Episode 31

2.4K 193 72
                                    

**Marydale is online**

September 7, 2017
6:13pm

Donato: Practice break namin Miridil

Donato: Bakit wala ka sa mood buong araw?

Donato: Napapansin kita, hindi ka man lang pumapalag sa mga pang-aasar sa'yo ng mga kaklase natin.

Marydale: Kailan nga ang game mo donat?

Donato: Bukas, attend ka ah? 1pm 😊

Marydale: Oo naman! Ako naman ata ang number one cheer leader mo doon diba? 😂

Donato: NAMAN! Mawala na lahat ng cheerers ko, wag lang ikaw 😂

Donato: Pero bakit ka nga muna malungkot?

Marydale: Hindi naman ah!

Donato: Miridil, nakita nga kita kanina bago ako pumunta ng gym na matamlay ka. Bakit nga?

Marydale: Pagod lang ako sa practice ng play namin. Nood ka ah?

**Donato is typing**

Donato: Oo naman, kailan ba ako nawala sa mga ganyan mo sa buhay? 😂 PERO SERYOSO NGA, BAKIT KA MALUNGKOT? MAY UMAWAY BA SA MIRIDIL KO?! SINO?! SI DIVINA BA?! BABALATAN KO TALAGA ANG MANGGANG IYON!

Marydale: OA ang capslock! 🙄

Donato: Eh para kitang kita mo! Nililihis mo usapan eh. Sige na tell me, nag woworry na ako oh! 😭

Seen
6:21pm

Marydale: Si Edward kasi, absent na naman :'(

Marydale: Tatlong araw na. Hinahanap na siya ni Mrs. Baltazar sa'kin 😭 Nag-aalala na rin ako dun. Baka tuluyan na hindi pumasok iyon, tinopak na naman ata.

Marydale: Pinuntahan ko na sa bahay nila pero ang sabi wala daw at may pinupuntahan. Di ko ma tsempohan. Balak ko nga puntahan bukas sa kanila ulit

Marydale: pero manonood ako ng basketball game mo, promise yan, 😊

Seen
6:24pm

**Donato is typing**

Donato: Pabebe din talaga ang taong-noo na iyon eh! Kahit kailan paimportante! Hayaan mo na nga iyon, h'wag mo na isipin iyon! Kakausapin ko si Mrs. Baltazar at h'wag ka ipressure about dun at sa scholarship mo! Irereklamo ko na siya kay Dean, trabaho niya na naman iyon!

Marydale: Grabeh ka kay Edward 😒 Anong taong noo ka diyan

Marydale: Kahit pa hindi nakasalalay ang scholarship ko, gusto ko pa rin tulungan si Edward. Kaibigan ko na rin naman ang tao kahit na isang buwan ko pa lang siya totoong nakilala eh kahit na classmate natin siya this year

Donato: Asus! Ayan kana naman! Binibida mo na naman si Edward! Nakakaselos! 😭💔

Marydale: Selos ka diyan! 😒

Donato: Pero seryoso Miridil, hindi mo na problema kung ayaw pumasok ng taong iyon! Okay? Focus ka na lang sa trabaho mo as Class rep. Okay?

Marydale: Basta hahanapin ko na muna si Edward. Baka ano na naman nangyari dun.

Donato: Topakin na talaga ang Edward na iyon kahit noon pa man! Tsaka, heartbroken daw iyong Noo na iyon eh, iyong taong jowa ata niya iniwan siya kaya ayan madrama! Tss

Marydale: EH? Dahil lang sa jowa?! Dahil lang sa naiwan ng jojowa sisirain niya ang future niya?!

Donato: Aba malay ko ba? Hindi pa naman ako naiiwan ng jowa eh,

Donato: wag mo ko iwan my love ha?

Donato: *Gumulong*

Marydale: HAY NAKU! Pabida kana naman sa pagiging basketball varsity mo! Galing mambola eh 😂

Donato: Nambobola ako?

Donato: 3 taon na nga ako pasimpleng pa cute sa'yo eh 😂 Pero, I can wait.

Marydale: Grabeeeeh!

Marydale: Sabi ko naman sa'yo tatanda akong dalaga diba? 😂

Marydale: Sayang kagwapuhan mo, bahala ka 😂

Donato: Edi it's a tie. 😂

Donato: Pero seryoso, wag kana mag-alala sa Edward na iyon, okay? Gagawan natin ng paraan iyan :) Cheer up!

Donato: I hope I made you feel better.

Donato: Practice na kami, Miridil 😘

Marydale: Hay, okay! Mag-ingat ka sa practice. Good luck na rin bukas! See you! 😊❤

Between Us  (Us series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon