Chapter 33

345 5 1
                                    


A/n; I needed to update again the first chapter until the current chapter, cause some other readers have been experiencing technical errors about my story in Wattpad. I'm hoping for your kind consideration.

Thank you.☺😁



Felicity's POV

Matapos kong sunduin si Labz agad na kaming nagtungo sa school. Pagdating ko ng room isang mukhang hindi maipinta naman ang sumalubong sakin. Buti pa tong si Alfrea Katlene Vislenio ang ganda ng salubong sakin. Ngiting totoo at kalmadong kalmado lang. Eto naman kasing si Gemma dinaig pa ang may lamay. Ai si ba nasabi ni Gem sa inyo ang totoo nya este kompletong pangalang? Pwes! ngayon alam nyo na. Gemma. Gemma. Gemma. Yan ang kompletong first name nya. Galing noh kung saan patapos na yung kwento doon lang naisip ng author. Galing, Galing!

"May lamay ba?"

Tanong ko.

Nalipat naman ang paningin at atensyon nya sakin.

"Ako ba kausap mo?"

Wala sa sarili ng tanong nya. Lutang nga naman oh!

"Hindi noh. Sige moment ka na dyan."

Saad ko nalang at pinabayaan na lang sya. Lutang nga!

Naupo na ako sa silya ko na nasa likuran at tahimik na naupo doon. Naghihintay sa grasyang darating. Pero hindi pa nga uminit yung pwet ko sa silyang inuupuan ko may kamalasan na namang dumating.

"Wazzap people?!"

Sigaw ni Jerilyn at lumapit agad sa direksyon naming tatlo nila Gemma at Frea.

"Masarap ba ulam nyo at ganyan ka magsaya ngayon?"

Sarkastikong tanong sa kanya ni Alfrea. Sinamaan naman agad sya ng tingin ni Jerilyn si Frea. Ai wait asaan na kaya si Grace bat wala pa rin sya ngayon?"

"Good morning class."

Bati ni Ms. samin. Nagsitayuan naman kami at bumati din sa kanya.

"I have an important matter to settle today, so I will just ask a favor to Mr. Isaiah to handle you only for today."

Paliwanag ni Ms.

"Oi~ nandito na naman jowa nya."

The Gay I'll Never ForgetWhere stories live. Discover now