Episode 69

2.8K 203 90
                                    

September 28, 2010

5:01pm

**Edward was active 4 hours ago**

Marydale: Edward, nasaan kana? Alas singko na. Nasa convenience na ako.

Marydale: Nag text na rin ako sayo pero walang reply. Nasaan ka ba?

5:06pm

Marydale: Maghihintay ako until 6pm. Uuwi na ako kung wala ka pa. Mahirap makasakay ng jeep pauwi sa amin. Pinapaalam ko lang 😊

6:15pm

Marydale: May palugit na, wala pa rin. hehe Sige na nga 😊Uuwi na ako. 3 hours din iyon. hahahahaha 😂 Geh.

-

7:12pm

Nagring ang cellphone ni Marydale habang namamalantsa siya ng toga na gagamitin ng pinsan niya sa graduation nito.

Si Edward ang tumatawag...

"oh?" sagot niya

"Nasaan ka? Sorry talaga. Nakalimutan ko!" paliwanag ni Edward.

"Ay ganun? Nakauwi na ako dito sa bahay. Tsaka, pisong load nalang iyong tinext ko sayo kaya sa messenger ako nag message, free data ganun!" tumawa si Marydale.

"Shit sorry talaga. Hindi ko sinasadya. May pinuntahan lang ako and I have to meet my sister at iyong pamilya ko kaya ganun,sorry talaga."

Bumuntong hininga si Marydale, "Okay lang. Tsaka mas importante ang pamilya!" natatawang sabi niya at kahit papaano, nawala ang tampo niya sa pagpapahintay sa kanya ni Edward ng halos tatlong oras eh ininjan naman pala siya

"Kumain kana? Let's eat together?" tanong ni Edward.

"Ay naku, hindi pwede, busy ako kasi pinaplantsa ni Tita iyong gagamitin nilang suot sa graduation ng anak niya tsaka maraming trabaho sa bahay eh. Tutupiin ko pa ang mga nilabhan."

"Ah ganun ba, dalhan nalang kita ng food, okay lang? What do you want?"

"Seryoso? Naks! Sige ba, pizza na lang? Tsaka lasagna din?" natawa ng kaunti si Marydale

"Okay copy. Wait for me," sabi nito at agad pinatay ang tawag.

Napangiti naman si Marydale sa naging usapan nila ni Edward. Hindi niya maintindihan ang sarili niya at ganito na lamang ang nararamdaman niya't naiisip niya pa lang na makikita niya si Edward. Napagtanto niyang masaya pala ang ganito.

Maya't maya ay nakatanggap na siya ng mensahe mula kay Edward na nagsasabing nasa labas na ito at hinihintay siya. Agad siyang nagpaalam sa Tita niya na lalabas na muna siya at natapos na rin naman niya ang kanyang mga gawain, pumayag naman ito.

Lumabas siya ng bahay nila at agad naman bumungad sa kanya si Edward at may bitbit itong pizza box.

"Naks, seryoso talaga!" panimulang sabi niya

"Sino kasama mo pauwi?" si Edward

"Ako lang, mabuti nga at nakaabot ako sa jeep." natatawang sabi ni Marydale

"Hindi ka hinatid ng Donat mo?" simpleng tanong ni Edward pero napaangat naman ng tingin si Marydale sa kanya

"H--hindi. Niyaya niya akong mag meryenda pero sabi mo maghintay ako sa convenience, diba? Kaya ayun..." bahagyang ngumiti siya "Naghintay ako kahit wala man lang pasabi na pupunta ka o hindi kaya umuwi na lang ako,"

"About that, ang totoo magkasama kami ni Elizabeth. Nag-usap kami, tungkol sa amin at tungkol sa atin at nagkita rin talaga kami nila Mama kanina--"

Between Us  (Us series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon