Chapter 25

414 7 0
                                    












Someone's POV

Eto na naman sya nagmamasid sa buong paligid nya. Tinitignan ang bawat taong madadaanan sya.

"Kailan ko ba ulit mararanasan ang mabuhay ng ganito?"

Tanong nya sa kanyang sarili.

"Hindi rin tatagal matatapos na ako sa misyon ko. Kunting panahon nalang ang hihintayin ko."

Huminga muna sya ng malalim bago tumayo sa kina-uupuan nya saka lumapit sa mga taong nagkukumpulan sa daan. Isang pangyayari na naman ang hindi inaasahan ng kahit na sinoman.

Lumapit sya sa isang dilag na hindi makagalaw sa kina tatayuan at nakatulala lang sa kanyang nakikita. Isang magandang dilag ang kanyang tinitigan. Nakahandusay sa daan at naliligo sa sarili nitong dugo.

"Tamara Garcia?"

Tanong nya sa nakatulalang babae.

Napaharap naman ng biglaan ang babae sa taong tumawag ng kanyang buong pangalan.

"H-how... Did... Y-you ... Know my name?"

Nauutal at naguguluhang tanong nya sa babaeng kaharap nya ngayon.

"Come with me... We need to go now."

Saad nya saka inilahad ang kanyang kamay.

"No! I can't go now... Hindi pa nga ako nakakapagpaalam sa pamilya ko."

Naiiyak na saad ng dilag.

"Your time is done... We both have nothing to do with your destiny."

Pagpapaliwanag nya. Pinakalma muna nya ang dilag saka nya ito hinatid sa kanyang karuruonan.

"Please let me see them for the last time."

Wala na syang nagawa kaya naman sinunod nya lang ang pakiusap ng dilag sa kanya.







"Life is short... Whether you want it or not... There is always the right time for us to return the life we borrowed from him."




















Grace's POV

Isang malungkot na balita ang natanggap naming magpamilya. Kagabi lang namatay ang pinsan namin.

Nakakalungkot lang dahil hindi man lang kami nagkausap o nagkitang dalawa bago sya mawala. She's one of my closest cousin sa lahat ng mga pinsan namin.

"Grace stop crying already... Hindi gugustohin ni Tamara na makita ka nyang umiiyak."

Pagpapatahan ni mama sakin.

"Tita pwede ko bang makausap si Grace?"

Biglang sulpot naman ng isang asungot.

"Ikaw muna ang bahala sa kanya... Kagabi pa yan umiiyak."

Saad naman sa kanya ni Mama saka ito umalis. Iniwan nya talaga ako sa lalaking toh.

"Ano ka ba naman insan... Sa tingin mo ba magiging masaya si Tamara pagnakikita ka nyang umiiyak ng dahil sa kanya."

The Gay I'll Never ForgetWhere stories live. Discover now