Chapter 39

423 5 0
                                    




Someone's POV

Hmm... Malapit na kong matapos sa misyon ko. Kunting tiis nalang malalagay na din ako sa tahimik magiging mapayapa na din ang sitwasyon ko.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa isang upuan sa tabi ng dalampasigan. Nilakad ko ang mahabang daan patungo sa kawalan. Nilalamon ako ng sarili kong isipan. Hindi malaman kung saan ang hangganan ng matagal-tagal na rin paglalabay. Kung sana lang merong makakapagsabi kung ano ang dapat kong gawin ay sana... Sana payapa na ang aking isipan.

Hindi ko alam kung ano pa ang mga misyon na dapat kong harapin. Natatakot ako na baka ako ay mabigo at hindi na makabalik muli sa mundong gingalawan ko. Ako nga ba ay patay na o nananaginip na ako ay buhay pa?

Iisang tao lang ang makakatulong sakin masagot ang lahat ng katanungan ko. Hindi rin tatagal ay magkakaharap din kami bago magwakas ang kanyang munting paglalakbay.


















Samantha's POV

Ang kahapong saya ngayon ay naglaho na. Sana naging panaginip nalang lahat. Bakit ngayon pa? Bakit ngayon kung kailan akala ko magiging masaya na? Anong pagsubok na naman itong kahaharapin nya... Namin? Bakit may mga hadlang sa kasiyahang gustong matamasa ng bawat isa? Sana hindi pa huli ang lahat para sa kanila.

Nasa hospital kami ngayon. Matapos ang party noong nakaraang buwan bigla namang lumala ang karamdaman ni Gaymond. Lalo pang nawalan ako ng pag-asang dahil bigla nalang nagback out yung donor nya. Nalaman kasing may sakit ang donor nya. Kung gagawin ang operasyon... maaaring hindi maging successful ang kalalabasan ng operation.

"Hon?"

Napatingin ako sa taong tumawag sakin. Agad akong lumapit at yumakap sa kanya. Hindi ko na napigilang hindi maiyak habang nasa mga bisig nya.

"Ssshhh... Magiging maayos din ang lahat, Hon."

Pagpapagaan nya sa loob ko habang hinahaplos ang buhok ko.

"Bakit ba kasi nangyayari toh? Akala ko magiging masaya na ang lahat. Hon, ang tanga tanga ko."

Humahagugol kong saad sa kanya.


"Hon, Don't say that. God have his reason why things happened to be like this."

Saad nya at niyakap ako ng mahigpit.




"Everything will be just fine. Don't worry... Gaymond will fight this till the end."

Saad nya pa. Kumawala naman ako sa yakap nya at tumingin sa kanya. Pinunasan naman nya ang mga luha ko at ngumiti.

"Thank you at nasa tabi kita ngayon."

Pahayag ko.



"Hindi mo kailangang magpasalamat, Hon. Lagi mo lang tandaang nandito ako sa tabi mo. Palagi."

Sabi nya. Napangiti naman ako kahit na napakabigat na ng nararamdaman ko. Mabuti nalang at nasa tabi ko sya ngayong na ngagailangan ako ng makakapitan.






















Lavine's POV

Nasa tabi nya lang ako. Hinihintay ang paggising nya. Isang buwan na kaming nandito. Ilang linggo lang nakaraan, ang saya saya pa namin. Pero ngayon parang hindi ko matanggap ang nangyayari samin. Gustong kong may sisihin sa nangyari pero hindi ko alam kung sino ba dapat ang sisisihin ko. Gustong kong maging malakas para sa kanya pero nahihirapan na ako. Nahihirapan akong makitang nasasaktan sya dahil sa sakit nya. Sana ako nalang ang nasa kalagayan nya. Para kahit papano maibsan ko man ang paghihirap nya.

The Gay I'll Never ForgetWhere stories live. Discover now