Episode 60

2.8K 240 69
                                    

September 25, 2017

6:01am

Edward: Good morning, gising na.

Edward: Nasa labas ako ng bahay niyo. Pero I won't disturb you. Take your time Miss Entrata, dito lang ako. I'll PATIENTLY wait. 😊

**Marydale is active now**

Seen
6:23am

6:46am

Edward: Grabe seen zoned.

Edward: Malapit na 7am, should I fetch you, sa bahay niyo mismo?

Seen
6:47am

Marydale: Palabas na, nag aayos lang ng gamit. Wait ka lang diyan ok

Edward: Okay

Edward: Glad you chose to reply. Hindi na kita inistorbo ng dalawang araw, ngayon ulit, Miss Entrata.

Marydale: Anong ngayon ulit?!!!

Edward: Geezzz

Edward: I meant, nagparamdam sayo.

Edward: Are you thinking of something?

Edward: Last friday, maybe? 😏

Marydale: 😑

Marydale: wala oy! Malay ko ba baka busy ka

Edward: Sus. Sige na labas kana diyan. 😊

-
Napasinghap naman ng isang malalim na paghinga si Marydale bago niya buksan ang pintuan ng bahay. Kinakabahan siya. Naiisip niya pa lang na magkikita muli si Edward matapos ng mga nangyari noong biyernes ay hindi na siya mapakali.

Hindi niya na alam ang gagawin niya at hindi niya rin lubos maisip kung ano ang magiging pagbati niya kay Edward pag nagkita na muli sila.

Bahala na wika ni Marydale sa kanyang sarili. Bahala na talaga at binuksan niya na ang pinto at lumabas na ito ng bahay.

Sobrang nagwawala ang puso niya ngayon. Pakiramdam niya'y kakapusin na siya ng hangin sa kaba na nararamdaman niya.

Aaminin niya, nagtaka siya sa hindi pag paparamdam ni Edward sa buong weekend. Matapos ng naging pag-uusap at mga nangyari noong biyernes ng gabi ay hindi nga nagparamdam si Edward. Walang text, call at higit sa lahat, wala ding message sa messenger at pati pag online sa facebook ay hindi ito ginawa.

Nakuwestyon niya ang mga nangyari noong gabi. Akala niya pinagtripan lang siya ni Edward nang gabing iyon. Pero, hindi. Nakaramdam siya ng saya sa puso niya nang makita niya sa notification niya ang mensahe ni Edward kaninang umaga at ngayon nga ay magkikita silang dalawa.

Dug dug dug Ang lakas talaga ng tibok ng puso niya. Pakiramdam niya'y sa tuwing palapit nang palapit siya sa lagusan ng eskinita kung saan naghihintay si Edward ay literal nang tatalon ang puso niya sa kanyang dibdib. Ganoon katindi ang lakas nito.

Kumalma ka Marydale! Ani niya sa sarili nang palabas na siya sa lagusan at noong nakalabas na nga siya'y nakita niya agad si Edward na nakasandal sa sasakyan nito.

"S--sorry natagalan." Nauutal na tugon ni Marydale. Pinilit niya ang sariling tingnan si Edward sa mata nang magsalita siya ngunit agad niya rin itong iniwas, nailang siya.

"Have you eaten?" Tanong ni Edward. Wala namang kakaiba sa mga kinikilos nito.

"S--sa school na lang tayo kumain. Late na rin naman kasi. Mag papapirma pa tayo sa clearance natin diba?" Sagot ni Marydale.

Bumuntong hininga naman si Edward at tumango ng iilang beses. "Ikaw bahala, let's go then. Just that, Donato might butt in again, itsyapwera na naman ako." Aniya.

Napatingin muli si Marydale kay Edward. Sa pagkakataong ito ay hindi siya nakaramdam ng hiya bagkus gusto niyang kilatasin ang reaksyon ni Edward patungkol kay Donato.

"A--alam ni Donat ang tungkol doon sa babala ni Mam Liza, sinabi ko sa kanya," sabi ni Marydale at nagiwas tingin na ito.

"Tsss," napaismid si Edward, "I know. Galit nga si nguso sa akin eh and I've told him the side of my truth already. Wala na akong gusto kay Elizabeth. We're already reach the end of our story. Tapos na." Mariing tugon ni Edward.

"Wala na? A--akala ko ba, hindi mo siya minahal?" Napatitig si Marydale kay Edward. Tila may kinukumpirma ito at pansin naman ito ni Edward.

"Like is different from Love, Marydale." Simpleng paliwanag ni Edward.

Napatango naman si Marydale na tila may napagtanto, "Like and Love?" Pagsambit patanong ni Marydale na tila nag-iisip ito at napangiti, "Oo nga naman! Magkaiba ang dalawang word na'yon. Gets ko na!" Masayang sambit ni Marydale.

"Ang weird mo," napalingo na lamang si Edward.

"Wala! May naisip lang ako. Tsaka, h'wag kana mag-alala. Okay? Kakausapin ko na lang ulit si Donat na nakapag-usap na tayo at nakumbinsi ko na ang sarili ko na hindi ako kailangan matakot kay Mam Elizabeth kasi wala---"

"Ang ingay mo. Gutom ka ba? Kain na muna tayo? Wala namang pasok eh. C'mon, gutom na ako." Reklamo ni Edward

Napatingin naman si Marydale sa kanyang relo at bumuntong hininga. "Sige na nga!" Sabi nito at ngumiti nang napakalawak.

Nawala ang ilang na nararamdaman niya kay Edward. Gusto...mahal, magkaiba nga naman iyon.

6:03pm

**Marydale was active 5 minutes ago**

Edward: Saan ka na?

Marydale: Sa taxi pa. Pinasakay ako ni Donat, h'wag ka mag-alala😊

Edward: Dapat lang! 😤

Marydale: Highblood na naman. Nagpaalam naman ako sayo na aalis ako kasama si Donat diba? 😑

Edward: That guy is really getting into my nerves! Ikaw naman, wala ka na namang pake! Iniwan mo ko sa school!

Marydale: Kung sinasama ka, ayaw mo naman! Tapos, ngayon magagalit?!

Edward: I can't help it 😠

Marydale: Itulog mo na nga lang iyan 😑

**Edward is typing**

Edward: Just because you don't feel the same way means you'd treat me like this Miss Entrata! I'm going crazy and here you are acting all insensitive again.

Marydale: Ano na naman ba? Nagsusungit kana naman.

Edward: I'm dying in jealousy, can't you sense? Galit ka pa!

Marydale: Edward naman!!

Edward: Ewan ko sayo

Marydale: Edward, naiintindihan ko naman sadyang ano ba magagawa ko? 😔

Seen
6:23pm

6:38pm

Marydale: Seen zoned bai. 😏

Marydale: Huyyyyy!! Bakit naman kasi magseselos kay Donat?! 😢 Kaibigan ko iyon.

Marydale: Edward naman eh huy

07:07pm

Edward: Get out of your house. Nasa labas ako, let's talk.

Marydale:  Nandito na sila Tita oy!!!

Marydale: Gets ko naman na nagseselos ka kay Donat pero alangan naman iwasan ko iyon eh kaibigan ko iyon?!

Edward: Labas na diyan, isa.

Marydale: Kung mainit iyang ulo mo, then wag na.

Edward: Labas na kasi. Dalawa.

Marydale: Edward?!

--

7:11pm

"Maymay, andito si Edward. Hinahanap ka." Pagtawag ng Tita ni Marydale.

Bumuntong hininga si Marydale. Nakaramdam na naman siya ng kaba sa dibdib.

Between Us  (Us series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon