Chapter 23

373 11 0
                                    








Samantha's POV

Simula ng maghiwalay ang kapatid ko at si Vine. Pansin kong palaging malungkot ang kapatid ko. That gay really love her so much... Yun ngalang may tupak tong kapatid ko. Si Lavine pa talaga ang mas madalas umintindi kaysa sa kanya.

Napabuntong hininga nalang ko. Pinabantayan ko muna si Gaymond kay Lavine dahil nga naghahanap pa rin ako ng donor para sa kanya.

Gusto kong hilingin na sana panaginip nalang ang lahat ng toh. Na nasa wala nalang sakit ang kapatid ko edi sana ngayon naiinis ko pa sya o di kaya ay napagtri-tripan sya. Yun nga lang kasi... Hindi na naaayon sa plano ko ang mga bagay-bagay na gusto ko sanang mangyari.




"Hon... Everything's gonna be ok."

Nakangiting pagpapalakas ng loob sakin ni Richard.

Hays... Alam kong mahirap pero mas mahirap ang kalagayan ng kapatid ko kumpara sakin. Bakit ba naman kasi nangyayari ito sa kanya. Wala namang ginawang masama yung kapatid ko. Inaamin ko naman na madalas kaming mag-away na dalawa pero masasabi ko rin namang mahal namin ang isa't isa.


"Puntahan na lang natin si Mond. Matagal-tagal na rin ang paghihintay natin sa wala dito."

Naiinis kong sambit sa kanya.

"Makakahanap din tayo ng donor."

Saad nya at tumayo na kaming dalawa mula sa pagkakaupo namin. Gustohin ko man wala pa rin naman akong magagawa.

"Sana Hon... Sana makahanap na tayo bago pa mahuli ang lahat."

Nalulungkot kong saad sa kanya. Ramdam ko namang mas humigpit ang pagkakahawak nya sa kamay ko. Buti nalang nasa tabi ko na sya tuwing kinakailangan ko ng masasandalan.

Pagdating namin ng kwarto ni Gaymond sa ospital ay sinalubong agad kami ng dalawang lovebirds na mahimbing ang pagkakatulog. Nasa tabi lang ng kapatid ko ang taong mahal nya habang hawak-hawak nito ang kanya kanang kamay. Ayoko mang sirain ang moment nila pero wala na akong magagawa dahil baka mamaya magising itong si Gaymond at mabulyawan nya pa si Lavine.

Lumapit ako kay Lavine at ginising ito.

"You should go now."

Saad ko sa kanya.

Inayos naman nya ang sarili nya at pagkatapos ay nagpaalam na din sya. Ipinahatid ko naman sya kay Hon. Noong una ayaw pa sana nya kaya lang nagpumilit ako. Alam ko namang hindi maayos ang relasyon nila dahil sa kapatid ko kaya mabuti ng makapag-usap silang dalawa.

Naiwan naman ako dito sa room ni Gaymond. Ako naman ang magbabantay sa kanya. Kasalukuyan kong inaayos ang kumot nya.

Maging matatag ka sana Mond. Alam kong tinatarayan kita pero sana alam mo din kung gaano ka kahalaga at kamahal naming pamilya mo.

"A-ate..."

Mahinang tawag nya.


"May kailangan ka ba? May masakit na naman ba sayo?"

Nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"Baliw... Walang masakit sakin. Sinisigurado ko lang ikaw nga talaga ang nasa tabi ko kanina."

The Gay I'll Never ForgetWhere stories live. Discover now