Finale

4.8K 298 85
                                    

This is the finale of Between Us. Thank you so much for reaching this far! 🌸

Mbs💀🌷
--

Graduation day na at maagang bumangon si Marydale dahil sabay ang graduation nila ng anak ng kanyang Tita pero magkaiba sila ng paaralan. Kailangan niyang ayusin ang mga kinakailangan nito at pati ang kanyang sarili.

Masaya na malungkot ang nararamdaman ngayon ni Marydale. Masaya dahil finally! Nagbunga na rin ang kanyang mga sakripisyo! Ang mawalay sa kanyang pinakamamahal na ina, na hindi niya pa muli nakikita ng personal halos apat na taon na ang nakakalipas at tanging sa video call o 'di kaya sa tawag niya lamang nakakausap. Ang pandidiskarte ng kahit ano para sa araw-araw na gastusin ay nagbunga na at ito nga ang kanyang graduation. Malungkot dahil sa isang masayang araw ng kanyang buhay ay hindi niya makakasama ang kanyang ina na inaalalayan niya ng kanyang nakamit.

Napabuntong hininga siya.

Napatayo na si Marydale at bago siya tuluyang umalis sa kanyang kwarto ay naisipan niyang icheck muna ang kanyang cellphone para mag text sa kanilang kapit bahay sa Camiguin na ipaalam sa kanyang ina na ngayon ay ang kanyang graduation.

-
Napapahid si Marydale ng kanyang mga luha. Sumakit ang dibdib sa tuwing naaalala niya ang kanyang ina. Namimiss niya na ito at sana'y makauwi siya sa kanil kahit sandali lang. Ngayong graduation niya ay hindi niya alam kung si Mrs. Baltazar ba ang kasama niya sa stage o ang mama ni Donato, pero naiisip niya pa lang ay nasasaktan na siya. Hay!

Napailing na lamang si Marydale at inisip na lamang na magiging okay rin ang lahat. Bahagi muli ito ng kanyang sakripisyo at sisiguraduhin niya na lang na pag grumaduate na siya ng kolehiyo ay kasama niya nang maglalakad sa entablado ang kanyang ina, ang kanyang pinag-aalayan ng lahat ng kanyang sakripisyo at kaakibat lang ito ng tagumpay na naghihintay sa kanya sa dulo.

Pagkatapos nga niyang magtext sa Camiguin ay bigla namang nag vibrate ang kanyang cellphone at mensahe ito mula kay Edward...

Edward: Hey, Happy graduation day Miss Entrata! I'll see you in school, okay? Dad's driving my car. Mag taxi ka na lang and refund ko na lang saiyo once nagkita na tayo. Cheer up for today, okay? I love you. 😗

Kahit papaano ay napangiti siya sa nabasang mensahe mula kay Edward. Gumaan ang kanyang pakiramdam.

Marydale: Okay Edward. Happy Graduation Day rin saiyo and finally! Sobrang happy kasi kasabay tayo! ❤ I love you too, Edward. See you mamaya! 😗

-
Pagkatapos niyang isend ang reply niya kay Edward ay inilagay na ni Marydale ang kanyang cellphone sa kanyang bag. Tinago niya ito ng mabuti dahil baka pag diskitahan na naman ng kanyang tita ang cellphone niya at ibenta tulad na lamang nang ginawa sa cellphone ni Donato.

Nagluto ng agahan, namalantsa, naghugas ng pinggan ang ginawa ni Marydale sa bahay ng kanyang tita bago niya asikasuhin ang sarili niya.

Isinuot niya na ang damit na susuotin niya bago ang toga. Bili ito ng mama ni Edward para sa kanya pasasalamat sa pagpupursige niyang suyuin si Edward para mag-aral. Nagpulbo siya at naglagay ng kaunting make up at naglagay ng maliit na ipit sa kanyang ulo. Simpleng simple dahil wala naman siyang pera mag paayos sa parlor.

"Pwede na 'to!" Nakangiting tugon ni Marydale sa sarili habang nasa harap siya ng salamin at napabuntong hininga siya, "Akalain mo nga naman, kinaya mo! Graduate kana ng high school, sipagan mo pa para makapagtapos ka ng college, okay?" Ani niya sa sarili at pinipigilan niya lamang hindi maiyak.

Palabas na siya ng bahay nila nang mag ring ang cellphone niya, at si Donato ito. Agad niya naman itong sinagot habang ni-lolock niya ang kanilang pinto sa bahay.

Between Us  (Us series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon