Episode 63

2.9K 250 79
                                    

September 26,2017

5:28pm

"Edward!" agad bati ni Laura sa kapatid nitong si Edward ilang hakbang pa lamang nito sa arrival area, agad niyang niyakap ang kanyang kapatid na matagal na niyang hindi nakikita.

Sa Germany nag-aaral si Laura sa kursong Chemistry at balak nitong maging guro sa field na ito at maging Chemist na rin.

"Si Dad?" tanong ni Edward sa kapatid

"He's in the baggage area getting out things," nakangising tugon ni Laura, "Dad and I has a surprise on you! For sure you'll be really happy!"

"Aside from you and Dad coming home, another surprise for me? Anong meron?"

"OMG! Here they are!" si Laura at hindi na nagawang sagutin ang tanong ni Edward at agad niyang tinabunan ang mata ni Edward

"What is this all about?! Masakit ah!" reklamo ni Edward lalo na't mariin na tinatabunan ng kanyang ate ang mata niya.

"Lovey!" biglang may yumakap sa kanya nang mahigpit.

Napadilat agad si Edward sa kanyang mga mata at bumungad sa kanya si Elizabeth, ang kanyang nobya, noon.

Nagulat na lamang siya, hindi niya inaasahan ang nakikita.

---

9:03pm

**Marydale was active 38 minutes ago**

Edward: Been trying to call you, guess you're asleep now. Gising ka muna Miss Entrata.

Edward: I thought this day would turn out just the way I imagined it.

Edward: I need someone to talk to now, Miss Entrata. Gising ka muna please?

Edward: Dad and Laura are here, masaya na sana kaso Elizabeth's also here at kasama namin siya nagdinner. She'll be staying in our house as long as she's here dahil wala na silang bahay dito. She said she only have enough money dahil ginastos niya na pagbalik niya dito kaya walang pang hotel. I told her I can pay for her hotel yet dad insisted na dito nalang sa bahay kasi para di na makagastos 😒

Edward: Don't worry. I'll protect you from her, okay?

9:12pm

Edward: Bakit naman ang aga mo natulog? Gusto kong kausap huy gising na muna

Edward: Hindi ko alam talaga kung magiging masaya ka. Pero sana maniwala ka sa akin na totoo lahat nang sinabi ko sa'yo even before, okay?

Edward: I miss you 🙂 Good night na.

--

**Marydale is active now**

**Edward was active 20 minutes ago**

9:39pm

Marydale: Huy!

Marydale: Hindi lang online, tulog na agad? Hindi ba pwedeng may ginagawa lang? 😂

Marydale: Mag online kana, mag-usap tayo 😊 Naghahanap ka kausap diba? Dito na me. 😊

Marydale: Tsaka, maging masaya ka hoy! Kasama mo Daddy mo at Ate mo kaya complete family kayo! Super effort nun ng daddy at ate mo na umuwi sila para sa graduation mo ❤

Marydale: Tsaka, hindi na ako nababahala kay Mam Liza, kasi sabi mo nga, ikaw na bahala diba? Tsaka, wag mo siya awayin, effort din na galing america siya tapos umuwi talaga siya, diba? 😊 Think positive, pogi! 😋

**Edward is active now**

Seen
9:42pm

Edward: Hay badtrip ka rin talaga at nakaalis na ako.

Marydale: Bakit? Saan ka ba?

Edward: I was outside your house, umalis na tuloy ako. 😑

Marydale: Ay ganun? Edi hindi meant to be. 😂

Edward: Gusto mo rin naman 🙄

Marydale: 😂😂😂

Marydale: Saan kana?

Edward: Dito sa bar, maglalasing ako

Marydale: Buang ka? Lasing ka diyan!

Marydale: Punta ka nalang dito? 🙂

Edward: Pwede?

Marydale: Kahit hindi naman pwede, ginagawa mong pwede eh, nahiya ka pa? 🙄🙄

Edward: Okay. Anong gusto mong food?

Marydale: YEEEEEHEY!!!

Marydale: Pizzaaaa!! 😍😍

Edward: I'll be there in 15 minutes kung walang traffic 😎

Marydale: Thank you 😆

Marydale: Maghihintay ako 😊

-
Nang dumating na si Edward ay nasa kanto na mismo si Marydale ng kanilang eskinita at namataan niyang naghihintay nga sa kanya ang dalaga. Hindi niya maiwasang mapangiti sa nakikita.

"Up for somewhere?" tanong agad ni Edward nang sunduin niya mismo si Marydale sa kinatatayuan nito.

"Somewhere? Baka anywhere?" natawang tugon ni Marydale, "Nagpaalam ako kay Tita na mag papart time ako gawa nang kinuha niya nga iyong pera para kay Nanay kaya ayun pumayag!" kuwento niya

"May part time ka? Where?"

Umiling ito, "Wala. Sa'yo ako mag papart time ngayon! You need a friend, right? Then, here I am! Libre!" masayang itinuro ni Marydale ang sarili

Napaismid si Edward, "Friend? Not really! I need a girlfriend," mariing tugon nito habang nakatingin lamang sa mga mata ng dalaga.

Napanguso at napakunot naman ang noo ni Marydale, "Edward?" sambit nito.

"Joke lang." sabay irap ng binata, "Tara na nga!" at tumungo na silang dalawa sa sasakyan nito.

"Saan tayo pupuntang dalawa?" tanong ni Marydale nang mapansin nito na kanina pa sila bumabyahe.

"Somewhere far!" napatingin si Edward kay Marydale, "Itatanan kita!" dagdag niya

Namilog naman ang mata ni Marydale, "Buang ka talaga! Tanan ka diyan!"

"Stay with me, let's rule the world,Miss Entrata." ngumiti ng nakakaloko si Edward at binilisan ang pagmamaneho.

Napakapit na lamang si Marydale sa kanyang upuan. Ano na?!

Between Us  (Us series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon