Episode 51

2.4K 214 59
                                    

September 19, 2017
7:12am

"Miridil!" Si Donato ito na nakaabang sa entrance ng theater hall.

Naglalakad si Edward at Marydale papuntang theater hall nang tumawag si Donato. Napukaw naman agad ang atensyon ni Marydale sa pagtawag sa kanya ni Donato kaya agad itong kumaway kay Donato at nakangising pinuntahan ang naghihintay sa entrance.

"Donat! Naks ah, ang aga!" Si Marydale.

Nasa likuran lamang si Edward na walang planong umalis at naghihintay lang na matapos ang pag-uusap ng dalawa.

"Syempre naman! Gusto ko talagang mag good luck ng personal sa Miridil ko eh, galingan mo ah! Pag kinabahan ka, tingnan mo ako sa likuran dahil andoon ako. Papalakpakan kita. Okay?"

Napangiti si Marydale sa narinig mula kay Donato. "Salamat naman Donat! For sure, hahanapin kita sa audience mamaya." Aniya

Lumawak ang ngiti ni Donato, "Naman Miridil! Ako pa ba? Number one supporter mo ako, remember?"

"Oo naman." Ngising tugon ni Marydale sa kaibigan

"Ehem!" Napatakham si Edward, "Tinatawag na tayo sa loob, nasaan na raw ang dalawang bida." Aniya habang nakatingin kay Marydale.

"E--eh, talaga? Naku paano ba iyan Donat. Kailangan na namin pumasok si Edward." Ani Marydale

"Sige! Mga bilin ko ha? Hug na nga!" Si Donato na ngising ngisi.

"Juliet, tara na daw tawag tayo ni Direk." Sabay hila ni Edward kay Marydale

Walang nagawa si Donato dahil na rin sa biglaang paghila ni Edward kay Marydale.

"Hoy grabeh siya! Hindi pa nga kami tapos mag-usap ni Donat!" Nakangusong tugon ni Marydale

"Maglalandian pa kayo sa harap ko eh. Nakalimutan mo rin ata na may naghihintay sa'yo, no?" Taas kilay na tugon ni Edward

"Landian talaga? Kung makaparatang." Napabuntong hininga siya, "Nasaan na iyong mga kasama natin? Bakit wala pa ata si direk?"

"Wala pa talaga." Simpleng tugon ni Edward sabay lapag niya ng gamit nila ni Marydale na kanina niya pa bitbit sa isang paper bag. Bitbit niya rin ang pinamiling snacks para sa kanilang dalawa.

"Eh? Bakit sabi mo hinahanap na tayo?"

"Trip ko lang."

"Edward talaga! Kaunti nalang macoconvince na ako sa pagseselos mong iyan." Sabay nakakalokong ngiti ni Marydale kay Edward na tila nangaasar talaga.

"Geez. Go assume all you want, baka tama ka." Pasimpleng responde nito

"Imposible!" Natawa si Marydale, "Ganda ni Mam Elizabeth, yeee!"

"Mag practice na tayo dahil pag nagkamali ka, ililibre mo 'ko for a lifetime!" Ani Edward

"Hoy grabeh ka!" Napanguso, "Lifetime ka pa diyan. Wala namang ganun eh!" Reklamo ni Marydale pero natawa na rin ito

Bumuntong hininga si Edward, "Meron and don't try to argue against me. I'll end up proving it up to you." Sabay bahagyang ngiti nito kay Marydale

Napatingin si Marydale kay Edward at napahinto ito sa pagaayos ng kanyang script.

"Mag script reading na tayo habang wala pa sila, let's do our best. Okay?"

Napatango agad si Marydale at hindi na lamang napaimik. Naalala niya bigla ang nasabi sa kanya ni Donato noong nakaraang araw dahilan nang pagkakabagabag niya na nangiilang araw. Ayaw niyang maniwala pero may parte na sa kanyang sariling gusto na itong maniwala.

"Hindi pwede. Imposible!" Tugon nito sa sarili

"Ang alin, Miss Entrata?! Kailangan natin ayusin kundi nganga ang grade natin diba?! Nababaliw kana naman!" Napailing na lamang si Edward habang napadako na ang atensyon sa kanyang script at palihim na natawa.

Between Us  (Us series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon