Chapter 11: Misunderstandings

2.2K 24 5
                                    

Buong week ay hindi mapag-hiwalay sina Carlo at Darren. Wala kasi silang ibang ginawa kundi magpa-cute kay Lianne at mag-isip ng strategy para manligaw kay Jiselle. Nag-promise sila na hindi nila sasabihin kay Jiselle ang kasunduan nila. Isang araw, nagpunta sila sa room ng 3B.

Lianne's barkada 1: Lianne, look! Nandito na naman si Carlo!

Lianne's barkada 2: Oh my! Mukhang inaaraw-araw ka na, girl!

Lianne's barkada 3: Buti na lang lagi niyang kasama si Papa Darren, nakaka-sight tuloy ako!

Lianne's barkada 1: Oo nga! Mas type ko siya kaysa kay Carlo, in fairness!

Lianne: Ssshhh! Ang ingay niyo, girls! Tumigil nga kayo, nahihiya na nga ako eh.

Narinig 'yon ni Jiselle at nakita niya na nasa labas ng room nila si Carlo at Darren. Nagha-hi si Carlo sa kanya pero sinungitan niya ito. Halos isang linggo na kasi silang pabalik-balik sa room nila at nagbibigay ng rose kay Lianne. Alam naman niya na kay Darren talaga yun galing pero di niya alam kung bakit pinapalabas na si Carlo ang nanliligaw. Lumabas na si Lianne para salubungin si Carlo at Darren. Dahil kay Jiselle pa rin nakatingin si Carlo, siniko siya ni Darren para pansinin si Lianne.

Lianne: Carlo, Darren. Nandito na naman kayo. Araw-araw na yan ah.

Darren: Syempre naman, Lianne.

Carlo: Ahh, rose for you.

Lianne: Thank You, Carlo. Alam mo, iniipon ko talaga lahat ng binigay mo sa akin. Sobrang naaappreciate ko. (Niyakap bigla si Carlo)

Nakangiti lang si Darren pero deep inside para na siyang sinasaksak. Masakit naman talagang makita at marinig ng harap-harapan na may gustong iba ang gusto mo. Kasalanan niya 'to in the first place eh. Kung di niya sinabing kay Carlo galing ang regalo, hindi na sana sila nahihirapan. Nang makita ni Jiselle na nagyakapan si Carlo at Lianne ay di na niya natiis ang sarili. Lumabas na siya ng room.

Carlo: (Nakita si Jiselle na lumabas at binitawan si Lianne) Jiselle? Jiselle! Teka lang! (Hinabol si Jiselle)

Lianne: Carlo! Carlo, sandali ---

Darren: Hayaan mo na. Baka may pag-uusapan lang sila. (Paalis na sana)

Lianne: Darren. Is there something you need to tell me?

Darren: Marami. Maraming-marami. But you don't have a room for that, and I don't have the guts either. I'm sorry. I'm so sorry. (Umalis na)

Nalito si Lianne. Bakit hinabol ni Carlo si Jiselle? Bakit sinabi ni Darren na marami siyang gustong sabihin kay Lianne? Bakit nagso-sorry ito sa kanya? May mali eh. Alam ni Lianne na may mali sa sitwasyon. Nalilito na talaga siya.

Carlo: Jiselle! Jiselle, sandali lang. Jiselle, kausapin mo naman ako. (Hinawakan ng mahigpit si Jiselle)

Jiselle: Para sa'n pa? Carlo, kailan ka pa naglihim sa akin? Kailan pa?

Carlo: Hindi mo naman kasi naiintindihan eh.

Jiselle: Ang alin? Pa'no ko maiintindihan kung wala ka namang sinasabi sa akin?! Kung wala ka namang pinapaliwanag.

Carlo: Yung nakita mo, hindi yun totoo!

Jiselle: So ano yun, role playing? Drama? Come on, Carlo.

Carlo: (Huminga ng malalim bago magsalita) Si Darren. Sa kanya galing yung mga roses. Hindi sa akin.

Jiselle: Hindi, Carlo eh. Ikaw yung nagbigay at paniwalang-paniwala niyo si Lianne na ikaw ang interesado sa kanya!

Carlo: Kasi gusto kong tulungan si Darren! Kasi kaibigan ko siya!

Dare You To Move (Krisjoy)Where stories live. Discover now