Episode 64

2.8K 275 118
                                    

Napahinga ng maluwag si Marydale nang huminto sila. Nasa isang park sila ngayon.

"Tara?" si Edward at nakatingin ito sa kanya at nakangisi, "Sasama ka naman diba?"

Napatingin sa kanya si Marydale at bumuntong hininga, "Hindi pa ba pagsama ko saiyo itong ginagawa ko ngayon?" napanguso siya at pabirong umirap at bumaba na ng sasakyan.

Agad umupo si Marydale sa isang duyan at napatingin sa kawalan. Bigla niyang naramdaman ang presensya ni Edward sa kanyang likuran at mahinang siyang tinutulak para iduyan.

"Masaya lang talaga pag ganito, right?" Pagsasalita ni Edward.

Tumango naman si Marydale. "Kung pwede iduyan ko na lang ang sarili ko pabalik ng Camiguin eh,"

Napatigil naman si Edward sa pagduyan kay Marydale at napaupo ito sa katabing duyan.

"Mukhang may ibang hugot ka Miss Entrata ah," pagsabi ni Edward, "Tell me, I might be a great help to release your sentiments."

Napailing ang dalaga. "W-wala naman, marami lang akong iniisip. Pakiramdam ko kasi sobrang ambisyosa ko. Nag-iisip ako kung tama bang pakinggan ko na lang ang mga sinasabi nila Tita, h'wag ipilit ang hindi kaya," malungkot na tugon ni Marydale.


"Do you dream of becoming a mermaid? To replace wonder woman? Be darna?" Ani Edward at napatingin si Marydale sa kanya, "I'll probably knock you down kung iyan ang mga ginugusto mo sa buhay, umulan ng pera? That's all impossible Miss Entrata, ako na magsasabi." he laughed, "Pero kung gusto mo lang naman mag-aral, makapag trabaho and have a good life then it's not impossible at all. It will be hard but you can make it."


Natawa si Marydale, "Grabeh! Sinong mag-aakala na ang masungit at minsan naging dahilan na muntik na hindi ako makagraduate ay nagbibigay nang nakakaiyak na mensahe?" ngumiti siya at napatingala, "Sinong mag-aakalang magiging magkaibigan tayo?" natawa siya ng bahagya.


Napaismid si Edward sa narinig, "More like, sinong mag-aakalang magkakagusto ako sa isang katulad mo? Annoying, maarte, suplada, oa at higit sa lahat, iyakin!" pang-aasar ng binata

Napakunot ng noo niya si Marydale at napatingin siya kay Edward. Bumusangot ito at napanguso sa narinig, "P--pero bakit ako? Sa mga sinabi mo, bakit ako?"


Nagkalakas na siya ng loob para magtanong.


"Bakit nga ba ikaw?" pagtanong ni Edward, "I don't know. Just that, I've been comfortable with you. I guess love really works in mysterious way, you know?" napakindat siya sa dalaga

Natawa muli si Marydale, "Ang corny mo pala kung ganun," natawa ulit siya, "Napapatanong talaga ako kung bakit. Hindi ko maiwasan iyon Edward, anong maipagmamalaki ko sa sarili ko? Parang pasanin lang naman ako eh, malas ako." bumuntong hininga siya


"Malas? Really? Then why do I feel lucky enough just to be with you right now? Hindi mo pansin, but you inspired me in many ways. Hindi ko lang talaga maintindihan but I feel safe whenever I'm near you. Masaya ako pag nakikita kitang masaya. You deserve the Universe Marydale but right now, I'm just going to give you the world. In time, I'd offer the universe to you. Can you wait a bit?"

Ngumiti si Marydale, "Grabeh, pero salamat ha? Sa maikling panahon naging sandalan rin talaga kita." tanging nasabi niya.

Napabuntong hininga si Edward. "are you confused?"

"Confused saan?"

"Your feelings, towards...me."

Napayuko nang bahagya si Marydale. Bigla siyang naging concious sa sarili niya. Hindi niya alam ang sasabihin niya kay Edward.

