Chapter 13

462 14 0
                                    

Gaymond's POV

Recess time na at sigurado akong kanina pa naghihintay sakin si Lav sa tambayan. May inasikaso pa kasi ako kaya ang sabi ko wag nalang akong hintayin. Kaya lang nagpumilit parin syang maghihintay sya kaya naman binibilisan ko ng tapusin tong mga ginagawa ko. Para naman hindi na sya maghintay pa ng mas matagal.

Pagkalipas ng ilang minuto sa wakas ay na tapos ko na din ang mga ginagawa kong research paper. Nagmadali na akong nagpunta sa tambayan namin at hindi nga ako nagkamali hinihintay nya pa rin ako.

"Kumain ka na ba?"

Tanong ko sa kanya. Nilingon nya naman ako saka ngumiti ng pagkatamis-tamis.

"Hindi pa... Gusto ko kasing kasabay kita."

Sagot nya sakin.

"Sana nauna ka nalang kumain... Mamaya kasalanan ko pa kung bakit ka hinimatay dito."

Saad ko sa kanya.

"Kaya ko pa namang maghintay."

Sabi nya sakin habang inaayos yung mga pagkain namin.

"Anong nangyari dyan?"

Nag-aalalang tanong ko sabay turo sa kamay nyang namamaga.

"Wag mo ng pansinin toh. Natapunan lang ng mainit na tubig kahapon."

Sagot naman nya. Sinabihan ko na sya ng ilang beses na dapat mag-ingat sya pero ano? Ganun pa rin lagi paring may sugat ang katawan nya. Ewan ko ba bat malalapitin sya sa kamalasan?

"Sa susunod pwede bang mag-ingat ka... Lagi ka nalang nasusugatan... Ano ba naman kasing ginawa mo sa mainit na tubig ha?!"

Tanong ko sa kanya.

Ngumiti naman sya sakin sabay tango.

Hinawakan ko naman ang kamay nya na may sugat. Kinuha ko naman ang ointment para ilagay sa sugat nya.

"Lagyan mo toh ng gamot mamayang gabi ok?"

Saad ko at nagsimula na kaming kumain. Bigla naman syang nagtanong na ikinataka ko.

"May ginawa ka ba kahapon Labz... Beside sa homework at activities meron ka?"

"Wala naman bakit?"

Tanong ko sa kanya.

"Wala lang naman na tanong ko lang."

Paliwanag nya sabay ngiti na naman... Ano kayang nakain neto?

Matapos namin kumain ay ako na mismo ang nagligpit ng mga pinagkainan namin. Sinadya kong wag munang ikwento sa kanya ang tungkol sa nangyari sakin kahapon... Saming dalawa ni Chard. Ayokong magalit si Labz sakin. Pati na rin sa gulong pinasukan ni Chard na ikinadamay ko. Ipapaalam ko naman pero hindi sa ngayon. Masyado pang magulo ang lahat para sakin.

The Gay I'll Never ForgetWhere stories live. Discover now