Episode 49

2.5K 215 49
                                    

September 18, 2017

Bumalik si Edward sa rehearsal nila at andoon na si Marydale. Nailang siya nang makita ito lalo na't alam niyang isa siya sa mga dahilan kung bakit malungkot ito.

"Mag start na tayo," ani Marydale na iwas tingin kay Edward.

Lumapit si Edward sa kanya para gawin ang isang eksenang nagkita si Romeo at Juliet sa isang party. Unang pagkikita't bahagyang nagkagustuhan na ang mga karakter.

"Romeo," pag-angat ng kamay ni Edward kay Marydale upang makipag-kamay. Nag papakilala si Romeo kay Juliet sa eksena.

"J-Juliet." tumingin si Marydale sa mga mata ni Edward bilang Juliet at ngumiti ito, "W-Why are you here? Are you even invited?"

"I'm here to witness how dazzling a princess you are in person my lady," si Edward na umaakting bilang si Romeo, "And you are gorgeous, you are beautiful, I am in love." sabi niya inilapit ang sarili kay Juliet.

"How clever, Romeo!" pag-iwas ni Juliet at bahagyang pag tulak nito sa kanya, "You are not supposed to be here. If we are caught then it is the end of you, I am not allowed to talk to someone--"

"Cut!" pag sigaw ng director, "Okay na tayo sa scene na 'yan! Ganyan nga Class Rep! Saulohin mo iyong mga linya mo ng mabuti!" dagdag nito.

Tumango lang si Marydale upang umapruba sa sinabi ng kaklase. Kahit papaano'y bumabalik na ang kanyang sigla.

Nag iistand by na muna sila sa susunod na scene na gagawin. Busy si Marydale sa pag babasa ng kanyang script. Napatingin si Edward sa kanya na tila ba gustong lumapit sa kaibigan ngunit nag dadalawang isip ito.

"Miss Entr--" panimulang pag tawag na sana ni Edward nang magkalakas loob ito.

"Osige na! Next scene na!" Pag sigaw ng kanilang direktor.

Agad nilang ginawa ang susunod na eksenang nais ipagawa ng kanilang direktor at maayos naman nila itong nagawa. May ilangan pa rin na nangyayari sa pagitan ni Marydale at Edward pero tila iwas sila sa kanilang totoong estado at ginagampanan na lamang ang kani-kanilang karakter.

Pagkatapos ng kanilang umagahang rehearsal ay nag-ayos na muna ng buhok si Marydale dahil pawisan ito't dumidikit ang iilang piraso ng buhok niya sa kanyang mukha. Nang matapos na siya sa kanyang ginagawa ay akma na sana siyang lalabas ng theater house ngunit nakita niyang palapit sa kanya si Edward.

Sila na lang pala ang naiwan sa kwartong iyon.

"Miss Entrata, can we talk?" tanong niya

"M-may naghihintay sa'kin sa may gym, s-sasabay nga pala ako kay Donat ng lunch kaya pasensya na't hindi ako makakasama sa'yo ngayon." pagpapaalam nito

"Ah okay." simpleng tugon nito at kumibit-balikat na lamang ito, "S-sige." sabay talikod niya't maglalakad na sana paalis.

"Edward!" pag tawag ni Marydale sa nakaalitang kaibigan at agad naman siyang nilingon nito, "Saan ka kakain?" pagtatanong niya

"S-sa rooftop siguro. May pinadalang pagkain si Mama."

Napabuntong hininga si Marydale, "Ah okay, wait lang."

Kinuha ni Marydale ang kanyang cellphone at tinawagan si Donato. Nagpaalam itong hindi na lamang sasabay sa pananghalian dahil sa kailangan niya pa mag saulo ng mga linya sa play na totoo naman at sasabay nalang siya kay Edward para kumain at pumayag naman si Donato dahil may pa kain daw ang coach nila sa basketball para sa huling ensayo nila sa basketball ngayong araw.

"Tara sa roof top?" ani Marydale

Nabigla si Edward. "S--sasama ka sa'kin? P-paano si nguso?" tanong nito

"Asus! Kunyareng concern kay Donat!" sabay irap ni Marydale at natawa, "Gutom na ako! Tsaka kailangan natin mag ensayo sa play diba?" nakangiti niyang sabi

Napailing na lamang si Edward at bahagyang tumawa't sabay na silang umalis ni Marydale papuntang roof top.

--

8:07pm

**Edward is active now**

Marydale: Bahay na 😊 Salamat sa chocolates. hehe

Edward: Some says, chocolates help lessen anxiety. Eat that to calm you down. Okay?

Marydale: Asuuuuus Kuya Kim, ikaw ba 'yan? 😂😂😂

Edward: 🙄

Marydale: May pa less stress pa kasing nalalaman eh! 😂 Ang sabihin mo, peace offering to. Hahaha!

**Edward is typing**

**Edward is typing**

Marydale: Hoyyyyy ang haba ba niyan ha? 😅

**Edward is typing**

Edward: Peace offering? Bakit ako ang mag oooffer ng peace sa'yo? Eh ikaw 'tong nauna. Pinagmukha mo akong tanga sa convenience when you know for a fact na usually everyday naman tayo nagkikita dun, tapos ganun?! Ang hirap kasi sa'yo pag kasama mo si Donato, balewala na ako. You always keep denying your relationship with him, friends lang?! How about me? Friend mo rin naman ako ah?!

Marydale: HAAAAAAY

**Marydale is typing**

Marydale: Sorry Edwarddddooooo! Hindi ko sinasadya na hindi kita nasabihan! Sobrang nataranta ako nang makita ko si donat sa labas ng bahay eh! Baka makita siya ni Tita, diba? Hindi naman kasi si Donat katulad sayo na basta nalang kakatok sa bahay at magpapakilala sa tita ko! 😒 Pero seryoso, sorry talaga. Hindi na mauulit!

Edward: Dapat lang

Marydale: Pero dapat lang din, bawasan mo iyang pagkamasungit mo! Lagi ka nalang nagsusungit! 😣 Smile minsan dong 😁

Edward: Sus! Magsama kayo ni nguso!

Marydale: HAHAHAHAHA Pag nagsama kami, magagalit ka naman! SELOSO! 😂

Edward: So what?!

Edward: So what kung magselos ako?

Marydale: Ha?

Edward: Bilang kaibigan! 🙄🙄🙄

Marydale: Oo na! 😒 Medyo naninibago pa rin kasi ako. 3 years ko na kakilala si Donat, samantalang ikaw, mag three months palang! Pwede mag adjust muna, pogi?

Edward: Whatever. See you bukas sa convenience ha?!!!!! SUMIPOT KA!

Marydale: OO NA! 😒😒😒😒 WAG KA MA LATE AH!

Edward: geh..Laro muna ako

Marydale: Okay. Matalo ka sana. HAHAHA

Edward: Anong sabi mo?

Marydale: Hahahaha basahin mo ulit tinype ko no! Di marunong magbasa? 😂

Marydale: Laro laro pa kasi! Nag-uusap pa nga 🙄

Seen
8:32pm

Edward: May dala akong pagkain, labas ka sainyo.

Marydale: HOY! Seryoso?!

Edward: Yup.

Marydale: Okay! Tamang tama, hindi pa ako nakakapag mid night snack 😂 Joke. Palabas na. 😊😊

-
11:04pm

Marydale: Good night Edward. Thank you ulit 😊 See you bukas sa CONVENIENCE. 😊

Edward: I'll wait for you Miss Entrata.

Edward: Good night. 💤

Between Us  (Us series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon