Episode 61

2.6K 214 75
                                    

September 25, 2017

Dug dug dug...

Ang lakas ng kabog ng puso ni Marydale. Nanginginig na naman ang kanyang kamay sa sobrang kaba. Hindi niya alam pero ngayon lamang siya nakaranas ng ganitong klaseng kaba. Ang pagtibok ng kanyang puso ay tila nagiging abnormal na't hindi niya na maintindihan.

Bakit siya ganito simula nung magtapat sa kanya si Edward? Nakakaramdam siya ng kiliti sa iniisip niya pa lang na magkikita ulit sila ngayon ngunit nakakaramdam rin siya ng hiya ngayong magkikita na nga sila?!

Nababaliw na ata siya! Hindi niya makalma ang sariling puso. Nabubuang na rin ata!

Imposible talaga! Erase! Erase! Ani niya sa sarili.

"Hoy Marydale, hindi mo ba sisiputin si Edward at may importante daw sasabihin sa'yo? Mahiya ka naman sa bisita kanina pa iyon naghihintay sa sala!" Ang tita niya't pinasok na siya mismo sa kwarto nito.

Namilog ang mata ni Marydale sa narinig. "P--po? Nasa sala po siya?" Gulat na tanong ni Marydale. Hindi niya inaasahan papasok si Edward mismo sa bahay nila.

Kumunot ang noo ng Tita niya, "Oo at kanina pa iyon, sige na kausapin mo na at iyong dalang pagkain niya ilagay mo sa ref, okay? Bukas nalang namin kakainin iyon. Pagkatapos niyong mag-usap, isarado mo nang mabuti ang pinto at matulog kana at gumising ng maaga. Mag adobo ka para ulam namin pang-agahan bukas. Intindi?" Pagbilin ng tita niya

"O--opo tita."

"Syanga pala, kailangan ko ng pera bukas, dalawang libo. Alam kong may naitatabi ka diyan, ipahiram mo muna sa akin iyan at kailangan ng pambayad sa final exam ang pinsan mo. Umutang kana lang muna kay Edward." Tugon nito at nabigla naman si Marydale sa narinig.

"P--pero tita? Iyong pera ko po para po iyon sa gamot ni Mama eh. Tsaka---"

"Heto na naman tayo Marydale! Paulit-ulit! Basta bukas ng umaga kailangan ko iyong dalawang libo ha. Pasalamat ka at nakakatipid ka ng tirahan dito kamo at isipin mo na kung nagpaiwan at lumagi ka sa probinsya, ewan ko lang kung anong mararating mo! Sige na! Lumabas kana!" Bahagya pa siyang tinulak ng tita niya.

Napabuntong hininga na lamang si Marydale. Lahat ng iba't-ibang emosyong naramdaman niya kanina'y naglaho at ngayon ay napalitan na ng sama ng loob.

Bumuntong hininga na lamang siya muli siya at lumabas ng kanyang kwarto para harapin si Edward.

"Hindi mo na talaga dapat ginawa 'to." Sabi niya nang hinarap niya ang binata na nakatingin na sa kanya.

"I can't help it. Sa labas nalang tayo mag-usap?" Tanong ni Edward.

Tumango lang si Marydale sa sinabi ni Edward at lumabas siya ng bahay at hindi niya maiwasang maging matamlay.

Dalawang libo? Ang 1500 sana nun ay ipapadala niya sa kanyang ina dahil sa paubos na ang gamot nito at ang 500 ay gagawin niyang baon sa natitirang mga araw bago ang graduation. Pero sa narinig niya kanina sa tita niya ay nanlumo at tila bumagsak ang kanyang mundo. Ilang araw na siyang walang part time dahil naging busy siya sa naging play nila at ngayong linggo naman ay may practice sila sa graduation nila na hindi pwedeng umabsent dahil hindi makakamartsa ang sino mang liliban sa ensayo sabi ni Mrs. Baltazar.

"Bakit nag abala ka pa? Gumastos kana naman para sa pansuhol sa tita ko tuloy! Pwede naman ipagbukas." Tugon ni Marydale at napasandal siya sa may pader. Mabigat ang pakiramdam niya.


"Well, I just made an excuse to see you." Direktang tugon ng binata.

Hindi maiwasang mapatingin ni Marydale kay Edward. Medyo madilim ang paligid pero naaaninag niya si Edward dahil na rin sa kaunting ilaw na nagmula sa mga bahay na nakapalibot at ng buwan.

Between Us  (Us series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon