Chapter 11

586 8 0
                                    
















Felicity's POV

Matapos ng birthday ko noong nakaraan ay nagsibalikan naman sila sa mga trabaho nila sa ibang bansa. Kaya eto ako nag-iisa na naman.

"Labz may problema ba?"

Tanong ko habang nasa byahe kami papuntang school. Ang aga-aga kasing nakasimangot sya.




"Wala naman Lav. Masama lang ang pakiramdam ko."

Matamlay nyang sagot sakin habang nagmamaneho.





"Sana nagpahinga ka na lang muna sa inyo... Baka mamaya lumala pa yan."

Nag-aalalang saad ko sa kanya.





"I'll be fine."

Saad nya saka tumingin saglit sakin.




"Pag hindi mo na kaya magpaclinic ka agad ha."

Paalala ko sa kanya.


Narating na din namin ang school kaya nagpark muna sya ng kotse at sabay na kaming naglakad papuntang classroom namin.



"Wag kang masyadong magpagod Labz... OK?"

Sabi ko at hinalikan na sya sa pisngi. Ngumiti naman sya sakin at tumango-tango.


Pagpasok ko naman sa loob ng room napakatahimik ng lahat. May nangyari atang hindi ko alam.

Lumapit naman bigla sakin si Alfrea.



"Alam mo ba ang balita?"

Tanong nya sakin. Napakunot noo naman ako sa kanya.






"Hindi... Bakit anong meron?"

Tanong ko sa kanya.


"Halika upo muna tayo chika ko sayo."

Saad nya at hinila naman ako papunta sa upuan namin sa likod. Wala pa naman yung apat at kaunti palang din ang nasa loob ng room.



"Anong chika mo?"

Tanong ko at naupo na sa silya ko.





"Bali-balita sa campus na merong teacher dito ang may relasyon sa isang student nya. At ang sabi... Tatanggalin daw sya sa trabaho nya."

Paliwanag niya sakin.





"Kilala mo ba kung sino yung teacher?"

Tanong ko.






"Hindi pero wala naman akong pakialam doon. Isa pa wala ako sa lugar para mangkilatis."

The Gay I'll Never ForgetWhere stories live. Discover now