.

Kenneth: Ha? Mukhang okay naman. Maganda.

Jasmine: So ang story parangrevolves around that guy na inlove dun sa girl. Tapos yung babae, may mahal na iba? Naks, parang telenovela lang ah!

Lance: Ganun na nga. Teka, Kenneth, kaya mo bang kantahin yan?

Jason: Oo naman! Kayang-kaya ni Kenneth yan!

Kenneth: Hindi ko alam yung I'll Be na yan.

Lianne: Oh, eto yung lyrics. Ipaparinig ko na rin sa'yo para maging familiar ka.

Nagtingin si Kenneth at Jiselle. Kinakabahan si Kenneth, baka kasi makahalata na si Jiselle sa kanya.

Jasmine: Sige, pag-usapan niyo muna yung kanta. Kayong dalawa na bahala ah. So, ang naiwan na lang, tayong apat. Tatlo sa atin yung main characters. Since dalawang lalaki at isang babae ang bida...

Dare You To Move (Krisjoy)Where stories live. Discover now