Chapter 26

371 6 0
                                    





















Rina's pov

Ang lahat ay tila hindi ko kayang paniwalaan. Unang nawala sakin ay ang mga magulang ko. Sunod naman ang kuya ko. Ako na lang ang tanging natitira sa mundong ito. Ako nalang ang nag-iisang nagpapatuloy sa buhay ko.

Pagod nako sa ganitong sitwasyon ng buhay ko. Lagi kong natatanong kung bakit sa lahat, ang pamilya ko pa? Bakit kung sino pa ang mabubuti sila pa ang unang mawawala? Bakit sila mama at papa pa? Bakit pati ang kuya ko kinuha nya din? Ano bang kasalan ang ginawa ko at ganitong klaseng parusa ang natatanggap ko? Ano bang ginawa ko? Mali bang maghigante sa taong pumatay sa kanila? Mali bang lumaban ako sa paraang gusto ko? Mali bang gumawa ako ng paraan para pagsisihan nila ang lahat ng kahayupang ginawa nila sakin... Sa amin?

Ang pamilya ko... Sila nalang ang tanging meron ako... Pero bakit... Bakit sila pa ang kinuha nya sakin?

At ako pa ngayon ang gagawin nilang mamamatay tao?! Ako pa ang pumatay sa kuya ko?! Sinong demonyo ang gagawa nun sa kapatid nya?! Lahat sila mga manloloko at sinungaling lang. Lahat sila magkakatulad lang. Mga taong gustong sirain ang tahimik kong buhay. Mga taong walang puso. Sila ang dapat magbayad sa nangyari at hindi ako!

"Alfrea!"

Tawag ko sa taong nasa harapan ko.

"Bakit Rina?"

Tanong nya matapos nya akong lingunin.




"Gusto sana kitang makausap... Bago matapos ang araw na toh. Magkita nalang tayo mamaya sa old library... Tayong dalawa."

Seryosong saad ko habang nakatingin sa whiteboard sa loob ng classroom namin.


"Bakit tayong dalawa lang?"

Takang tanong nya.

"May sasabihin kasi akong mahalagang bagay."

Sagot ko.

Hindi nya na ako kina-usap pa dahil pumasok na sa loob ng room namin ang first subject teacher namin. Its a good thing at wala ngayon sila Grace at Vine pati na rin pala si Gem.








"Good morning class!" 



"Good morning Ms."

Bati ng lahat sa kanya.

Nagsimula na naman syang magsalita sa harap hanggang sa may umagaw sa atensyon ko sa mga sinabi nya.






"Class tell your other teachers that Ms. Jimenez wont be on their class only for today because she attend on her cousin's funeral, ok?"

"Yes Ms.!"

Angkalain mo nga naman oh... It looks like my plan is working on its own. How I love it. Paunti-unti muna hanggang sa tuluyan ko na kayong ubusin. Uunahin ko muna ang mahal nyo hanggang sa kayo na mismo ang sumuko sa laban na sinimulan nyo.

































Richard's POV

"Can we talk Mond?"

Kinakabahang tanong ko.

The Gay I'll Never ForgetWhere stories live. Discover now