Chapter 27

362 6 0
                                    

Note: Be aware of some words here. Masyado kasing Bad.😇 Enjoy reading everyone.







Nicole's POV

"Mads, saan ka ba nagpunta?"

Tanong ko pagdating nya sa loob ng room namin.

"Hinanap ko kasi sa campus yung kaibigan ko. Bakit ba?"

Sagot nya saka ibinagsak ang katawan sa silya nya.

"Tatanong ko lang kung sasama ka sakin mamaya sa ospital."

Tanong ko.

"Akala ko ba nabisita mo na si Gaymong noong nakaraan?"

Takang tanong nya.

"Hindi naman si Gaymond ang bibisitahin ko eh."

"Ganun bah?... Sige pag-iisipan ko muna."

Kainis talaga tong babaeng toh. Ang daming arte. Daig pako eh.






"Tapos ka na mag-isip dyan?"

Iritang tanong ko. Tumango-tango naman sya sakin bilang sagot. Hayss... Kaloka talaga sya.

"So... Sasama ka ba sakin mamaya? Pupuntahan ko yung isa ko pang kaibigan na nasa kaparehong hospital ni Gaymond.

Tanong ko.


"Si Gaymond ba hindi mo bibisitahin?"

Tanong nya.

"Siguro dadaanan natin sya pagkatapos akong bumisita sa isa ko pang kaibigan sa ospital."

Sagot ko.

"Sige, kung ganon sasama nalang ako sayo. Mahirap kayang mag-isang umuwi sa condo unit natin."





"Ang sabihin mo natatakot ka lang mag-isa sa loob ng unit mo."







"Pinagsasabi mo... Ikaw nga tong laging kumakatok sa kwarto ko eh."





"Hoy may kailangan lang ako sayo kaya ganun noh!"








"Talaga lang ha... Ang sabihin mo... Nag-away na naman kayo ni Charles."




"Anong connect?! Isa pa wala kang paki!"

Saad ko saka sya tinalikuran.

The Gay I'll Never ForgetWhere stories live. Discover now