Chapter 31

344 7 0
                                    


A/n; Thank you so much sa nagvo-vote ng kwentong ito. Pasensya na din sa mabagal na pag-update ko. Sa totoo lang nakakatamad mag-isip ng kasunod na mangyayari sa kwento dahil nawawalan na ako ng inspirasyon. Isa pa naging busy din ako sa private life ko. Hehehe... 😅 Char lang... But I'm back and hopefully matapos ko na sya... Don't worry mga peps. 9 chapters pa bago ang finale. So sit back and relax, dahil ipagpapatuloy ko na ang karugtong ng kwentong ito. 😁

*****************************

*****************************

*****************************

*****************************

*****************************




Gaymond's POV

"Gusto mo bang samahan kita?"

Tanong ko sa kanya.

"Ok lang ba sayo Labz... Baka mapagod ka?... Wag nalang."

Tanong nya sakin. Ngumiti naman ako ng mapakla.

"I'll be fine... Nasa tabi naman kita."

Saad ko at inilahad ang kamay ko. Iniabot nya naman agad ito at tinulungan ko na syang makatayo. Inalalayan ko syang maglakad papunta sa dalampasigan. Habang hawak-hawak ko ang kanyang mga kamay ng sobrang higpit.

"Labz may kwento ako sayo."

Malungkot nyang saad sakin habang naglalakad kaming dalawa. Napatingin naman ako bigla dahil sa tono ng boses nya.

"Malungkot bang kwento yan?"

Nagtatakang tanong ko naman.

"Hindi naman sa ganun Labz... Pero... Sana kahit anong mangyari... Wag mo kaming iiwan."

Nakangiti naman nyang saad sakin. Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon sa kanya. Kahit na alam kong nalulungkot sya sa totoo lang. Ganun din naman ako eh...

Huminto na kami sa paglalakad at naupo sa buhangin malapit lang sa dalampasigan. Inalalayan nya naman akong makaupo sa tabi nya saka isinandal ang ulo nya sa balikat ko habang nakatanaw kaming dalawa sa malayo.

"Nanaginip ako kagabi..."

Panimula nya.

"Nakita kita sa panaginip ko Labz... Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng panaginip na yun... Pero inaamin kong natatakot ako Labz... Natatakot akong kunin ka nya sakin."

The Gay I'll Never ForgetWhere stories live. Discover now