Chapter 46: The Perfect Proposal

1.9K 26 12
                                    

Darren's POV

Ito na ang araw na pinakahihintay ko. Mula ngayong araw, magiging isa na kami ni Lianne. Haay. Parang kailan lang nung unang beses ko siyang makita nung High School hanggang sa dumating yung araw na first time naming mag-usap hanggang sa maging magkabarkada kami. Nakaka-iyak isipin. Hahaha. Ang drama ko, pero yun ang totoo. Mula nang dumating siya sa buhay ko, nag-iba na ako. Naging matino ako dahil sa kanya at natuto akong maghintay at maging loyal. Yung relasyon namin, hindi naging madali. Nung nagsisimula pa lang kami, on and off kami. Parang nung mga oras kasi na yun, hindi pa ako handang magseryoso. Pero mukhang nasanay na kasi ako na lagi ko siyang kasama at lagi ko siyang hinahanap. Hindi ko ini-expect na magtatagal kami ng ganito. Hindi ko ini-expect na darating yung araw na 'to. Hindi ko inakala na 8 years na pala kami, ang bilis. Sa buong buhay ko, ito na siguro ang pinakatamang desisyon na nagawa ko -- ang ialok ng kasal ang taong gusto kong makasama habang buhay. Handa na ako sa anumang tatahakin namin kasi alam ko, sabay naming haharapin yun. Ang araw na 'to ang pinakamahalagang araw para sa aming dalawa.

Manang Susan: Sir. May tawag po.

Darren: Manang! Nag-aayos pa po ako. Kailangan hindi ako ma-late!

Manang Susan: Sir, importante raw po eh.

Darren: Sino ba yan?

Manang Susan: Si Carlo raw po.

Darren: Carlo? Si Carlo?!

End of Darren's POV

Dumating na sa simbahan ang karamihan sa mga bisita at ang pamilya nina Darren at Lianne. Isa sa mga unang dumating si Jiselle dahil maliban sa siya ang maid of honor ni Lianne, siya rin ang nag-aasikaso at nag-oorganize ng kasal.

Jasmine: Naks naman, Maid of Honor! Pwedeng-pwede ng maging bride!

Jiselle: Sssh. Bilisan niyo na mag-ayos. Magsisimula na maya-maya.

Tina: Naku, wag mo na kaming intindihin. Asikasuhin mo na yung ibang guests.

Lance: Wow, Jiselle! Ganda natin ngayon ah!

Jiselle: Hay naku Lance!

Jason: Kasi naman, kung hindi kayo nag-break ni Kenneth eh di sana naunahan niyo pa sina Lianne!

Jiselle: Jason talaga. Ang issue mo.

Darren: Oh! Handa na ba lahat?

Lance: Pare, nandito ka na!

Darren: Excited eh. Naks, gaganda niyo ah!

Tina: Lalo na 'tong si Jiselle! Hay naku, kailan ka ba ikakasal? Lahat kami, engaged na oh!

Jasmine: Ano ka ba, siyempre hinihintay pa niya si Carlo!

Kenneth: Oh, late na ba ako?

Jiselle: Ken! Mabuti naman nandito ka na! Samahan mo na si Darren.

Kenneth: Di na kailangan.

Jiselle: Ha? Bakit? Ikaw ang Bestman!

Kenneth: Not anymore.

Jiselle: What do you mean?

Darren: Speak of the devil. :))

Nagulat si Jiselle sa sinabi ni Kenneth at nang mapalingon siya, nakita niya ang taong hindi niya in-expect na makikita niya at the very moment.

Jiselle: C-carlo..

Carlo: Kumusta?

Lance: Pare!

Dare You To Move (Krisjoy)Where stories live. Discover now