Nakailang minuto rin siguro ang nakalipas bago siya magkaroon ng lakas ng loob para magsalita, "S--siguro?" nagkibit balikat siya, "Hindi ko alam kung paano ko hahayaan mag desisyon ang sarili ko. Minsan naniniwala ako, madalas, hindi." napaangat ang tingin niya sa langit, "Nakakatakot,"


"Is it because of your donat?" pagdirekta ni Edward, "I---I understand, just that---"

"Hindi!" agarang pagtutol ang minungkahi ni Marydale sa binitiwang mga salita ni Edward, "H--hindi, Edward. H--hindi kasama si Donato sa usapan. It's... between us." naiilang man sa topic ay pinilit pa rin ni Marydale mairaos ang kanyang pagsasalita. Hindi niya kailanman naaninag na darating siya sa ganitong punto ng buhay niya.



"Then what? Confused ka sa'kin? Tell me," napahawi ng buhok niya si Edward, "Tell me honestly. Your feelings, maiintindihan ko naman."



Napakuyom si Marydale ng kanyang mga kamay. Hinihigit niya sa kanyang kaibuturang buto ang lakas ng loob para sabihin ang mga gumugulo sa kanyang isipan. "S--simula nung... nung... hinalikan mo ako, hindi ko alam pero---"



Bahagyang natawa si Edward at napakagat labi ito ng patago, "Go on Miss Entrata, I'm listening. Let me hear your heart,"

"Naiinis ako sa'yo! Minsan gusto kitang tadyakan sa bayag para marealized mong hindi tama iyong ginawa mo!" napanguso si Marydale at bahagyang idinuyan ang sarili para na rin makalma niya ang sarili niyang nanginginig na sa kaba, "H--hindi ko alam kung paano ako makakareact, hindi ko alam kung paano kita haharapin, nahiya ako. Naiilang!" bahagyang may pagtaas na ng boses si Marydale

Napatayo si Edward mula sa pagkakaupo sa duyan at bahagyang lumuhod sa harapan ni Marydale na nakayuko lang,

"Go on, Miss Entrata. I'm listening,"

Napahinga na muna nang malalim si Marydale, "Tapos sasabihin mong may gusto ka sa akin pero iba ang gusto sa mahal? So, sino ang mahal mo? Ang labo kaya nun!" umismid pa siya


Natawa naman si Edward sa nalaman mula kay Marydale kaya napakunot noo si Marydale, "Tatawa ka pa ah!" pagsita ng dalaga at mahinang sinipa si Edward sa paa kaya na-out of balance si Edward at dahan-dahang napaupo ito sa lupa na naging rason para mataranta si Marydale na hilahin ito pataas kaso  hinila lang siya ni Edward pababa kaya napasubsob siya sa binata.

"Hoy Edward!" pag sigaw niya dahil napagtanto niyang nakapatong siya ngayon kay Edward

"Listen, you were like a temptation to me kaya hindi ko napigilan ang sarili kong halikan kita noon. I was too worried dahil pakiramdam ko nawawala na ako sa'yo. Alam ko naman na wala akong laban kay Donato pero... what should I do? I like---I think I love you already, I need to make a move,"



Napalunok ng laway si Marydale sa narinig. Lumakas ang kabog ng kanyang puso sa kanyang dibdib. Pakiramdam niya'y naghahabol siya ng kanyang hininga lalo na ngayon na papalapit ang mukha ni Edward sa kanya.


"E--Edward..." pagbulong niya na maging siya'y hindi na halos marinig ang sinabi.

"hmmm?" tanging tugon lang nito pero dahan-dahan na nitong ipinikit ang mga mata at palapit na palapit na ang kanyang mukha sa mukha ni Marydale.

"Hahalikan mo ba ulit ako?"

"Sisipain mo na ba ako this time?"

Magsasalita pa sana si Marydale ngunit huli na't nailapat na ni Edward ang labi nito sa mga labi niya. Mabilis lang pero mariin.

Napadilat si Marydale sa kanyang mga mata na huli niya nang narealize na napapikit pala siya dahil na rin sa kaba at gulat,

"E---Edward?!"

"Be my girl, Miss Entrata..." pagbulong ni Edward.

Between Us  (Us series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon