"Yun nga eh at ayaw pa din daw umalis dun at pilit pang naghahamon nang away sa mga lola. Ano nang gagawin natin?" kinakabaha na sabi ni Serena.


Kailangan na niya siguro harapin ang gago na yun, ilang taon rin niyang pinalagpas ang paninira at pangmamaliit nito sa mga tao na nasa bahay ampunan, para lang makuha ang simpatiya nang mga tao sa bayan nila.



"Pupunta tayo dun ngayon din!" gigil na sabi niya.


Humanda ang Mario Gonzales na yun. Titirisin ko siya nang pinong pino.





——



ELMO



Sa wakas at nakapagpahinga rin siya nang maayos.


Halos kakauwi niya lang at ngayon lang siya nakatulog nang mahimbing.


Tumingin siya sa wall clock niya nang makitang maghahapon na pala.


Tumayo siya sa kanyang kama at saka siya nag unat.


"Ughhh.."


Nang bigla niya maalala si Janella. Halos ilang araw niya ring hindi nakita ang babae.


Miss na miss na niya ito.


Tumunog bigla ang phone niya at nakakunot ang noo niya nang makita nag text ang baklang kaibigan ni Janella sa kanya.



Mayor helpppp!!!



Kumabog bigla ang dibdib niya nang mabasa ang text nito.



May nangyayari ba sa mga ito?



Si Janella?

Magrereply na sana siya nang mag text ulit ito sa kanya.


Otw na kami sa Bahay ni Lola Felicia huhu..


Hindi na siya nag abalang mag reply pa rito at dali dali siyang nag ayos nang kanyang sarili.




——



JANELLA




"Ate Ganda!!!!"



Umiiyak na tumakbo sa kanya si Mico at saka ito yumakap sa kanya.



"Ate Ganda, totoo po bang aalis na kami dito? Wala na kaming magiging bahay." umiiyak na sabi nito.


Tumingin siya sa kanyang paligid na halos lahat nang bata ay nag iiyakan.


Ganito ang nadatnan nila nang makapasok sila sa bahay ampunan.

Hinanap agad nang mga mata niya si Mario Gonzales.


Lalo lang siyang nanggigil sa matandang ugok na yun.


"Hindi totoo yan, hindi ko hahayaang mangyari yun siyempre." nakangiting sagot niya rito at saka hinaplos ang mukha nito.



"O nandito na pala ang tagapagtanggol nang mga na aapi!"


Napatingin agad siya sa nagsalitang yun at naghimasik ang kalooban niya nang makita itong nakangisi sa kanya habang tawa naman ng tawa ang mga tauhan nito.


Tumingin siya sa mga lola at pilit siyang ngumiti sa mga ito.


"Mga Lola pwede bang pumasok muna kayong lahat sa loob ng kwarto nang mga bata. Ako na po bahala dito." aniya sa mga ito.


So Into YouKde žijí příběhy. Začni objevovat