Episode 59

2.5K 277 137
                                    

Napaupo si Marydale sa kanyang kama. Hindi siya makapaniwala sa mga nangyari ng maisipan niyang umalis para kitain si Edward.

Anong nangyari? Jusko po! Napatanong siya sa kanyang sarili.

Kanina ay hindi niya inaasahang nasa labas lang pala si Edward na inaakala niyang nasa convenience. Nag-aalala siya dahil sa mga pinag sesend na mensahe ng kanyang kaibigan kaya nagpaalam kaagad siya sa kanyang tita na may importante siyang pupuntahan at natapos niya na rin naman ang pagluluto ng hapunan nila kaya pinayagan naman siya.


Natakot man siyang maglakad at umalis ng bahay na nag-iisa at gabi na ay naglakas loob siyang umalis pa rin. Habang naglalakad na siya sa makipot at madilim na eskinita ay bigla ngang may humila sa kanya at niyakap siya. Akala niya kung sinong tambay o 'di kaya masamang tao ang humila't yumakap sa kanya pero nakumpirma niyang si Edward ito nang magsalita ito.

"Y--you came..." sambit ni Edward.

Naging mahigpit ang pagyakap ni Edward sa kanya na tila naramdaman ni Marydale ang galak nito nang makita siyang lumabas ng bahay para puntahan ito.

"Edward?" Pagsambit niya ng pangalan ng binatang nakayakap pa rin sa kanya.

Madilim ang paligid ng eskinitang kinaroroonan nila kung kaya't tanging ang amoy ng perfume ng binata na madalas niyang naaamoy sa tuwing kasama niya ito ang mas naka pagkumpirma sa kanya na si Edward nga talaga ito na hinahayaan niyang yumakap sa kanya.

"E--Edward, may problema ba?" Naglakas loob siyang nagtanong.

"I've been thinking a lot lately, I kept on asking why and what is happening to me but I'm not really sure myself..." mas niyakap pa ni Edward si Marydale.

"Edward, hindi kita maintindihan,"

"I've been feeling a lot of emotions when I met you. I feel happy whenever I'm with you, angry whenever you tend to make me one, worried whenever you aren't by my side and jealous whenever you're smiling with him. Hindi ko maintindihan, it's driving me nuts..."

"E--Edward? May problema ka ba? Anong sinasabi mo?" Nakaramdam ng kaba si Marydale sa mga naririnig mula kay Edward.

Naiintindihan niya na pero totoo nga ba itong pinapahiwatig niya? Gusto niyang paniwalain ang sarili sa narinig ngunit hindi pa rin siya makapaniwala.

Totoo ba talaga ito?

"I---I like you, gusto kita." Pagbulong ni Edward kay Marydale.

-
Napahiga si Marydale sa kanyang kama at sobrang lakas ng kabog ng kanyang puso. Napapikit siya pero napadilat naman agad at napahawak siya sa kanyang mga labi.

Hindi niya alam, ang bilis ng mga nangyari.

Bigla namang tumunog ang messenger tone ng kanyang cellphone...

September 22, 2017

9:48pm

Edward: Good night, Miss Entrata. ❤

-
Agad siyang napasara ng cellphone niya at napatabon na lamang siya ng unan at ipinilit ang sariling mapapikit at matulog.

Kyaaaaaa!!!

-
Thank you sainyo. Follow me on twitter @ missblackbungo for stories update schedules and chikahan. Wala lang. Hahaha ❤

Between Us  (Us series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon